MSBTB 56

1.4K 43 8
                                    

Super super super super sorry talaga guys!! Di ko sinasadyang umabot ng ganito katagal tong update ko sorry talaga sana ganahan parin kayo sa pagbasa...

MSBTB 56

Narration

Lahat ay nagkakagulo....nagaalala...at ang iba'y wala nalang magawa kundi ang umiyak....

Sinugod si Sharlene sa hospital matapos mauntog dahil sa away nila ni Mika. Agad namang napauwi ang mommy nila at nadatnan nalang walang malay si Sharlene na nakahiga sa ospital

"SHARLEEEEEEENE!!!"  hagulgol ng mommy nya patakbo sa tabi nya, agad naman siyang pinatahan nila Alexa

"Alexa...kamusta sya? May sinabi na ba ang doktor?" tanong nya

"Tita we're sorry po... pero Sharlene's in a coma" malungokot na balita ni Alexa

Oo, comatose si Sharlene, walang nakakaalam kung kaylan sya magigising. Kung bukas ba? Next week? Next month? Next year? O kung hindi na...

"W-WHAT?!!!!" Shar's mom looks so helpless, di nya kakayaning muli syang mawalan ng anak gaya ng pagkawala ni Mika noon

"Alexa....please tell me, what happened? Ano bang nangyayari habang wala kami? Bakit umabot sa ganito?!" tanong pa nya

"It was Mika's fault tita" diretsahang sagot ni Alexa

"Mika??" agad namang lumabas ng kwarto si Mrs San Pedro at nakita sina Jairus, Francis, Mika at Ella doon

"Mika, is it true? Ikaw ang dahilan kung bakit coma ang kakambal mo?!" naiiyak sa galit na sabi nya

Agad naman syang niyakap ni Mika..

"Mommy please forgive... hindi ko naman ginustong ma-coma sya eh" depensa nya

"But you meant to hurt her right?!!! ... Mika, bakit kaylangang humantong kayo sa ganito? Magkasama ko kayong dinala sa sinapupunan ko, you're twins pero paano nyo nagagawang magsakitan? Dahil lang sa isang lalaki?! Dahil lang kay Jairus?!" bigla namang napayuko si Jairus nang marinig ang binitawang salita ni Mrs San Pedro

"Jairus...kahit na si Mika ang nakarelasyon mo, alam kong may pagtingin ka sa bestfriend mo. But we, you're mom, hope that you'll learn to love Mika. Dahil ayaw naming makita na masira ang friendship nyo ni Sharlene dahil lang sa pag ibig na yan!! Look what happened!! Pinabigat mo na ang damdamin nya, nag away pa silang magkapatid! I can't forgive the both of you! Hindi ko kayo kayang makita habang walang malay si Sharlene!" galit na galit na sabi ni Mrs San Pedro at nasilip niya si Ella sabay sampal dito

"You! You're a bad influence to Mika! Dahil sayo kaya comatose si Sharlene!!!! It would be better if you leave!"

Napaiyak nalang ang tatlo at pumasok si Mrs. San Pedro sa kwarto

Trisha's POV

"Yes ate, i won't miss this opportuniy" sabi ko kay ate Crismille then i hanged up our call na

Maya maya, umuwi narin si Jairus. He looks so worried and helpless, maluha luha pa sya kaya lumapit ako sa kanya, ayoko syang nakikitang ganyan

"Hey, what's that face. Smile ka please?" pagpout ko pa

"Please Trish, wala ako sa mood ngayon" sabi lang nya

"How's Sharlene?" tanong ko pa para makuha ang attention nya, well as if I care, mas gusto ko pang matuluyan si Sharlene para mabawasan ang malalandi

"Comatose sya" pagsabi nyang yun, bigla ng pumatak ang luha nya. So he really loves Sharlene? Tss, no way -__-

"Wag mo syang alalahanin, she'll be okay. Don't stress yourself. Libangin mo ang sarili mo, let's hang out, ikasasama mo yang worry na yan eh" paglalambing ko sabay hawak sa dibdib nya, hey Jairus, im seducing you duh? Di ba obvuse, kaya pumayag ka na tsk

"Trish is right" bigla kaming napatingon sa nagsalita....it's tita Carrie

"Don't stress yourself too much. I respect what you feels for Sharlene, kung kayo nga ang itinadhana, i'll accept it but im worrying for you, masyado kang naaapektuhan. How's a vacation with Trish? Kahit one week lang please anak" -tita Carrie

Tinadhana? Si Jairus at Sharlene? Oh my gosh tita, how could you? Di ka ba nandidiri sa mga sinasabi mo? -__- but atleast gusto ko yang vacation na yan tita wahahaha

"no mom" tipid nyang sagot at umalis

"Jairus!" tawag pa ni tita kaya napalingon ulit si Jai

"I am begging you, kahit one week lang na hindi ka stress please, if you can't do it for yourself, do it for me. As a mother, i know what's best for you" pagmamakaawa pa ni tita

Uhm....tita, pwedeng iextend up to one year? Hahahaha

"tss.....fine" mahinang sagot niya at umakyat na

WOOOOOOOOOOHOOOOOOOO!!!! Oh diba ang sayaaaaaa! Parteeeeeeehh! Masosolo kita Jairus for one week and I swear, you'll fall inlove with me

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Okay so ayan, sana nagustuhan nyo tong chapter na to kahit napaka tagal ng update. Love you all guys!!!

-a ♡

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]Onde histórias criam vida. Descubra agora