J I M Z Y

186 5 1
                                    

'Hindi sa tagal ng panahon nasusukat ang tibay ng pagkakaibigan. Nasa tiwala 'yan na ibinibigay ng bawat isa. Dahil ang tiwala ang patunay na kahit anong man ang pagsubok na dumating, buo at sama-sama parin kayong tatayo at lalaban nang walang alinlangan.'






Ang Simula. . .
Meet the Almighty Girls...

"KYAAAAHH!!!"

"WAAAAHHH!!!!!"

"OMG!!!! BTS! BTS! BTS!"

"J-HOOOOPPEEEE!!!!!"

"BWIII!!!"

"KOOKIEEE!!!"

"CHIM! CHIM!"

"JIN KOOOOO!!!!"

"BANGTAN SONYEONDAN!!!!"

Hindi ko mapigilan ang kilig ko ngayon habang nanonood ng performance ng Bangtan na pinapalabas sa Myx!

Omeged! Si V!!!!"

[*o*]

"Kayong lima d'yan! Eto na meryenda n'yo!" napunta ang atensyon naming lima nang lumabas mula sa kusina si Madam Pia.

"Madam P!!! hahaha!" bati ni Jelliah.

"Ano ba kayong mga babae kayo! Ang lalakas ng tili ninyo!"

"Sorry na Madam! pagbigyan n'yo na kame! Special day naman namin ngayon ehh!" singit ko.

"Hay nako! Mazel 'wag mo akong utoin d'yan! Baka malintikan ka sa'ken!"

"Si Madam! ang sunget! Psh!" si Zxaine.

"Ang KJ mo Madam P! Tara na nga kumain na kayo dito!" hinila ni Jel si Madam Pia papaupo sa single sofa.

"Kayong lima talaga ano? Ang kukuliiitt! ninyo! Siguraduhin n'yo na kapag natapos na kayong kumain ay lilinisin n'yo ang mga kalat na 'to!"

"Of course Madam!" si Jelliah ang sumagot. "Oy! Ijelle! kuha ka 'dun ng plato at sandukan mo si Madam ng palabok!"

"Woooww~ makautos ka sis ah? Wow na wow....SI YARZIE UTUSAN MO!"

"Oh? Ikaw na nga lang Yarz----"

"He! Bakit ako? Busy ako 'wag kang istorbo sis!" sabi ni Yarz na tutok na tutok sa panonood.

"Osige na! Ako na! Ako na! Hiyang-hiya naman ang kuto at lisa ko sa inyong dalawa eh 'no?! MGA LECHE!" tinarayan ni Jel ang dalawa at agad na dumiretso sa kusina.

Naging masaya ang buong araw na 'yon na puro asaran, tawanan, tarayan at syempre tilian para sa mga bias namin.

Nakakatuwa na naging ganito ang naging takbo ng friendsary naming lima ngayong araw.

Ang Almighty Girls...

Napangiti ako sa naisip ko.

Our Anniversary is July 27 to be exact. Iyon kasi ang araw na nabuo kaming Lima, and it start when we are in a highschool days.

Nang matapos kaming kumain ay pumunta ako agad sa balcony ng bahay para magpapababa ng kinain.

"Oy!" naalis ang tingin ko sa labas ng bahay at napalingon sa likuran ko. Si Jel.

"Bakit?"

"Gala tayo, tara!"

Kumunot ang noo kasabay 'nun ang pagtingin ko sa suot kong relo. "Gala ng alas-tres? Baka mapagalitan tayo ni Madam ah." lumapit s'ya saakin at ipinatong ang dalawang braso sa hamba ng balcony. Mukhang tapos na sila maglinis ng kalat sa sala.

J I M Z Y  | ON-GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon