Kabanata 22

1.6K 43 0
                                    

MANTK#22



_
Carlota's POV-
_

Hindi na dapat pa na ipagkalat ko ang outing na ito.Kaya lang awkward naman kung kami-kami lang nina Rad sa lakad lalo pa at hindi pa sure sina Ried at Redwell na makakasama sila.Sakto naman na day off kaya sinabi ko kina Angela at Ruby ang tungkol sa outing namin.Sinama ko sila.

“Baby boy,kiss your future gf!”bulalas ni Angela at niyakap agad si Raven pagkababa sa van.

Malamig na tingin lang ang pinukol ni Raven kay Angela.Nakasuot ng tube floral dress si Ruby kapares ng malaking sumbrero at shades habang naka short lang si Angela at long sleeve na kulay puti tapos sneakers.

Hinahangin ang mahaba kong palda na pinarisan ng sleeveless.Ngumiti ako kay Ruby at nakipagbeso beso.Hindi ko na sila masyadong nakakasama sa break sa tarbaho dahil kay Rad.

Nauna kami sa kanila naka-book na kami sa isang hotel kasama ang kanila at ganun din para kina Ried at Redwell kung sakaling darating sila. Kasalukuyan kaming nasa isang kainan. Tinext ko silang dalawa na dito na kami magkikita kita.

“Hindi talaga ako makapaniwala, Carlota.”napaawang sandali ang bibig ni Ruby habang nakatingin sa likuran ko.

Nang lingunin ko ay nagtama ang mata namin ni Rad na galing sa labas.Tumawag daw si Ried.

“Na ano?”nailang na tanong ko dahil may pakiramdam ako sa iniisip niya.

“Na siya ang ama ni Raven--I mean,imposibleng makuha ang tulad ni Radier Berneth.I didn't mean to offend you kaya lang 'di ako makapaniwala.”

Nagkibit balekat ako.“Ganun din naman ako.”

Hindi ko rin akalaing mage-exist pa sa totoong buhay ang ganitong sitwasyon.Iyong tepong sa pelikula mo lang naman napapanood pero isang araw magigising ka nalang na nangyayare na sa iyo ang akala mo imposible.

Napansin ko na matagal bago nakamove on si Ruby tungkol doon.Panay ang lipat ng mata niya sa mag ama tapos nakaawang ang labi at napapailing.

Nilingon ko ang kinaroroonan nina Rad kasama si Raven.May pinaguusapan ang dalawa na tila napakaseryoso.Malamig na nakatingin si Raven sa ama habang nakatuon ang atensyon dito.Iisa lang ang table namin pero parang may sariling mundo ang bawat isa gaya ni Angela na maganang kumakain sa mga nakahain sa restaurant na iyon.

9AM kaming lumisan sa kainan at dumeretso sa hotel.Isa lang ang silid na kinuha ni Radier kahit alam ko naman na kaya niyang kumuha kahit lima pa.I won't insist alam ko naman na gusto niya lang makasama si Raven all the time.Sinusulit lang siguro ang outing na ito dahil siguradong busy na naman siya sa opisina oras na umuwi na kami.

Tinaas ko ang two piece mula sa paper bag na bigay kanina ni Ruby.

“I brought you something noong makita ko naalala agad kita kaya binili ko.I know how conservative you are kaya siguradong wala sa isip mo ang magdala ng gaya nito.Ito nalang suotin mo sa night swimming mamaya.”humagikhik pa siya.

Bumuntong hininga ako at binalik sa paper bag ang two piece.Hindi ko alam kung kaya kong suotin ito.Akmang tutungo na ako sa bathroom para sukatin ito nang makasalubong ko si Rad.Magkasalubong ang kilay niya nang sulyapan ang hawak ko.

“Here.”iniabot niya ang hawak niya din na paper bag.

“Ano 'yan?”tumingin ako sa hawak niya.

“You better use this than that.”tumingin siya sa paper bag na hawak ko.“Parating na sina Ried we will join you tonight.”

Napalunok ako bago ko inabot ang hawak niya.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon