Chapter 33

18 4 1
                                    

"MY GOD?! What's happening?!" Gulat na gulat na wika ni Mom at kasama niya si Tita Jein.

"What's the meaning of this, Carter? Klein?" Unti-unting bumakas sa kanyang mukha ang matinding galit kaya napayuko ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Carter sa kamay ko at napabuntong hininga siya.

"This is the truth, Mom," sagot ni Carter kaya unti-unting lumapit si Mom sa amin.

"Truth? You called this truth?! THIS IS WHAT YOU CALLED DISGRACE!" sigaw ni Mom na ikinanginig ko. I never felt so afraid after that incident with my foster father. Pero ngayon, nag-uumpisa na akong matakot. Natatakot na ako sa mga mapanghusgang mata ng mga tao. Natatakot ako na masaktan nila si Carter. Tama pa ba ang ginagawa ko? Tama pa ba itong pinaglalaban ko?

"Hey! Calm down, Eina. Listen to them," nag-aalalang wika ni Tita Jein at napatingin sa akin. Ngumiti siya akin ng alanganin habang nakahawak sa kanyang kaibigan.

"Mom, I know it's insane but please listen to me, listen to us. Nagmamahalan kami at hindi ko magagawang ituring siyang isang kapatid. Noong hindi pa namin alam na magkapatid kami ay minahal ko na siya. But destiny is really playing with me, I found out that she's my sister, my little sister," wika niya at bumuntong hininga ulit.

"And it hurts me when I know that we can't be together," pagpapatuloy niya at tumingin sa akin at ngumiti.

"But...I love her so much," saad niya kaya para bang lumulutang ako sa alapaap. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya napayuko na lang ako.

"No, son. It can't be! No! You can't love her as your special someone! For pete's sake, magkapatid kayo! Ano bang nangyayari sa inyo?! Gumising kayo sa katotohanang hindi mangyayari ang lahat ng gusto niyong mangyari," naiiyak na sigaw ni Mom at pinapatahan na siya ni Tita.

"Ang mabuti pa ay aalis na muna kami," wika ni Carter at hinatak na ako papuntang kung saan.

"No! No! You can't go until we finish this thing! Stay here Carter! Klein!" Rinig kong desperadang sigaw niya habang tumatakbo na kami paalis sa bahay.

"Let's go," saad niya pero napakunot ang noo ko.

"Where?"

"Somewhere," kibit balikat niyang sagot kaya napasimangot ako. Wala namang ganoong lugar.

"Alam ko na kung saan," nakangiting wika ko kaya tumingin siya sa akin.

"Tara!"

____________________

Sumalubong ang pamilyar na simoy ng hangin at mga damong may matingkad na kulay berde. Pamilyar na sapa sa gilid at mga punong nalalagas na ang dahon.

"Paano mo nalaman ang ganitong lugar?" Manghang tanong ni Carter habang nakatingin sa paligid.

"Tambayan namin nila Hailey," saad ko at humiga sa damuhan na para bang inaalagaan ng kung sino man. Ginaya ako ni Carter at tumabi sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi.

"Promise me," paninimula niya.

"What?" Tanong ko at mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"That you'll never give up for me, for us."

Napatingin ako sa kalangitan na makulimlim na at parang paulan na. Ngumiti ako sa kawalan at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ni Carter.

"I promise."

"Now, sleep my Klein. Rest for a while," wika niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Papaano ka?"

"I'll be alright, as long as you're here."

Hinayaan kong ipikit ang mata ko. Naramdaman ko ang malambot na bagay na dumampi sa aking pisngi bago tuluyang makatulog.

* * *
Author's note:

Sorry if this chapter is so short! And it so frustrating because I don't know how to make it longer but anyway, I really need to cut scenes to make it more exciting! Enjoy! Done editing.

Candle in the Water | ✓Where stories live. Discover now