IAR [4]

135K 4.5K 300
                                    

Copyright © chiXnita

-4-

"SORRY, ATE." Siguro kung naririnig niya ang paulit-ulit na paghingi ko ng paumanhin at nakikita, nabatukan na niya ako katulad ng mga ginagawa niya sa 'kin dati.

Napatingin ako sa life support system na nakakabit kay Xyrene.

She's on coma, and it's my fault.

Hinawakan ko ang maputlang kamay niya't dinala sa pisngi ko. Malamig siya. Mabagal ang pintig ng pulso. Nangangayayat na rin. May nakasabit na kung ano-ano sa katawan at ulo. Mapagkakamalan siyang hindi ko kakambal, gayo'ng identical kami, sa itsura niya ngayon. Isang taon na siyang comatose.

Ang sabi ng doctor, na mommy ni Grant, she's alive but slim ang chances kung magigising pa siya. Technically, she's half dead. Dahil mayaman ang pamilya ni Grant at may mga connections sina mommy, gagawin nila ang lahat... magising lang si Xyrene.

Kung marami ang naniniwalang magigising si ate, marami rin ang hindi. May mga doctors na nagsasabing i-let go na namin si Xyrene. Her case is impossible to resuscitate.

Malapit na ang kalagayan niya sa isang... "Brain-dead person".

Napayuko ako't lalong napahikbi nang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari.

_..._..._

NAKABIBINGING KATAHIMIKAN ang bumalot sa buong paligid. Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Ang nagpapalakasang huni ng mga ibon, hindi ko na naririnig. Ang masamyong simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko, naging nakakapanindig-balahibo. Ang normal na tibok ng puso, naging hysterical. Ang ngiti sa labi, naglaho. Ang excitement na nararamdaman, napalitan ng kilabot

Ano'ng nangyari?

Maging ang kalangitan nakikisimpatya sa biglang pagbago ng aking nararamdaman. Kanina ang aliwalas pa nito na tila may magandang balitang dala. Ngayon biglang dumilim. Babagyo pa yata. Kasisimula pa lang ng araw pero pakiramdam ko katapusan na ng mundo.

Ano'ng nangyari?

Kasalukuyan akong nasa masukal na gubat. Maghi-hiking sana kami nina ate. Bakit naging ganito? Bakit naparalisa ang katawan ko? Bakit hindi gumagana nang maayos ang utak ko?

Ano'ng nangyari?

"Xhai, h-help me!"

Napakurap ako nang sunod-sunod nang marinig ang tinig. Agad lumapit sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Natutop ko ang bibig sa nasaksihan. Saka lang gumana ang utak ko.

"Oh, my God! 'W-wag kang bibitiw, ate..." Hindi ko alam kung sisigaw ako para humingi ng tulong o ako mismo ang tutulong.

Sa pagkataranda, dumapa ako sa batuhan. Inabot ang mga kamay kay Xyrene. Tagaktak ang pawis sa noo ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso na para bang nasa loob ako ng operating room at tatanggalin ito sa katawan ko.

"Xy, abutin mo ang kamay ko. 'Wag kang bibitaw!" Pinipilit kong abutin ang kamay niya pero hindi ko magawa. Halos isang dangkal pa ang layo ng mga kamay namin sa isa't isa. Kapag pinilit ko pa baka ako naman ang malaglag at mapahamak.

Nakakapit si ate sa isang matalas na bato. Hindi niya inaabot ang kamay niya sa 'kin. Kapag ginawa niya, baka mahulog siya sa bangin. Dumudugo na ang kamay niya. Umaagos na ang dugo sa braso sa pagpupumilit na makaalis sa kinaroroonan. Nakabitin ang mga paa niya sa ere. Sa pamimilipit ng mukha niya, nahihirapan na siya.

"I can't, Xhai. H-help me, please..." pagmamakaawa niya sa garalgal at mahinang tinig na tila ibinulong lang sa hangin. Tumulo ang luha niya. Nililipad ng nakakakilabot na ihip ng hangin ang mga hibla ng kanyang buhok. Namumutla siya.

Napatingin ako sa pinakababa ng bangin. Gusto kong maduwal sa pagkalula. May mga matatalas pa na malahiganteng bato ang p'wede niyang bagsakan. Gilid ito ng dagat pero kahit na may tubig sa ibaba hindi pa rin ligtas. Mababaw lang ito, sa tingin ko, dahil nakikita ko ang ilalim nito.

"A-ate, ang kamay mo!" umusod ako palapit sa kanya. Pinipilit na ibalanse ang sarili para hindi niya ako madala pababa dahil sa bigat niya.

