CHAPTER 6: Time and Regrets

49 2 0
                                    

Like we used to
by A rocket to the moon

_________________________________________________________________________

Today is Sunday.Walang pasok kaya nandito lang ako sa kwarto ko at ang panahon pa ata ng masyadong EMO. Kanina cloudy lang tapos maya-maya umulan na.

Ito yung mga panahon na feeling ko ang tahimik na para bang ako lang ang tao sa mundo. Napapaisip ka nalang bigla nung mga bagay na nangyari...

Like for every single drop of rain it represents the problem, pains that I've been feeling.
Ang drama no?
Tapos bigla nalang siyang sumagi sa isip ko.

Kung hindi ko lang siguro narinig yung mga words na yun galing sa bibig niya. Napatawad ko pa siguro siya agad kaso hindi e.

He crushed me that day. At kahit bata pa ko hindi naman ako ganon katanga na hindi maintindihan lahat ng iyon.

-BEEP-

Napalingon ako sa CP ko na tumunog sa may side table.

1 message received
UNKNOWN?

Binuksan ko yung message...

"It takes time for us to realize our mistakes.
And when time comes and you think of it,
There's nothing you can do more than to have regrets that you hadn't see it coming"

Sino naman kaya to?
Mareplyan nga..

Re: UNKNOWN
Do I know you??

Ang bilis naman niyang nag-reply na akala mo e alam niyang mag-rereply ako.

Fr: UNKNOWN
yes...

Magrereply pa sana ko para itanong kung sino siya ng magbeep ulit ang phone ko

Fr: UNKNOWN
Its Patrick

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pag-kakabasa ng pangalang to. At isa lang ang nasa isip ko, Heartache na naman?

I save his number para mapag-babaan kapag nagtangkang tumawag.

Re: Patrick
bakit?

Bakit di ka pa lumipad papuntang Mars! Sama mo pa si Bruno gag*!

Fr: Patrick
Alam kong galit ka.
usap nman tayo?

E alam mo naman pala ugok ka!
Pinilit ko nalang huminahon bago nag-type ng sunod na sasabihin

Re: Patrick
Para san naman? Can you just go on with your life?
Ok naman na ako tas biglang lalapit ka na naman?!

But obviously, someone did not get the memo na gustong-gusto ko na siyang balatan ng buhay sa inis!

Fr: Patrick
please.. tatawag ako.
wag mo naman sanang ibaba

Then it ring...

"Sapatosin ko to eh!"

I answer the phone. "BAKIT BA?!"

"Ouchh... dimo ko namiss?"sabi nung loko. At pakiramdam ko naka-pout pa.
Mukha kang bulldog! Kahit di ko naman nakikita yung mukha niya.

"Umayos ka nga!bakit ka ba nagtext at tumawag?! at pano mo nakuha number ko?!"
Bakit ba this passed few days, kung sinu-sino na ang naka-katext ko?

"Puro ka naman tanong... basta. I made a way para makuha ang number mo. I just want to tell you that I was sorry sa kung ano mang ikinakainis mo. Bakit ka ba umiwas sa akin?..."

DAHIL KULOT KA[Completed]Where stories live. Discover now