CHAPTER 3: It comes around...

105 3 2
                                    


I know her... and I remember her. Siya yung babae na halos maluwa na yung mata nung dumaan yung mga kaibigan niya kahapon. Nakakatawa nga siya nun e pinigil ko lang wag matawa, pero cute. Ehem!


***
Balik tayo sa present

Pakababa ko ng jeep biglang nag-beep yung cellphone ko. Nagtext yung bestfriend kong si DJ.

Fr: DJ
Ui late ka na! patay ka kay sir
txt mo ko bago ka pumasok sa campus.
ASAP!

Delikado na pag may asap! Tsk! Bagal kasi ng jeep na to! Napailing nalang ako sa inis.

Nakatingin ako sa nakatalikod na babae. Iyong kahapon na sinasabi ko sainyo.
Makitext kaya ako dito? Hindi naman siguro to maarte...

"Miss... may load kaba?" tanong ko nung humarap siya.

"Huh?.. ah-eh...ahmmm" tingnan mo to. Biglang napipi.

"Sige ok lang. Salamat nalang..." sabi ko ang tagal e.
Tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad.

"Wait lang kuya!" napahinto naman ako. Parang napatanda naman ako dun sa kuya.

"Ito oh..." sabi niya sabay abot ng cellphone. Napa buntong-hininga nalang ako. Buti nalang at mabait to.

Kinuha ko na at nagtext na kay DJ na malapit na ko sa campus.

"Heto na, salamat..." sabi ko sabay abot ng CP tas ngiti.
Wala nakakatuwa kasi siya hindi suplada kaso parang ewan...
Sabay alis ko na...

Parang ang rude naman nun. Kaya lumingon ulit ako.

"Ah...Jayson nga pala!" sigaw ko sabay wave tapos dumiretso na ko ng gate sa campus.

Nag-beep na naman CP ko.

Fr: DJ
dito ko sa may guard. Puntahan ko na nga.

Pagkarating ko, ayun nakita ko si DJ nakatayo at ang daming mga babaeng nakatingin.

Nandun din yung mga kasama ni babaeng maluwa-luwa yung mata. Namumula pa ata yung mukha nung isa? Anong meron?nasobrahan ata sa make-up.

"Uyy dami mong fans oh..." sabi ko kay DJ na nakangiti ng nakakaloko tapos ngumuso sa direksyon nung mga babae.

"Huh?"

"Tumingin ka sa likod mo" sabi ko. Tumingin naman yung loko.

"Di ko nga kilala yang mga yan e" sabi ni DJ. Wala naman akong sinabi na kilala niya ah? Napailing nalang ako.

"haha may gusto ata sayo yung isa, namumula e, panay pa tulak pa yung babaeng kulay tanso yung buhok" natatawang sabi ko.

"Tigilan mo nga ko dyan Jayson. Tara na ihanda mo na yang tenga mo kay sir" iritang sabi niya HAHA pikon masyado toh... dinatnan ata ng dalaw!

"Tara na nga!"
Palampas na sana kame dun sa mga fans ni DJ ng biglang...

"j9... akalain mong magkaklase pa pala yung crush ni Cris at crush mo" Narinig kong sabi nung singkit. Teka, ako ba tinutukoy nun??

Ay naku wag makapal... may problema pa kong aayusin...

***
Cris

Pinunas ko nalang yung luha ko at tumalikod.
I'm not in the mood to look at his face. Baka masapok ko lang tong isang to!

"Teka nga!" sigaw ni Patrick sabay hablot sa kamay ko. Duma-da moves! "Hindi na ba talaga pwedeng bumalik tayo sa dati? Yung dati na nag aasaran pa tayo, nagkukulitan...yung sinusuklay mo pa yung buhok ko at tinuturuan kitang mag-skateboard?" mahinang sabi niya ng nakatitig sa mata ko. Napayuko naman ako sa papipigil. Ano ba naman to?! "Kasi alam mo sobrang miss ko na yun." Bumuntong hininga pa siya habang nakatingin sa malayo. "Right after graduation natin nung elementary gusto sana kitang kausapin at itanong kung anong nangyari pero wala, hindi na kita nakita. At nung High School naman akala ko pareho tayo ng school na papasukan dahil sabi naman ni Shaira, hindi ka na matutuloy sa Sister of Mary kasama niya. Hanggang sa nalaman kong sa ibang lugar ka pala mag-aaral ng High School.." nang parang matapos na siya sa pagbabalik-tanaw ng mga nangyari sa amin this passed few years. Napatingin siya sa akin at nagsalita ulit. "Hindi ganun kadali na pabayaan nalang yung pinagsamahan natin nun. Alam mo ba yun?" para akong Math problem na hahanapan niya ng solusyon sa mga titig niya.

I let out a deep sighed."Alam mo Patrick... yes you are right. Hindi madaling kalimutan yung memories I had with you and with our friends back then. But you know what?" sabi ko habang pinupunasan yung tumutulong luha na kanina ko pa pinipigil. "All of it are nothing when the one you share with those memories... crushed you like you are nothing but a piece of tramp! At lalo na pag nalaman mo pang lokohan lang naman lahat!" Madiin kong sabi sabay talikod at takbo papuntang Campus.

Late na nga ako, para pa kong batang uhugin. Haayy...
HAGGARD!

"Uyy bat ka umiiyak?" tanong ni Tinemae (yung kulay tanso ang buhok :))
I dont think telling them about Patrick would be a good idea. Itatago ko nalang to...gaya ng dati

"Ah wala...ok lang ako ba't nasa labas kayo?" pag-iiba ko ng topic.

"Wala naman daw tayong klase ngayong umaga e. Kung alam ko lang hindi nalang sana ko pumasok ampf!" sabi ni j9.
Looks like hindi lang pala ako yung pasira ang araw.

"HAHAHA" sabay na tawa ni Tinemae at Monica (siya naman yung singkit na boyish).

"Ah ermm.. Ano bang nangyari. Care to share?" tanong ko dun sa dalawa na tawa pa ng tawa kay j9.

"Eh kasi nakatayo kanina yung crush ni j9 na si Dj sa guard house may hinihintay... akala ko nga girlpren niya yung inaantay. Yun naman pala , e yung crush mong si kulot". Nahihingal sa kakatawa na sabi ni Monic.

Namula naman daw yung pisngi ko doon. Eeek tunog ng babaeng kinikilig!
"Si Jayson..." at napangiti nalang ako habang inaalala yung nangyari kanina...

I think... pwede pa namang gumanda tong araw ko. May time pa naman. Tiwala lang!

Haayyy kulot...


****
EDITED
Don't forget to vote! :)


All the love,

K. xx

DAHIL KULOT KA[Completed]Where stories live. Discover now