"Ang aga mo, ah" sabi ni Zian.

"Half day lang kami.."

"Sasabay ka bang maglunch?" tanong niya.

Gustuhin ko man ay parang nakakahiya. Umiling ako at naglakad na papunta sa hagdan. Sinulyapan ko uli ang likod ni Fire bago tuluyang umalis. May mga lalake talagang gwapo kahit likod lang nila ang nakikita mo.

"Zia, tapos na sila. Bumaba ka at magtanghalian" sabi ng yaya namin. Itinigil ko na ang pagbabasa ng script at nag-unat. Kabisado ko na ang mga linya ko at kung saan ako papasok. Practice na lang ang kulang.

"Sa Friday pwede ka?"

"Oo, Kuya Fire."

Saktong pagbaba ko ay paalis na ang mga bisita ni Zian. I swear I saw Fire look at me! Napasuklay tuloy ako ng buhok. Hindi ko tinignan ang itsura ko bago bumaba. When I finally have the guts to look at him ay nakatalikod na siya.

Zian is smiling,"Ang galing ni Kuya Fire maglaro! Should I also enroll at Ateneo? What do you think Zia?"

Tumango ako habang kumukuha ng ulam at kanin,"Okay lang. It's a nice school. Anong course ba kukunin mo?"

Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng saging,"I will go for civil engineering. My second choice is architecture. "

Natigil ako sa pagsubo."How about business?"

He frowned, "Alam mong hindi ko gusto iyon. Business isn't my thing."

As a kid, I dreamed of taking the same course as Zian at pareho kaming magiging magaling sa larangan na iyon. Magkasundo kaming dalawa at maraming pagkakapareha so I thought it's not impossible. But we are growing up and starting to have different views in life. Normal iyon but it makes me sad a bit.

"Ikaw ba? Alam mo na kung anong kukunin mong course?"

"Accountancy" sagot ko. Mukhang nabigla roon si Zian.

"Not mass com or anything related to arts?"

Tinapos ko ang pagkain ko bago sumagot sa kanya.

"Nope. I want to do something.. different apart from performing.."

Zian nods his head encouraging me to continue what I am saying. Huminga ako ng malalim. Hinarap ko siya at inabutan naman niya ako ng saging para kainin. I peeled it.

"I know that the showbiz life doesn't last long. There is no guarantee that I will last long there so you know, I want a fall back plan." explain ko.

Zian seems to understand what I'm saying. He crossed his arms.

"Okay. Do you want to study with me at Ateneo?" ngiti niya. I smiled, too.

"Any school is fine as long as I'm with you."

"That's sweet." he tapped my head before leaving.

Nagpatuloy lang ang nagpa-practice namin nang sa wakas ay nasa part na kami ng pagkanta ay tinandaan ko ang mga tinuro sa akin sa workshop.

"Zia, I don't think you have to do that." sabi ni Bryan.

"Okay naman, ah" sabi ko. Conrad looked at me then to Bryan.

"Ziana's key is fine. Tama lang ang ginagawa niya."

Tinuro ako ni Bryan gamit ang isang rolyo ng papel."Tingin ko kasi parang sinusubukan ka niyang angatan."

I stiffened. Hindi ko napansin iyon.

"S-Sorry"

"Okay lang-"

Pink SkiesWhere stories live. Discover now