"I can't!" umiling siya na parang sumusuko na. Humampas ang malakas na alon sa gilid ng bangin. Sa pagkagulat, dumulas ang kamay niya kasabay ng pagbuhos nang malakas na ulan. Gumuhit ang kidlat sa kalawakan. Dumagundong ang kulog sa kalangitan.

"Xy / Xhai!" sabay na sigaw namin. Mabuti't napakapit ulit siya. Lumapit pa lalo ako sa kanya kahit na konting-konti na lang mahuhulog na rin ako. Nahawakan ko ang dulo ng daliri niya pero hindi ang buong kamay. "Xy, give me your hand, please."

Humugot siya nang malalim na hininga't lakas loob na inabot ang kamay ko. Nagawa niya namang mahawakan. Pero hindi ko alam na ganito pala kahirap. Nahila niya ako nang masalo ang bigat niya. Parang matatanggal ang braso ko. Halos magkalasan ang mga buto. Dumudulas ang mga paa ko pababa. Gano'n na lang ang kilabot na bumabalot sa 'king buong sistema.

Hindi p'wede. Hindi p'wede.

"Xhai, let go," mahina pero seryosong usal ni Ate Xy.

"No!" madiin na tanggi at sunod-sunod na iling ang ginawa ko. Hinawakan ko na ng dalawang kamay ang nanlalamig na palad niya. Nahihila niya pa rin ako pababa. Napasigaw at napaungol ako nang tumunog ang balikat ko.

Konti na lang ang espasyong kinasasabitan ng pang-ibabang katawan ko, simula bewang hanggang paa. Ang kalahati naman ay nahuhulog na.

"I'm sorry!" bumitaw siya sa pagkakahawak sa bato kaya naman ang buong bigat niya... ako na ang nagdadala.

"Ate, no!" Napapikit na lang ako habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

"Just let go!" malakas na sigaw niya kasabay nang muling pagkulog at pagkidlat.

"No!" Kung determinado siya mas lalo naman ako. "Kung mahuhulog ka, sasama ako!" Buo na ang desisyon ko.

May malakas na nagmura sa 'di kalayuan. May biglang humawak sa magkabilaang binti ko't hinila ako pataas. "Hold on!" sigaw niya.

"Grant," sabay na usal namin ni ate.

"Xy, just hold on, please," sabi ni Grant. Nanginig ang boses niya. Humigpit lalo ang pagkakahawak ko kay ate. Mas lalong hindi ko siya p'wedeng bitiwan sa sitwasyong ito. "Huwag mo siyang bibitiwan!" Mas hinila ako ni Grant pataas, konti na lang makakaligtas na kami.

"I... I won't," napapiyok ako.

Sobrang putla na ni ate. Nakapikit ang mga mata. Nangangalay at namamahid na ang mga braso ko. Masakit pero pinipilit kong 'wag bumitaw. Dumilat si ate. Natulala ako sa expression ng mukha niya.

Tinitigan niya ako diretso sa mga mata. Ngumiti siya kasabay nang dahan-dahang pagluwag ng pagkakahawak niya. Umiling ako. Mas hinigpitan ang pagkakakapit. Lalo siyang napangiti. Tumango.

"Ate / Babe," hindi ko inaasahan na magsasabay kami ni Grant na sumigaw. Napapikit ako't hindi na naituloy ang dapat sabihin dahil siya na ang tumapos, "Hold on, please. K-konti na lang, kumapit ka." Umiiyak na siya, alam ko dahil kilalang-kilala ko siya.

He really loves her and I know that, too.

Napakagat-labi ako para pigilan ang mapadaing sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Muli na namang tumunog ang buto sa balikat at siko ko, mas malakas kanina. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili't napadaing kasabay ng nakakakilabot na kulog.

"Heather, don't let her fall!" sigaw ni Grant na mas malakas pa sa daing na ginawa ko. "P-please, hindi ko kayang mawala siya."

'Hindi ko na rin kaya, Grant' bulong ng isip ko pero hindi p'wedeng mahulog si ate kaya ibinigay ko na ang lahat ng natitirang lakas ko para mahawakan siya nang husto.

Kaso dumudulas na ang kamay niya sa 'kin dahil hindi na siya kumakapit. Ako na lang ang nakahawak sa kanya. Dumagdag pa ang malakas na ulan kaya sa sobrang dulas ay napapabitiw na rin ako. Ang sakit-sakit na ng mga braso ko.

'Let me go, Xhai!' bigkas ni Ate Xyrene. Hindi niya isinatinig iyon pero nabasa ko sa galaw ng mga labi niya. 'Don't hurt yourself anymore..." at tuluyan na siyang bumitaw.

Sumigaw si Grant. Napahagulhol ako.


In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon