4위 ❝Be Different❞

2.1K 91 50
                                    

4위 ❝Be Different❞

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.


4위 ❝Be Different❞

4위 ❝Be Different❞

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

NARRATION

Braille books. Unfamiliar movements. Straight composure. Dull eyes.

Now that the whole class knew about Oli's condition, they began to notice the hints of her blindness. Bago pa man uminit ang usapan kanina sa pagitan ni Nina at Miggy ay dumating na si Miss Shin kaya naupo na ang lahat.

Oli had to cover her watch. Lumalakas nanaman ang tunog nito dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. May halong kaba at ikaw ba naman ipagtanggol ng isang Miggy Agoncillo.

"Anong nakikita ng bulag?"

"So nananaginip ka rin ba?"

"Ipinanganak ka bang bulag?"

Muling napabuntong-hininga si Oli. Hindi naman tumalab ang pananaway ni Miggy sa dalawang kaibigan.

Sabay na kumakain sa cafeteria sina Oli, Miggy, Dion at Hansel. Pero mukhang hindi yata magiging peaceful ang lunch ni Oli dahil sa mala-investigation na tanong ng dalawanag ugok.

"Haaay." Matapos huminga ng malalim ay nagsalita si Oli.

"Una sa lahat, hindi ako ipinanganak na bulag. Oo nanaginip ako. May nakikita rin ako." Humarap si Oli sa katabi niya. Napalunok naman si Miggy. Bigla nalang kasing naharap itong si Oli sakaniya.

"Pero sobrang labo. May kaunting liwanag lang pero wala sa focus ang tinitingnan ko. I can see Miggy but not his features. Mahirap ipaliwanag."

"Hindi kaya malabo lang ang mata mo?" Tanong ni Dion na may laman pa ang bibig at umiling naman si Oli.

"Eyeglasses and contacts won't do. Sa iba, oo. Ako nasubukan ko na, pero wala." Bumalik na si Oli sa pagkain pero ayaw parin siyang tantanan ng dalawa.

"Paano-" hindi na natuloy pa ang itatanong ni Hansel nang sinenyasan siyang muli ni Miggy. Alam ni Miggy na hindi kumportable si Oli sa mga tinatanong ng kaibigan niya.

"Pagpasensyahan mo na si Nina. I'm pretty sure she's not picking on you for being blind." Sabi ni Hansel.

Most of the girls in their class were against Oli. Some cares and some do not. Bakit nga ba karamihan ng babae sa klase nila ay ayaw kay Oli?

When A Heart BeepsKde žijí příběhy. Začni objevovat