22: Locker Room

5.5K 153 188
                                    

"It's ironic how our hearts can still get hurt by something we've seen coming."

Chapter 22: Locker Room

HANNAH

"Freak girl?"

"Ay palaka ka!" Nagulat ako nang mula sa likod ko'y biglang sumulpot si Cloud. Leche talaga 'tong si Cloud, lagi niya akong tinatawag ng ganon akala ko tuloy si Storm ang tumatawag sa 'kin.

"Grabe ang gwapo ko namang palaka" Confident na sabi niya. Umupo siya sa harap ko at doon ko lang napansin na kasama niya ang mga kaibigan niya, except Storm.

"Looking for Storm?" Sky asks.

"Uh, no." I denied.

"He's in the locker room. . ." Ani Sky.

"I'm not even asking" Sagot ko kahit ang totoo niyan ay hinahanap siya palagi ng mga mata ko.

". . .with a girl" Dagdag niya pa.

"So?" I said with confidence.

"Wala lang, baka lang kasi gusto mo silang pigilan. We've heard kasi na pupunta sila sa motmot. Well, I guess naka-move on ka na talaga sa kaibigan namin so let's call it a day na lang." Said Heaven.

Biglang uminit ang mukha ko at pakiramdam ko may biglang sumabog na kung ano sa puso ko, parang nakaramdam ako ng inis, galit, pagkamukhi at pagka-suklam dahil sa mga narinig ko.

"M—Motmot?" Pinigilan ko ang sarili kong bigkasin iyon ngunit hindi ko na nagawa.

"Uh, yes. . ." Sabi ni Wind kaya bigla akong napatakbo. Narinig ko pa silang nagsalita ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

Bitbit ko ang bag ko habang tumatakbo, ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang maya-maya lang ay titigil na ito sa pagtibok.

"Huwag na huwag kang magkakamali Storm! Sasakalin talaga kita!" Sambit ko habang tumatakbo.

"Hannah? Bakit ka tumatakbo?" Narinig kong sabi ni CK na nadaanan ko na pala. Hindi ko siya pinansin dahil nagmamadali ako.

Pawis na pawis ako at hingal na hingal na huminto sa locker room, huminga muna ako ng malalim at nagpunas ng pawis bago ko sinimulang maglakad papunta sa locker area niya.

"Shoot. Storm sinasabi ko sa 'yo, huwag ka talagang magkakamali! Huwag lang talaga Storm!" Bulong ko habang humahakbang.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko'y siya namang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan pero parang nakakaramdam ako ng kirot lalo na ng mula sa locker area niya'y nakarinig ako ng isang boses . . . ng isang babae.

"So, are we clear for tonight?" Ani ng babae.

"Yeah, sure."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa narinig kong sagot niya. Bakit parang nasaktan ako? Bakit gano'n?

"Seriously?" Tanong ng babae na bakas sa boses ang matinding saya.

Hindi ko narinig si Storm na sumagot o nagsalita kaya naman sinilip ko sila mula sa pinagtataguan ko, at doon, muling kumirot ang puso ko.

"Why?" I whispered trying to hide the pain.

Nakangiti siya, ngiting sa 'kin niya lang ginagawa, at ang sakit sakit palang makitang nakangiti sa iba ang taong mahal na mahal mo.

"Thank you, Storm. I'm sure you will enjoy the rest of the night! See you later. Bye!"

Pinilit kong aninagin ang mukha ng babaeng kausap niya ngunit nakatalikod ito sa 'kin at tanging mukha lang ni Storm ang nakikita ko. Lumakad na siya palayo at sa paglakad niyang iyon ay siya namang pagbaling ni Storm sa locker niya.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon