3위 ❝Because There Is You❞

Magsimula sa umpisa
                                    

I left her at the bench outside the office and strode inside after knocking on its door two times. Sinalubong rin naman ako ng malawak na ngiti ng Principal namin.

"I know class just started yesterday and you are already here." Inayos ni Mr. Salcedo ang salamin niya saka naupo sa swivel chair katapat ng lamesa niya.

"May problema po ba?" Tanong ko at sinagot niya ako ng pag-iling.

"Not a problem. I am just glad to tell you that you will be representing our school this year."

"Represent? Saan po?" He handed me a long brown envelope that was on top of his table and to my surprise, I saw a familiar paper inside it which reads a familiar school.

"One University is requiring all Universities to send one student. You will be staying there for a month wearing our school uniform and bearing the school's name."

Naramdaman ko ang awtomatikong pag-kurba ng ngiti sa labi ko. It's my dream college university at hindi ko maitago ang saya. It's a good opportunity and a credit as well.

Pero sa kabila ng pasasalamat at saya ay hindi ko maiwasang magtanong.

"Nag-undergo po ba ng process ang pagpili ng representative?"

"With your potential and image in our school, I don't think kailangan pa ng process. You are over qualified, Miggy."

My excitement quickly turned its back on me. Ang kaninang puno ng saya ay napalitan ng pagka-dismaya. "But Sir, you can't just pick me without any process. I am sure marami pa pong mas deserving kaysa sa akin."

"Ayaw mo ba sa opportunity na ito?"

Hindi ko magawang sagutin kaagad ang tanong niya. Alam ko sa sarili ko na gusto ko ang oportunidad na ito. Pero kagaya ng lagi kong nararamdaman, I feel undeserving.

"The decision is final. You will be the representative of our school."

Hindi ko na naman nagawang ipaliwanag ang sarili ko. It's like eating whatever is served on the table, grabbing whatever there is to grab without even giving a second thought.

"Miggy?" Oli stood from her seat the moment I went out of the office. Alam kong hindi niya ako nakikita but I don't want to share the bad vibe I have this time so I forced a smile.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"H-ha?" Mukhang hindi yata lumusot ang pagpapanggap ko sa harap ng bulag na si Oli.

"Mata ko lang ang hindi nakakakita. But I can sense na wala ka sa mood." Bahagyang akong napangiti sa sinabi niya.

"Sometimes I doubt na bulag ka talaga. Alam mo lahat."

"Kasi ang bagal ng lakad mo papunta sakin. It's not your usual steps. Kaya ko nasabing may mali." I slightly nodded at pat her head.

"Don't worry, okay lang ako."

"Sinong nagsabing nag-aalala ako sa iyo?" Tinanggal niya ang kamay ko saka umiling.

"Nag-aalala ako kasi baka bagalan mo ang lakad mo at hindi ka makasabay sa bilang ko." She smiled.

CLASS 2-A

"May big news! MAY BIG NEWS!"

"Si Oli Limbo! Si Oli Limbo!"

"Ano? Pwede ba huminga ka nga muna ng malalim?"

"Bulag si Oli!"

"Ano?"

"As in! Narinig ko sa faculty room kanina. Bulag si Oli at wala siyang sinabi na kahit ano tungkol doon."

"You mean, she's trying to deceive us? Huh! And to think that she's been clinging to Miggy... Oli Limbo..."

"Anong nangyayari dito?" Hindi ko alam kung classroom ba itong pinasok namin o ano pero sobrang gulo at ingay nila. I saw Nina crossed her arms and smirked. Ano na naman kaya ang lalabas sa bibig niya?

"Miggy, you are not just the class monitor but also the president of the student council. Hindi mo dapat sirain ang image mo." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nina at sa tingin ng mga mata niya.

"Ano bang sinasabi mo, Nina?" Biglang tumahimik ang buong klase. Maybe it's the first time they will see Nina and I arguing. Pero sa totoo ay hindi ito ang unang pagkakataon.

We have argued for many times. I can't even tell if those were still arguments when it's always for the same reason. Oli, on the other hand, excused herself and went back to her seat.

"Well, sa pagkakaalam ko Axis University is a school for smart and talented students. Not a place for people with disabilities." Napatigil si Oli sa ginagawa niya nang marinig ang sinabi ni Nina. Maging ako ay nagulat din dahil sa pagkakaalam mo, bukod kay sa akin at kay Oli, si Miss Shin lang ang nakakaalam tungkol doon.

"Classmates!" Mas nilakasan pa ni Nina ang boses niya para makuha ang atensyon ng buong klase pati narin ng mga babagong papasok palang sa loob.

"May kaklase nga pala tayong bulag. Oli, tama ba?" Nangibabaw ang bulungan sa loob ng klase. Agad kong sinaway si Nina pero hindi siya magpapigil. Ano bang problema niya kay Oli?

Slowly standing from her seat, I noticed Oli taking a strong grip of her skirt. Mukhang gusto niyang magsalita para patulan si Nina but before she could even utter a word, ako na ang nagsalita.

"Ano naman ngayon kung bulag siya?" All eyes shifted from Oli to me. Unti-unting pinakawalan ni Oli ang palda niya.

"There's nothing wrong about being blind." I said while looking at her... Then to Nina.

"But having an eye na puno naman ng panghuhusga? Iyon ang mali."

To be continued...

There are so many things to be bothered about.
Countless times we felt scared and helpless.

But because there is "you",I am not afraid.

When A Heart BeepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon