MSBTB 36

3.6K 45 3
                                    

Chapter 36

Sharlene's POV

Ngayon na ang araw ng flight ko. Bilis noh? Kahapon lang ako nagplano pero ngayon na ang flight. Iba na kasi pag may koneksyon. Mabuti narin to para matahimik narin ako. Lagi nalang akong maguguluhan kung mag-i-stay pa ako dito lalo na't napaamin na ako kay Jairus.

Dumaan muna ako dito sa school to get my forms at nasa car na yung mga gamit ko kaya pag nakuha ko na yung mga forms ko, diretso na kami sa airport.

Class hour ngayon kaya walang gaanong estudyante. Pero malapit naring mag break kaya dapat bilisan ko. Ayokong magpakita sa barkada lalo na kay Jairus.

Dumiretso na ako sa office, nung una, ayaw pa akong paalisin dahil 4th quarter naman na daw. Pero syempre, kinuha ko padin, kaya sa huli, ibinigay parin ang mga forms ko.

Paglabas ko ng office, nakasalubong ko si Francis na naging dahilan ng paka-kaba ko. Isama mo pa ang seryoso nyang mukha.

"Ba't hindi ka umattend ng klase? Anong ginawa mo sa office? Ano yang hawak mo? Bakit hindi ka naka uniform?"  sunud sunod nyang tanong.

"Ah---.... *sigh* im leaving...... pupunta na ako ng France" 

"WHAT?!!  At hindi ka man lang nagpasabi?!" galit nyang sabi..  Hindi nalang ako nakasagot. Eh ano nga bang sasabihin ko?

"Totoo ba?..."  -Francis.  Kinabahan ako lalo. Anong ibig nyang sabihin?

"totoo ang alin?" tanong ko

"Na mahal mo si Jairus"  -Francis

O_o

P-papano nya nalaman yun?

"H-ha?  A-ano bang sinasabi mo?"  mahirap man pero nagpanggap parin akong walang alam.

"What the hell Sharlene! Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bulag! Sinabi na sakin ni Mika na umamin ka kay Jairus!" -Francis.  Hindi nalang ako umimik. Nanginginig na ang labi ko at ang tuhod ko, nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. P-paano nalaman ni Mika ang nangyare?

"....kaya pala.  Kaya pala ni minsan, hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo! Ako! Ako palagi ang naghahabol sa relasyon natin. Pati nga monthsary natin hindi matandaan eh! HINDI MO TINANDAAN at mas lalong HINDI MO AKO PINAHALAGAHAN! Kaya pala all this time, dama kong si Jairus ang hanap hanap mo sa tuwing magkasama tayo. Iba yung ngiti mo sakin sa ngiti mo sa kanya."  sabi pa nya. Galit sa umpisa ngunit lumungkot sa huli. Im sorry Francis T___T

"Sorry Francis.... p-pero, pinilit ko namang baguhin yung nararamdaman ko eh.  Im so sorry"  ayan nalang ang nasabi ko. Sorry talaga Francis

"Kung hindi ako ang makakapagpasaya sayo.......... bakit ko pa ipagpipilitan?......... you're free Shar...... have a safe trip"  sabi nya at iniwan na ako. Sorry Francis.......and thank you

Nagpapatuloy ako sa paglalakad at sa kasamaang palad......si Jairus naman ang nakasalubong ko

Napakagat lang ako ng labi, yumuko at nagpatuloy na dumaan pero hinawakan nya yung braso ko at pinigilan.

Gusto ko ng umalis. I can't even look at him.

"B-bakit hindi ka naka-uniform?" tanong niya

"a---ano kasi.....aalis na ako." hirap na hirap kong sabi. Pakiramdam ko kasi, konti nalang ay tutulo na ang luha ko.

"h-ha?"  -Jairus

"pupunta na ako ng France" tipid kong sagot.

"W-what?! Bakit?! P-pero paano yung sinabi mo kahapon? That you love me. Bakit ka aalis?" sunud sunosld nyang sabi.

"Kalimutan mo na yun Jai. Hindi yun totoo"  sabi ko. Kahit na labag sa tunay kong nararamdaman. Lahat ng sinabi ko kahapon, totoo yun. Totoong totoo.

"Pwes sabihin mo saking hindi mo nga ako mahal"

O.o

H-hindi ko kayang sabihin yan Jai.... i just can't but I have to

"H-hindi....kita....mahal....at hindi....kita....minahal...nang....higit....pa...sa....pagkakaibigan...."  hirap na hirap na sabi ko.  Hindi man totoo pero kaylangan.

"....satisfied?....alis na ko. Baka mahuli pa ako sa flight"  tuloy ko at naglakad na palayo at bumagsak na nga ng tuluyan ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala.

I love you Jai. Mahal na mahal kita.

"princess...are you crying? Bakit ang tagal mo?"  pambungad sakin ni mommy pagbalik ko ng kotse

"nothing ma...mamimiss ko lang po yung barkada"

"wag ka nalang kaya tumuloy" -ma

"no ma... Ngayon pa na araw na ng flight ko?"

"i'll miss you my princess" then she hugged me

"i'll miss you too ma" then i hugged her back.

Mamimiss ko talaga si mommy. Iniisip ko palang ang pag stay ko sa France, nalulungkot na ako. Dahil unang una sa lahat, wala naman akong kakilala dun maliban sa mga kamag anak namin, mommy's girl din ako kaya hindi ko lubos maisip ang mamuhay sa France without my mother at higit sa lahat, wala dun si Jairus.

Teka lang Shar! Diba kaya nga ako pupunta sa France para kahit papano'y makalimutan ko si Jairus? Hayyy.... mangungulila lang siguro ako dun.

Pero ngayon pa ba ako aatras?! No way!

Jairus'  POV

Ang sakit. Napaka sakit marinig na sabihin sayo ng babaeng pinakamamahal mo na hindi ka nya mahal. Idagdag pa ang ngayon na ang flight nya at wala man lang akong magawa para pigilan siya.

Kung alam mo lang Shar. Kahapon, nung umamin ka ng nararamdaman mo, gusto ko naring umamin....kaya lang, heto't aalis ka na pala. At sinabi mong walang katotohanan ang mga sinabi mo kahapon. Ayoko sanang paniwalaan na hindi mo ako mahal pero bakit ka aalis kong mahal mo nga ako diba?

Shar, i love you.

Ugh!! Bakit ba kasi ang torpe torpe ko?!  Mas malala pa ako kay Nash!! Buti pa siya, nakaamin na at ngayo'y going strong na sila ni Alexa. Eh ako? NGANGA! Iniwan ako ng pinakamamahal ko nang hindi pa nakakaamin.

Pero makakaamin nga ba talaga ako? Pinangangalagaan ko ang career ko, at kung aamin ako, tiyak na malaking gulo ang papasukin ko.

Hayy.... bakit ba ang gulo gulo ng buhay ko?! Dreams vs love. Peste, ang hirap pumili. Yung pinangangalagaan mong pangarap na unti unti nang natutupad, o ang babaeng mahal na mahal at inspirasyon mo na hindi ka sigurado kung may pagasa nga ba kayo o wala??

………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Tadaaaa!!! Mamimiss nyo ba si Shar? Don't worry dahil sasama tayo sa France!!! Yeeeey!!! Abangan din ang mga susulpot na new characters. Gusto nyo silang makilala? Abangan nyo sa INSTAGRAM ACCOUNT na @jailene_officialminions ipopost ko jan after ko tong i-publish so it means, after nyo tong mabasa! Yeah, egzoited na kayo noh? Haha

-A

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]Where stories live. Discover now