MSBTB 44

3.3K 52 18
                                    




Dedicated to myzmae , thank you sa nakakainlove mong comment sa MSBTB 43. And syempre, iba pang nagcomment sa chapter na yun, para sa inyo rin to. Thank you guys for reading this story of mine. Di ko talaga plano ang gumawa ng JL FF noon, nagkataon lang na bored ako noon kaya gumawa ako and actually, hanggang chapter 21 lang dapat tong story neto pero di ko kinaya XD andame ko kasing naiisip na conflicts.













Chapter
44






Jairus' POV









Hindi ko talaga lubos maisip na nakita at nakausap ko ulit si Shar. Ibang iba na sya. She looks prettier than before and.....she looks untouchable. Feel ko mahihirapan na akong makibagay sa kanya ngayon, kasi feel ko, hindi na sya yung bestfriend ko noon. Iba na sya. Pero kahit mag iba man sya, yung nararamdaman ko sa kanya, di parin nag iiba. Sya at sya parin ang hinahanap at sinisigaw ng puso ko,....SYA LANG!










"Jai...." nagulat ako sa biglang bumungad sakin pag dating ko dito sa bahay












"Miks...ano na nga palang problema mo?" tanong ko agad sa kanya, nasabi nya kasing may kelangan nya ako












"I badly need you" sabi nya lang at agad na yumakap sakin at humagulgol











"Mika...wait. Ano ba kasing problema?" tanong ko. Naguguluhan na ako kay Mika









"Shar's back and she can't accept me as her sister. Nagagalit sya dahil for the first time, hindi natupad ni mommy yung promise nya. Jai, first time! First time lang. Eh ako? 12 birthdays, 12 recognitions...12 YEARS na hindi ko kasama ang real mom ko. Hindi ko nga alam kung paano pa ako tutuloy sa bahay kung nandun na si Shar na alam ko namang ayaw saakin" hagulgol pa nya. This time, nandito kami sa garden ng bahay namin. Im so sad for Mika. Hindi ko ine-expect na ang isang bratt na katulad nya ay may ganitong klase ng problema









"Hush Mika...I understand you. Alam ko namang lumaki ka na mahal at tanggap ng kinalakihan mong pamilya kahit na ampon ka lang, and si Shar,,,lumaki sya na nasakanya lang ang buong atensyon ng mommy nya. Ramdam kita Mika, siguradong ganyan rin ang  mararamdaman mo pag ako ang nasa posisyon mo. Tahan na Miks" pagpapatahan ko











"Pero alam mo ba kung ano pa yung mas masakit? Yung ako yung sinisisi nya sa pang-iiwan sa kanila ni dad. Bakit ganun sya? Hindi nya ako maintindihan. Gusto ko lang naman ay bumalik sa pagiging masaya ang pamilya namin. Nakakaiyak kapag nakikita ko yung pics namin nung bata, kahit di ko na maalala, kitang kita ko yung closeness namin before. Buti ka pa, naiintindihan mo ako samantalang yung kakambal ko, hindi" pagpapatuloy pa nya sa pag iyak. Kawawa naman si Mika. Noon pa, ang tanging wish nya lang ay makasama ulit yung totoo nyang pamilya, pero ngayong kasama nya na, hindi naman sya tanggap ng mismong kakambal pa nya











"Alam ko naman eh. Simula pa nung first team up natin, ramdam ko na na she don't like me at di ko maintindihan kung bakit. Gusto ko naman talaga syang maging kaibigan noon pa eh, cause im so jealous sa friendship nyo, wala kasi akong bestfriend. Kaya im very thankful that I have you. Thank you so much Jai" and she hugged me again














"Tahan na. Basta im always here. For sure naman na matatanggap ka na rin ni Sharlene kasi for the first place, kapatid ka nya" pagpapagaan ko sa loob nya. Naninibago talaga ako kay Mika. Akala ko, she's just a bratt na walang ibang alam kundi magpaka-kikay at kunin lahat ng gusto. Iba ang pagkakakilala ko sakanya.


















