5위 ❝At The End of Everyday❞
NARRATION
"Let's call it a day." Miggy dismissed the officers. Saglit niyang ni-review ang mga napagkasunduan nila para sa gaganaping school festival.
They do an annual school festival as a welcome ceremony for another academic year. Name every color and that's how colorful that day will be.
Miggy looked at the piece of paper he was writing on earlier. Habang hinihintay ang ibang SC Officers ay ginamit niya ang oras para magsulat ng mga numero.
"Miggy," pagtawag ni Nina sa President nila nang sila nalang ang naiwan sa SC Room. Nina is the SC Secretary which she's very glad about. Syempre araw-araw niyang makakasama si Miggy.
"May sasabihin ka ba?" Tanong ni Miggy matapos ayusin ang gamit.
"I still don't understand why you're on her side. I mean, sino ba si Oli? She's just new." Heto nanaman si Nina at si Oli nanaman ang target.
"Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang attitude mo sakaniya, Nina. The person did not do anything against you."
"She's stealing you from me." Napabuntong-hininga na lang si Miggy at walang ganang tumingin kay Nina. "Nina, I was never yours. I get that you like me, but please? Huwag mo namang idikta sa akin ang mga bagay na ako dapat ang nagdedesisyon."
"You never rejected me. Ibig sabihin may pag-asa pa ako." Mapilit talaga itong si Nina. Hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ni Miggy. It's just that Miggy doesn't want to hurt her kaya ayaw niya itong sabihan ng masamang salita.
"Nina, matagal na kitang ni-reject. Hindi parin ba nagsi-sink in sa'yo?" Padabog na kinuha ni Nina ang bag niya.
"Then reject Oli as well. If we can't be together then why should Oli stay with you?" Saka umalis si Nina.
Miggy felt disappointed. Senior na sila but his classmate thinks that way. Maturity comes in time. Hindi niya alam kung kailan dadating ang kay Nina.
YOU ARE READING
When A Heart Beeps
Fanfiction❝Kaya lang naman ako gusto ng mga tao dahil gwapo ako.❞ ❝Gusto kita kahit bulag ako.❞ Ang mundo ni Miggy. His world is like a stage. Isang stage kung saan siya ang bida, kontrabida, supporting actor, direktor, at pati ang cameraman. Ang stage kung s...