(1) Psycho Killer

1 0 0
                                        

Mapapabunghalit na sana ako ng tawa nang makita ko ang mga gulat na ekspresiyon ng mukha ng roommate kong si Belen at ng asawa niyang si Jacko nang akyatin ko ang ikalawang palapag ng apartment na nirerentahan namin at nagmukhang psycho killer dahil sa gulung-gulo kong buhok, may bahid ng dugo ang suot na puting apron, may hawak na kutsilyo, at nanlalalalim ang mga matang nakatitig sa kanilang nasa punto na ng paghuhubad ng kanilang mga pang-itaas na damit para gumawa ng isang karumaldumal na gawain sa sirang sopa. Pero di bale na, wag nalang. Wala ako sa mood tumawa ngayong muntikan na akong makakita ng live porn!

"A-Arhyl?!" Bulalas ni Belen at dalidaling tumayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ni Jacko at namumulang inayos ang sarili habang di makatingin sakin.

Talagang dapat siyang mahiya dahil base sa posisyon nilang dalawa, sigurado akong siya ang initiator ng kanilang naudlot na planong pagpapapawis.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyong wag niyong gagawin iyang aktibidades niyo rito sa itaas dahil dinig na dinig ang langitngit ng sahig sa ilalim?! Di tuloy ako makapagpokus sa ginagawa kong pagtatadtad ng karne para sa hapunan dahil natatakot akong matabunan nalang ako bigla ng bumagsak na mga gamit mula rito sa second floor dahil nabutas na ang sahig kaka— hmmm!" Natigil ako sa pagdadakdak dahil tinakpan niya ang bibig at ilong ko. Nagpumiglas naman ako dahil may naamoy akong kakaiba mula sa kamay niya. What the?! Ano iyon? Release niya o ng asawa niyang proud na proud pang humiga sa sopa at pinangalandakan sa harapan ko ang nagmamantika niyang upper body? Kaya pala naubos kaagad ang isang litrong mantika sa kusina, eh. Pinang-lotion niya pala sa kaniyang katawan.

Buti nalang at tinanggal na ni Belen ang kamay niya sakin. Akala ko mamamatay na ako sa amoy, eh.

"Mahiya ka naman sa sinasabi mo, Arhyl, oh. Baka marinig ng mga kapitbahay." Nahihiyang aniya sakin.

May hiya naman pala to pero napapangunahan ng pangangailangan. Muntik ko nang pagtaasan siya ng kilay pero naalala kong wala nga pala akong kilay na maipagmamayabang kaya wag nalang.

"Pasensiya na kayo kung naistorbo ko kayo. Pero kung ipagpapaguloy niyo man ang gagawin niyo, may maliit na motel sa kanto. Puwedeng-puwede kayo doon." Sabi ko at tumalikod na para balikan ang ginagawa ko.

Pero bago ko pa magawa iyon, nakita ko agad ang isa kong room mate na nakatayo sa dulong pasilyo habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kaniyang kuwarto. Matiim siyang nakatitig sa akin habang nakapamulsa sa kaniyang rugged pants.

Hot 'N ColdOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz