Chapter 42

10 1 0
                                    

Klein's POV

"No thanks," matamlay kong sagot kay Tita Eina na dati ko na ring tinawag na Mom. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari kay Hailey at kung anong nangyari sa kanila ni Chris na kahit pati ako ay nadadamay.

"Sigurado ka ba, Klein? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Tita Eina pero umiling lang ako at ngumiti.

"Ayos lang po ako, wag niyo nang alalahanin," wika ko kaya marahan na lang siyang napatango at pumunta sa kusina.

Kahahatid ko lang kay Hailey na sinundo ng isang katulong na Lorrince ata ang pangalan. Parang kauuwi nga lang niya dahil may iilang bag pa siyang bitbit habang tinutulak palayo si Hailey.

Napabuntong hininga na lang ako at iniwas ang tingin sa gate. Pumunta ako sa sala at naabutan si Angel doon na nagbabasa ng magasin. Palibhasa Sabado ngayon kaya nagpapahinga siya. Bumalik na nga rin ako sa eskwelahan pagkatapos ng sandaling pag-aaral sa bahay dahil sa nangyaring insidente. Mabuti at hindi naman ako nahuhuli sa lessons kundi mahihirapan ako at mauulit sa 1st year college. Hindi ko na nga inaalala ang ibang bagay doon dahil sa dami ng problemang iniisip ko ngayon.

Kung matatanong niyo rin kung bakit dito ako natulog si Tita Eina tanungin niyo. Welcome na welcome raw ako dito kasi nagsisisi pa rin sila sa masasamang salita na ibinato nila sa amin ni Carter. Speaking of him, nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Nilamon na ba ng lupa?

"Hey my kubes! Saan ka pumunta? Sa akin ba yang ice cream?! How sweet of you!" Rinig kong malakas na sigaw ni Angel na bahid din ang tuwa roon. Huh? Sinong kubes?

Tinignan ko ang tinitignan niya sa likod ko at nakita si Carter na may hawak na supot. Napangiti siya ng makita ako at agad lumapit sa pwesto ko. Nanlaki ang mata ko ng agad niyang sunggaban ang labi ko kahit na smack lang ang halik. Chansing!

Mahina kong kinurot ang braso niya kaya natatawa niya akong tinignan. Masama rin kasi ang tingin ko sa kanya na para bang gusto ko na siyang ilibing ng buhay. How dare him! Masyado akong kinikilig sa kanya bawal 'yon!

"Tama na nga lampu-"

"This is for you, my Klein."

Narinig ko ang nakakabinging boses ni Angel ng sumigaw ito ng 'traydor'. Akala niya ay para sa kanya ang ice cream. Ouch.

"Don't worry, may isa pa dito, witch," saad ni Carter na ikinangiti ulit ni Angel.

"And what's kubes? Saan mo na naman ba napulot yon?" napapailing na tanong ni Carter na parang nagpapangaral sa isang bata.

"Kubes? You didn't know that? Well, actually, ako lang din naman ang nag-imbento ng word na iyon. Kubes means Kuya and bestfriend!" Parang bata niyang saad na ikinaikot ng mata ko at ikinakunot ng noo ni Carter. Minsan talaga ang weird ng demonyong 'to, sorry, pangalan niya lang ang anghel.

"Si Hailey? Hindi pa ba siya bumababa?" Tanong ni Carter na ikinahinto ko sa aking pwesto. Napabuntong hininga ako ng maalala ang nangyari kanina. I hope makausap ko na siya at hindi tumagal ang problema.

"Umalis na kanina, sinundo siya ng isa niyang kasambahay," wika ko kaya napatango-tango na lang siya. In short, walang masabi.

"Carter! Hindi ka rin ba kakain? Pilitin mo na nga iyang si Klein at diet ata ngayon," rinig kong saad ni Tita Eina kaya hinatak na rin ako ni Carter.

"Ayoko ku-"

"Kiss kita kapag hindi ka kumain," wika niya at ngumuso pa ang g*go. Kainis talaga 'to! Napakachansing!

"Suntok sa almusal, gusto mo?" saad ko at itinapat ang kamao ko sa bibig niya kaya napasimangot siya. Ha! Nainis ko success!

____________________

Huminga ako ng malalim bago maipasok ang huling damit na ginamit ko rito sa bahay nila Tita Eina. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ang sumusundo sa akin na isang bodyguard nila Mom. Nag-abala pa eh, alam namang pwedeng si Carter na lang ang maghatid. Bodyguard ko na rin yan pfft.

"Hoy! Bakit ka tumatawa diyan na parang may masamang balak?" Tanong sa akin ni Carter na hinihintay din pala ako.

"Wala!" natatawa kong saad kaya ipinakita niya ang pagmumukha niyang hindi naniniwala. Aba! Kasalanan ko bang maisip 'yon?

Nagulat ako ng bigla niyang hapitin ang bewang ko at nang-aakit na tumingin sa akin. Minsan talaga hindi ko alam kung bakit ko pinatulan ang malanding 'to. Binigay niya kasi lahat sa'yo.

"Hindi mo sasabihin? Kiss kita diyan," mapagbiro niyang saad at ngumuso pa ang letse. Hinalikan ko ito na ikinagulat naman niya. Malakas akong tumawa sa priceless niyang itsura. Hindi niya kasi inaasahan na ako pa ang hahalik sa kanya.

"Ikaw ba talaga 'yon?" Nakatulalang tanong niya sa akin kaya hinampas ko ang dibdib niya. Aba! Gusto niya ba multo?

"Insane!" Sigaw ko at hihiwalay na sana ng hatakin niya ako pabalik sabay ng pagdampi ng kanyang labi sa akin. Gulat man pero naramdaman ko ang marahan na paggalaw ng kanyang labi na parang dinadama ang bawat oras na magkadikit ang aming mga labi. Sinabayan ko ang paggalaw nito at ipinalupot ang braso sa kanyang leeg.

Agad akong napahiwalay nang may tumikhim sa gilid namin. Namumulang hinarap ko ang bodyguard na feeling ko ay kanina pa nanonood sa amin.

Narinig ko ang pabubugnot ng katabi ko sa bigla kong paghinto. Napaka talaga!

"Bye," wika ko kaya mas lalo siyang napasimangot. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad papuntang pinto dahil umalis na ang bodyguard at nababagot na siguro kakahintay sa akin.

"Klein!"

Napatingin ako kay Carter sa pagtawag niya sa akin.

"Sarap!" Saad niya na ikinainit ng pisngi ko.

"G*go! Manyak mo talaga," wika ko kaya narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Malakas talaga mantrip ang huta.

Napangiti ako sa walang kadahilanang bagay. After all, sa kanya pa rin ako babagsak. Sa ul*l pa na iyon ako nahulog. Parang dati lang ay inii-snob-an ko lang siya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Miss Baddet. Bakit kaya hindi niya naranasang mag-aral sa isang school at bakit lagi lang siyang home schooling?

Pati ba naman 'yon prinoproblema ko? Isipin ko muna iyong tungkol kay Hailey. Kakausapin ko siya bukas para malaman ko kung anong nangyari. Tatanungin ko na rin iyong Chris na 'yon kung anong ginawa niya.

Bakit ba kasi ang daming problema?

* * *

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now