Sharlene's POV









Kagigising ko lang at may nakita na agad akong nakasira agad ng araw ko -___-









"Anak, breakfast?" tawag ni mommy sakin. Palabas na kasi ako ng bahay, may lakad ako









"no need. Nanjan naman na si Mika eh. Kumpleto na dinning table. May lakad pa kami ni Francis sa mall" sabi ko at lumabas na agad. Narinig kong tinawag nya ako ulit pero di ko na pinansin. Totoo naman eh, si Mika lang gusto nyang makasama sa lamesa para makumpleto umaga nya -___-









Imbes na ma-badtrip sa bahay, dito nalang ako sa mall kasama si Francis!












"Kamusta na pala kayo ni Ella?" tanong ko.Atually, di ko pa nakikita sa personal si Ella, hanngang pics lang. Or maybe nakakasalubong ko na sya sa school noon nung sa JLU pa ako nag aaral











"Ayun, parang galit eh. Hindi ko alam kung bakit" sabi nya sabay sakmal ng icecream













"Galit? Kelan pa?"











"Feel ko kahapon lang. Narinig nya yung pag uusap natin, alam nyang may lakad tayo ngayo----teka.....parang alam ko na kung bakit sya galit. Nagseselos kaya yun sayo?" 
-Kiko








O___O






A-ano daw? Luh? Muntik na kong mabilaukan dun ah!














"Magseselos sya? Sa akin? Bakit naman? Ano namang kelangan nyang ipag-selos?" sunud sunod kong tanong














"Malay ko dun. Siguro dahil alam nyang ikaw ang first love ko."











"So? Who cares about the past and first love? What's important is the present and true love. Diba? Nakuu Kiks! Ayokong maging dahilan ng compliated relationship ha, ayusin mo yan! Haha" payo ko sakanya












"Sus! Grabe maka-advice tong babaeng to. Dami mong alam. Nag-France lang eh" pang uyaw nya










"Aish! Manahimik ka!" sabi ko nalang at nagtawanan nalang kami. Hayyy.....buti pa ngayon, wala akong sakit sa ulo na iniisip. Parang ayaw ko ng umuwi sa bahay













Mika's POV






Di parin ako maka-get over sa drama ko kahapon....Yes, drama lang lahat ng ginawa ko kay Jai kahapon. Pero ung mga sinabi ko? Totoo lahat yun, may point naman ako diba?


Ngayong bumalik na si Shar, wag nyang asahan ganun parin sa dati ang takbo ng mundo. This time, sisiguraduhin kong mas papabor at mas iimportante ako kayJai and of course sa atensyon ni mommy. Kung inaakala nyang may babalikan sya? Well, nagkakamali sya dahil kontrol ko na mga bagay bagay!! And im so glad that I now have mom, jai, and my new bestfriend, Ella.











Calling Ella.....






(Yes Miks? Napatawag ka?)










"I just wanna inform you na may gimik ang boyfriend mo at ang magaling kong kapatid sa mall. JUST THE TWO OF THEM"












(What?!!! Sinabihan ko na si Kiko na wag tumuloy ha!)












"oops. Mukhang hindi ka sinunod ng babe mo. Tsk tsk tsk"













(Ugh! By the way Miks, thank you for the info. Got to go, pupuntahan ko lang ang akin)










call ended...

















Uh oh! Sorry nalang sis *evil smile*














-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------












Im so so so sorry guys kung sobrang tagal ng UD, so busy kasi sa school. Hirap kasi pag section 1, daming requirements para sa clearance. Actually, dapat next next week pa ang UD dahil di pa tapos ang finals namin. Post at unit test palang.



Anyway, thank you ulit sa mga comments. Next UD ko na ang GVB, dami ring naghihintay dun eh.




vote and comment don't forget. I need 50 votes and 10 comments for this chapter para mag UD ulit ako ;)



-a

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن