CHAPTER 18: Mistaken Date with Daniel?

31 0 0
                                    

Sexy Love
by Ne-yo

_________________________________________________________________________

Martes na ngayon at gaya ng mga araw na dumarating, pag walang prof daldalan ang madalas alam naming gawin. Feeling high school. aye?

At hindi na ko magtataka kung kabilang ito sa mga araw na yun. 1pm to 5pm ang pasok namin pero tatlong subjects lang. Yun pang dalawang subjects isa lang naman ang professor na humahawak kaya pag sa first subject hindi siya naka pasok paniguradong sa isa hindi na din siya papasok.

Boredom...yun ang pinaka iniiwasan ko. Nakaka bobo pag ganun e. Hindi mo alam kung anong magandang gawin. At aaminin ko din na may mga subjects talaga na tutulugan mo.

Ayoko mag expect pero sa tingin ko ngayong araw aasahan ko na yan. Nandito na ko sa room at hinihintay na yung prof namen.

"Papasok kaya si Sir? Last week wala siya diba?" pag tanong ang pag sagot din ni Monic.

"Ewan lang. Hindi siya pumasok kasi pumunta daw ng Manila e" narinig kong sabi ni Tinay. Part siya ng Monic and the gang hindi nga lang masyadong pala-kibo.

Nag beep yung CP ko.

Fr: Josh:)
Date tayo? :)

Wow. Date agad?

Binigay ko number ko kay Daniel Josh kasi hiningi niya at saka useless din kung di ko ibibigay. Di man niya makuha sa'kin, for sure kay Nor niya hihingiin.

To: Josh:)
I can't. Have class

Fr: Josh:)
Next time?

"Di naman to pushy no?" sabi ko sa sarili ko.

"Aba malay ko sa'yo."sagot ni Tin

"Hindi kaya kita kausap" sabay irap ko

To: Josh:)
k fine.

Fr: Josh:)
tnx love xx

Ehem!What is happening to my face? Kinikilig ata ako?

"OH-MY!!!Kyaaaaaaaah!"
Erm... hindi lang pala ako?

"Uyy! wag ka ngang maingay dyan! may nagka-klase pa kaya sa kabilang room oh!" saway ni Tinay kay Tinemae. Makatili naman kasi wagasss!

"Ano bang meron at nagtitili ka dyan ha?"

"Tinay! pupunta daw ng Ligao ang Kathniel! Ohmy DANIEL!" sabay na pagsigaw ni Tinemae at ni j9

KathNiel? as in Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?
Ayaw niyo kay Cris at Daniel Josh? #Crisiel

"Tsk. ano namang gagawin nun dito aber..?" sagot ni Tinay

Oo nga naman. Sa dinami rami ng lugar na pupuntahan. Imposible naman atang pumunta sila Daniel dito sa Bicol.

"Magshoshoot daw sila. Yung sa movie nilang She's Dating The Gangster! That's my Kenji! My Sexylove! kyaaaah!"

Ganun? Kailangan talagang may tili sa dulo?

"Monic! Cris at Tin! punta tayong Ligao!" dinig kong sigaw ni Tinemae. Konti nalang pwede na siyang mag-sirena.

Sirena ng bumbero.

"What? Ano namang gagawin natin doon?" confused na tanong ko.
Kunwari hindi nakikinig sa usapan nila.

"NASA LIGAO ANG KATHNIEL!"

"Ohgosh! TOTOO? Di nga?!" sagot ko na late na ata.
Excited ako no! Huh! Akala ni kulot never kaming magkikita ni DJP?
Puwes!nagkakamali siya.

DAHIL KULOT KA[Completed]Where stories live. Discover now