Kabanata 29

1.7K 44 0
                                    

MANTK#29


_______________
Carlota's POV-
_______________

Mabilis akong tumalima sa main door nang marinig ko ang door bell.Natigilan din si Grandy sa kusina na tumutulong sa amin na maghiwa ng rekados.I take off my epron and rush toward the door.

Sa pintuan palang ay natanaw ko na ang pamilyar na kotse.Ang kotse ni Rad at ang kotse ni Papa.Agad na kumilos ang guard at napapangiti naman ako na bumaba mula sa malaking hagdan ng mansion.

Kailangan na kompleto kami tuwing Sunday.Unfortunately wala si mama Farah bumalik siya ng states after ng ginawa nilang welcome back party namin ni Rad dito sa mansion.I heard susunod si papa sa states ang kapatid niyang ama ni Redwell ang sasalo sa maiiwan niya dito for sure si Redwell din naman ang papasan niyon.

Ikakasal na sila next year ang edad lang ni Maria ang hinihintay ni Redwell para maaprobahan na ang kasal nila.Hindi naman pwedeng isabay sa debut ang kasal.Saktong sakto at nanganak na rin si Maria no'ng mga time.

“Babalik na sa shape ang katawan ko at hindi na ako mahihiyang isuot ang wedding gown ko.”ani Maria at hinimas ang may kaumbokang tiyan.

Monday no'n nang maisipan namin ni Angela na bisitahin siya.Hindi namin naisama si Ruby dahil busy ito sa kung anong bagay.Kung ano man 'yon..hmm, nagdududa din kami.

Umayos ako ng tayo nang magsimulang magbukas ang mga pintuan nila.Unang bumaba ang preskong presko na si papa nakaluwag na ang neck tie nito at tila hindi man lang dumaan sa stress.Bahagya siyang ngumiti nang mapansin ako, sumalubong ako at panay sulyap sa kotse ni Rad na nakasunod lang sa kotse ni papa.

Humalik sa pisnge ko si papa nang makalapit ako.

“Si Grandy?”tanong niya agad.

“Nasa loob po tumulong sa pagluluto.”ani ko.

Tumango-tango si papa at hinintay na namin ang pagbaba ni Rad.Napawi ang ngiti sa labi ko nang unang lumabas doon si Miss Chun na nakasuot ng pulang fitted dress na parang dadalo sa isang cocktail party.Effortless na kinuha niya sa loob ng kotse ang Prada bag niya.

Napaawang ang labi ko.Bakit siya nandito?Hindi sa ayoko siyang nandito pero bakit siya dinala nina Papa dito?At sa kotse pa siya ni Rad nakasakay.

“Pinagbigyan lang namin siya,hija.Gusto niyang makita si Raven I understand apo niya rin ang bata.Nagpumilit siya kanina and biglaan kaya hindi na kami nakapagpaalam sa'yo.”paliwanag ni papa.

Tumango ako at nanatiling nakatingin sa mukha ni Miss Chun na ngayo'y natigilan nang mapansin ako.Agad siyang nag iwas ng tingin at bumalatay ang guilty sa mukha.Tila nawala nalang bigla ang confident sa mukha niya.Humento siya para hintayin na rin si Rad na seryosong bumaba ng kotse.Gumalaw ang panga niya nang mapansin ako at mabilis na lumapit sa'kin.

“I'm sorry.”hinalikan niya ako sa noo.

Tipid akong ngumiti at tiningala ang mukha niya.I know, at naiintindihan ko.Hindi naman ako madamot.I can share my happiness to anyone.Hindi naman pwedeng ako lang ang masaya rito samantalang may iba diyan na gustong maranasan din ang kasiyahan na nararanasan ko.Pero walang magawa dahil ipinagkait ko ang bagay na 'yon.

“She want to talk to you, is it okay?”ani Rad at sumilay ang pagaalala sa madilim niyang mata.

Tumingin ako sa likuran niya.Nakita ko ang paglunok ni Miss Chun at halos hindi pa makatingin sa'kin.Tumango ako at hinayaan siyang makapasok.

Nagulat pa si Grandy nang makita ang mukha ni Miss Chun sa bulwagan.Kagat labi na yumuko si Miss Chun.Binulongan siya ni Papa at bumalik sila sa kusina kasama si Rad sinabi ko sa kanyang sa lanai lang kami ng mansion.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon