11

16 1 0
                                    

11

(Walang iba) song

Naalimpungatan ako sa kanta na ang sarap sarap sa tenga nakakakalma ng loob ko. Chill lang. Nakapikit parin ako kahit gising na finifeel ko lang ang kanta. Then realizations hits me when someone sings too. Oh shit! Nahimatay pala ako! Imumulat ko na sana ang mata pero napatigil ako. His voice is so nice. Nakakakilig pakinggan. Nacurios na ako kung sino yung kumanta kaya minulat ko na ang mata ko.

"Hey, sorry did I wake you up?" Tanong nito habang dali daling pinatay ang kanta sa phone niya at napakamot sa batok nito. Nakaupo sa gilid ng hinihigaan ko.

"It's okay" medyo paos pa ang boses ko nakakahiya. "Uhm. Why are you here?" bigla kong tanong ng napagtanto ko na nakabantay siya sakin.

Napaupo ako ng dahan dahan dahil masakit pa konti yung ulo ko at inilibot ko ang aking mata sa clinic and I saw Benedict flirting with the nurse dito lang naman sa gilid ko. May pasa ito sa mukha baka nasuntok siguro ng lalaki na sinulot ang girlfriend.

"Binantayan kita." tanging sabi nito sabay ngiti.

"What? Why? You don't have to" sabi ko agad. Magkautang na loob pa ako neto.

"I have to, wala kang kaibigan sa room natin. Walang kang kasama dito." sabi niya as a matter of fact at nakangiti na naman. Ganon ba kahalata na ayaw nilang lahat sakin?

Di ko nalang siya sinagot kasi malapit na ako mapikon sa pangiti ngiti niya. Ang creepy. Baka minanyak ako ato neto kanina.

Seriously? Kaila pa kumunti na ang pasensya ko?

"I'm Zem by the way, Zem Devas." sabi nito sabay abot ng kamay. The one and only.

At dahil ayoko namang ireject yung kamay niya inabot ko nalang din yung kamay ko. "Dine Cozanta" tipid kong sabi at kinuha ang kamay ko.

"Here inumin mo." sabay bigay ng gamot sakin.

Ininom ko na agad ito.

"Hehehe ano ba nakakakiliti" bigla akong nasamid sa narinig ko na sabi ng malanding nurse dito sa gilid namin. Napatingin ako sa kanila. Konti nalang magpatungan na sila sa isat isa. Malalandi.

"Hey okay ka lang?" tanong niya habang nakahawak sa kamay ko at tumingin ito sa akin at inilapit ang mukha at dahan dahan din itong tumingin sa kanila at ngumiti ng nakakaloko. Gustong gusto niya din yung nakikita niya eh. Inalis ko agad ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Tumayo lang ako at nag ayos ng uniform medyo nagusot sa pagkakahiga ko. Aalis na sana ako ng bigla akong hinawakan sa braso ni Zem.

"Let's eat. My treat" sabay ngisi nito.

"No need." sabi ko at tumalikod na pero hinawakan padin ako nito. "What?"

"Come on, alam ko gutom ka. Im just being friendly here. You know, first day ko dito. We can be friends right?" sabay ngiti nito at nagpuppy eyes. Oh so cute! But..

"No" sabi ko nalang at umalis.

Ako nanaman pagtritripan nito? Don siya sa iba, willing pa kahit ipagsabay niya pa lahat sa sobrang dami ng handang magpakatanga sa kanya.

"Ano bayan. Siya na nga yung tinulungan tapos sa pakikipag kaibigan lang ang kapalit pinagkakait pa. Ano bayan! Nakakasakit ng heart eh!" sabi nito habang sumabay ito sa paglalakad ko papunta sa room. It's already 5 pm at baka hinahanap na ako ni Cry.

"Walang konsensya no? Ang bad bad niya. Sabi ng mama ko napupunta daw sa evil yung mga monster ang ugali." sabi nito na parang bata at nakasunod pa din sakit. What is he up to?

Kahit na diko siya pinapansin ay putak pa din siya ng putak. Nakakairita.

"Ano bang gusto mo?" Hinarap ko siya. Nakakarindi!

"Be my friend" sabi nito na seryoso ng nakatingin sakin. Seriously?

"Why me?" takang tanong ko.

"Ano ba yan daming tanong!" reklamo nito. At biglang nilahad ang kamay. Handshake nanaman? "I'm just making it official and it will be sealed by the handshake" sabi nito pero seryoso padin ang mukha. Daming namang arte neto.

"It's official then."

A Miss Nobody StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon