9: You're dead!

19.2K 470 29
                                    

“Sometimes we just need someone to show us something we can’t see for ourselves.”

Chapter 9: You’re dead
Hannah's POV

Tulala ako, wala sa sarili at parang nababaliw na naman. Kanina pa kasi ako ginugulo ng mga sinabi ni Storm ay este tinext pala. Yeah, punyetang 'yan talaga. Iniisip ko na naman 'yung text nyang walang kwenta na parang baliw. Haaay.

Yung totoo kasi, para siyang autistic. Magtitext na nga lang na magkita kami, tapos wala pang direksiyon, wala man lang lugar. Basta na lang sinabing rooftop eh ang dami daming rooftop sa campus. Okay, ang point ko lang naman is 'yung pagiging demanding nya minsan, pero that doesn't mean na gusto ko siyang makita. Kasi hindi.

Yeah, as in hindi.

Hindi naman talaga.

Hindi ko naman talaga siya gustong makita, kasi ang gusto ko lang ay ang malayo sa kanya. Oo, tama. Gano'n nga ang gusto ko.

After how many minutes of talking to myself, nakabuo na din ako ng isang desisyon. At 'yun ay hindi ko na pupuntahan si Storm. I made myself clear, that's why I packed up my stuff and stood up. Everything is clear right now...

"Uy Hannah nakita ko si Storm ah, papunta sya ng Engineering building." Until one stupid information from a stupid person changed my mind.

Stupid talaga. Like, seriously? Alam mo bang nakapagdecide na ako na hindi ko pupuntahan si Storm kasi nga ayaw ko syang makita and besides wala naman syang binigay na lugar tapos heto ka ngayon dadating at sasabihin mo sa 'king nakita mo si Storm? Pakshet ka men.

"Psh." Umiwas ako ng paglalakad at hindi ko sya pinansin kaya lang loko loko talaga si Cloud.

"Huwag mo sabihing paghihintayin mo siya do'n?" Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Paghihintayin?"

"Yeah. 'Di ba magkikita kayo ngayon?"

"Hindi"

"Hindi? What do you mean by that? Hindi mo sya paghihintayin?"

"Hindi. As in hindi kami magkikita." I replied. Naglakad na ako palayo kaso sa hindi ko inaasahang pagkakataon, at sa hindi ko inaasahang tao, narinig ko ang mga salitang nakapagpabago ng isip ko.

"You're such an immature freak." Kaya naman napalingon ako sa kanya, seryoso ang mukha nya habang seryosong nakatingin sa 'kin. Ngayon ko lang nakita ang ganitong mukha ni Cloud, ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso ang mukha nya.

"Hindi kita maintindihan, hindi ko maintindihan ang dahilan mo para iwan mo ang kaibigan ko. Ay sabagay, wala ka nga palang dahilan nung iniwan mo sya. I don't understand you, I don't understand your logic." Sabi nya sabay lakad palayo. Naiwan akong nakatulala sa malayo, nakatulala sa kawalan, naiwan akong nagpipigil ng luha. Naiwan akong nasasaktan.

Mali sya, dahil may dahilan ako nung iniwan ko si Storm. But somehow, tama sya, dahil wala akong matinong dahilan nung iniwan ko ang lalakeng mahal na mahal ko. Hindi nya ako maiintindihan dahil mayaman sya, dahil may pera sya, dahil nasa kanya ang lahat, hindi nya ako maiintindihan, hindi nya maiintindihan ang dahilan ko.

Hindi ko alam kung bakit, ay hindi, siguro dahil nagsisinungaling na ako mula pa kanina na ayaw ko syang makita, dahil ang totoo nyan gustong gusto ko syang makita. Gustong gusto ko syang makasama, gustong gusto. Pero letse lang talaga, hindi ko alam kung bakit ang daming hadlang.

"Minsan gusto kong sisihin si Storm kung bakit lagi kang umiiyak..."

Agad akong napahawak sa pisngi ko nang marinig ko ang mga salitang iyon, doon ko na lang din napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimKde žijí příběhy. Začni objevovat