"Siguro o baka sigurado, naguguluhan ka na sa sinasabi ko. Ang parents at auntie mo kasi, nagmamalinis sa harap mo kaya hindi mo maintindihan ang tinutukoy ko."

"What are you talking about? Maging straight to the point ka na lang para wala nang kaek-ekan."

"Oh, you want me to be straight to the point? Fine! Mamamatay tao ang pamilyang kinabibilangan mo. Pinatay nila ang kaisa-isang pamilya ko at kahit kailan hindi ko kayo mapapatawad!"

Tumayo siya sa pagkakaupo at hinatak ang buhok ko at aaminin kong mahapdi ang pagkakahatak niya sa buhok ko. Kulang na lang ay kalbuhin ako.

"At alam mo kung anong purpose mo sa show na 'to? Ikaw ang pain para magawa ko ang plano ko."

Diretsyong tumingin siya sa akin at hindi na siya nakangiti.

"Ikaw ang magdadala sa mga taong iyon dito para mapatay ko kayong lahat. Magsama-sama tayo sa impyerno!"

Humalakhak ulit siya at iniwan na ako sa kwarto. Nalalasahan ko na rin ang dugong umaagos sa bibig ko. Papaanong hindi dudugo kung kulang na lang ay balatan na ako ng buhay ng babaeng iyon? Pero kailangan kong humanap ng tulong. Kahit ako si Klein, hindi ko kakayaning umalis dito ng mag-isa lang. Hindi na kaya ng lakas ko mas lalo na at nakatali pa ang kamay at paa ko. Alam ko ring hindi lang si Ericka ang nagmamasid sa akin.

Napansin ko ang cabinet na nasa kabilang dulo ng kwarto. Pinilit kong alisin ang tali sa kamay ko pero parang nagkasugat na ito sa sobrang higpit ng pagkakatali. Bumuntong hininga na lang ako at dinala na rin ang upuan papunta sa cabinet. Ginamit ko ang bibig ko para mabukas ang unang drawer dahil wala na rin akong pagpipilian gawin. Walang laman ang unang drawer na nakita ko. Sinubukan ko pa ang iba at wala talaga akong nakita. Napabuga na lang ako ng hangin dahil useless ako ngayon.

Narinig ko bigla ang pagbukas ng pinto kaya wala na akong nagawa para bumalik sa dati kong pwesto.

"Wag ka nang maghanap ng paraan para tumakas, wala ka rin namang mahahanap," saad ng babaeng hindi ko kilala. Hinatak niya ulit ang upuan papunta sa gitna at may dala siyang paper bag.

"Pasalamat ka at may nililinis lang na bagay ngayon si boss kundi sugatan ka na ngayon," natatawa niyang wika at inilabas ang bagay na nasa loob ng paper bag. Nakita kong asin iyon at suka. Naguguluhan akong umiwas ng tingin sa kanya. Ano namang gagawin niya doon? Pagsasamahin at iinumin. Wag mong sabihing papainom at papakain nila iyon sa akin! May mas baliw pa pala kay Aurora.

"Ano bang ginawa ng pamilya ko para magalit ng ganon ang babaeng tinatawag mo ng 'boss'?" Tanong ko ngunit napailing na lang siya at may ngising nakadikit sa kanyang mukha.

"Wala ka pa lang alam, ano? Saka wala akong karapatang magsalita dahil hindi ako ang boss ng palabas na 'to," wika niya kaya napahinga na lang ako ng malalim. Nanahimik na lang ako sa upuan para hintayin si kamatayan. After all, kinarma na rin naman ako sa mga nagawan ko ng masama, pwede na siguro akong mamatay.

Pero nandyan pa si Hailey, babalik siya sa tamang panahon. Si Carter, isinumpa kong hindi na ako susuko sa aming dalawa. Si Mom, hindi ko pa nasusulit ang bawat araw na kasama ko siya.

Iginalaw ko ulit ang mga kamay ko. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi ako susuko.

"Parating na pala si boss, hintayin mo na lang."

Umalis na siya sa kwarto at hindi ko mapigilang mainis dahil wala akong magawa ngayon. Hindi ko ipipilit na alising ang kamay ko dahil baka masugat lang at hindi ko pa magamit. Kailangan ko nang mas magandang plano. Kailangan kong makahanap ng tulong. Tumingin ako sa bintana pero masyado itong mataas para maabot ng mukha ko. Tumingin ako sa likod ko upang tignan ang pagkakatali. Bago ko pa pag-aralan ang pagkakatali ay pumasok na si Ericka.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now