4

8 4 0
                                    

NAKATINGIN lang si Saige sa nakangiting Connor na nasa harap niya.

Naghahanap si Saige ng lugar na pwedeng maagaw nang makasalubong niya si Connor. Malapad ang ngiti ni Connor nang makita siya.

"Oh, beautiful Saige, we meet again." Sabi ni Connor sa kaniya. Tipid siyang ngumiti at hindi umimik.

"Nasaan na ang mga kasama mo?" Tanong ni Connor nang mapansin niyang nag-iisa si Saige. Nawala ang ngiti ni Saige.

"Wala. They already have their own territory." Gulat na napatingin sa kaniya si Connor.

"Paano?" Hindi na sumagot pa si Saige at nilagpasan si Connor. Nabangga pa nga ni Saige si
Connor. Napasimangot si Connor bago sinundan si Saige.

"Halata naman na ayaw mong pag-usapan kaya iibahin ko na lang ang tanong ko. Saan ka pupunta?" Ulit na tanong ni Connor habang naglalakad sa tabi ni Saige.

"Maghahanap ako ng teritoryo." Napangisi si Connor sa sagot ni Saige.

"Alam mo, sumama ka na lang sa grupo namin." Suhestiyon ni Connor kay Saige.

"Grupo? May grupo ka?"

"Uh-huh. So ano? Sali ka?" Hindi umimik si Saige at nag-isip na lang.

Kung sasali siya sa grupo nila, marami siyang malalaman at mapapadali ang paghahanap niya ng teritoryo. Ang kaso, wala siyang dapat pagkatiwalaan sa District 9. Wala. Baka dahil sa tiwala na 'yan mapahamak pa siya.

"Saige? You're spacing out." Nabalik sa katinuan si Saige sa sinabi ni Connor. Ngayon niya lang napansin na tumigil pala siya sa paglalakad. Napatingin siya kay Connor.

"So? Sasali ka ba?" Tanong ni Connor sa kaniya.

"Uhh... no thanks." Sabi ni Saige at nagpatuloy sa paglalakad. Muling sumunod si Connor sa kaniya kaya medyo nairita na siya.

"Bakit ayaw mo?" Tanong ni Connor na hindi naman niya sinagot. Hindi niya pwedeng pagkatiwalaan ang lalaking 'to lalo na't kakakilala pa lang niya dito.

"Connor!" Napatingin silang dalawa sa pinanggalingan ng boses at natigil ulit sa paglalakad.

Nakita ni Saige ang isang cute na lalaki na kumakaway 'di kalayuan sa kanila. He has this wide smile on his face.

Lumapit siya kina Connor at Saige.

"I.N. saan ka na naman pumunta?" Tanong ni Connor kay I.N. Ngumiti lang si I.N. sa kaniya at nang mapatingin siya kay Saige ay agad na nawala ang ngiti niya.

"Ate Aya?" Tanong niya. Kumunot ang noo ni Saige dahil sa sinabi ni I.N. Paano siya nito nakilala?

"Aya?" Takang tanong ni Connor pero hindi siya pinansin ng dalawa.

"Anong ginagawa mo dito? Ako 'to, si Jeongin!" Pagpapakilala ni I.N. sa kaniya. Kumunot ang noo niya at tiningnan ng mabuti si I.N.

"Ah, okay." Sabi niya nang maalala na si I.N.

"Ah, okay? 'Yan lang ang reaction mo, Ate? Ang laki ng pinagbago ko oh. Mas lalo akong gumwapo tapos ang reaction mo 'ah, okay' lang?"

"Ano ang gusto mo? Hi Jeongin! Ang gwapo mo na! Ganyan?" Puno ng sarkasmo ang boses ni Saige nang sabihin niya iyon.

"And Jeongin, it's Saige. Not Aya." Dugtong pa niya.

"Ate Saige, it's I.N.. Not Jeongin." Pagkokorekto naman ni I.N.

Hindi na nagsalita pa si Saige at muling naglakad. Kaagad naman na sumunod sina I.N. at Connor sa kaniya.

"Ate, saan ka pupunta?" Tanong ni I.N.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

District 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon