MSBTB 66

825 37 4
                                    

Sorry matagal update, yescamp kasi tapos preparation nung teacher's day. Hope ya understand loves! Anyway, gift ko narin to sa mga tumutulong sa trending sessions, at dahil JaiLene day nanaman bukas at dahil may soon to be music video sila at...at...at...at next week na taping ng Nathaniel!!!! WHOOOOOOO!!!!! ^^

------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 66

Sharlene's POV

Masayang nagkukwentuhan kaming magkakaibigan, pati kasi si mommy ay binibiro nila at infairness dito kay Andre, madali lang syang makisama at pakisamahan, aba nakapoint na agad sa kanyang sister-in-law hahahaha

“CR lang ako" pagpapaalam ni tita Carrie na kanina pa walang imik

“Sige po tita" i smiled pero hindi na yun ginantihan ni tita Carrie at umalis na sa kinauupuan

“Uhh... ako rin, wait lang ha" pagpapaalam naman ni mommy at sumunod sa CR.

Okay, binabawi ko na yung sinabi ko sa last chapter na walang epekto sa friendship nila ang namamagitan samin ni Jai kasi...I can now feel that awkward atmosphere. Alam kong may problema, ramdam ko na sa mga kilos nila lately kaya susundan ko nalang din sila

“Uhh wait lang, magreretouch lang ako sa CR" pagpapaalam ko at tumayo

“Nagreretouch ka na sis? Aba maarjud ka na pala ngayon?" Biglang tanong ni Mika. Mukhang mali at yung excuse ko, oops!

“H-ha? Hindi ah, i mean...a....aayusin ko lang yung buhok ko dun...feel ko kasi magulo" palusot ko ulit at bago pa man nila ako tanungin ulit ay tumakbo na ako papuntang CR. Pero honestly, hindi talaga sa mismong CR, hindi ako pumasok sa halip ay nakikinig lang ako sa usapan nila mommy at tita Carrie sa loob, bago pa man kasi ako pumasok ay naguusap na sila

“What made you think na may problema ako? Wala" - tita Carrie. Yan na ang naabutan ko sa pinaguusapan nila

“We used to be good friends pero since may mamagitan sa mga anak natin, nagbago ka. Is something wrong with my daughter at ayaw mo sya para sa anak mo?" Bigla akong kinabahan sa tanong ni mommy kay tita Carrie

“There's nothing wrong with Sharlene" -tita Carrie. Bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig yan pero....kung ganun....bakit ayaw niya sa akin?

“Kung ganun, bakit mo itinutulak si Jairus kay Trish? Aware ka naman siguro sa feelings ng anak mo" -mommy

“You wont understand" nakng tita Carrie,.ano man po yang rason nyo, pipilitin ko naman pong intindihin e

“Of course I will, I am your bestfriend, I will understand even your stupidest reason" aww natouch ako sa sinabi ni mommy na to

“Baon na baon na sa utang ang kumpanya namin, My. At ang kumpanya nalang nila Trish ang malalapitan ko pero may kondisyon sila : ang pakasalan ni Jairus si Trish. Ayoko sanang tumutol sa pagmamahalan ng mga anak natin dahil mas kumportable ako kung si Sharlene ang kasama ni Jai pero...ayokong mawalan ng kinabukasan si Jai kaya kumakapit ako sa patalim kahit na alam kong masasaktan ang mga anak natin" sabi ni tita Carrie na umiiyak na. Nalulungkot ako, tama si tita, kay Trish parin ang magandang kinabukasan ni Jai....wala sa kin

“Bakit sa mga Yu ka pa lumapit, andito naman ako" - mommy

“Srsly? Hiyang hiya na ako sayo, My, marami na akong utang sa kumpanya mo, ayoko ng madagdagan pa yun" - tita Carrie

“What friends are for kung hindi rin naman tayo ang magtutulungan? Lahat ng utang mo, hindi ko nililista ni hindi ko binibilang ni hindi ko nga alam na may utang ka kasi ang alam ko, nagbibigay ako hindi nagpapautang" mommy smiled

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon