"Baby, ginawan kita ng sandwich ulit o.. tska watermelon shake para marefresh ka naman" this time ay medyo kalmado na si Anne.

"Busog pa ko" sagot ni Vhong, ngayon naman ay inaayos nito ang iba't ibang klase ng mga mapa na kasama sa kanyang thesis. Ang iba dito ay nahirapan siyang kunin dahil hinanap niya pa ang mga ito. Iba ay galing sa city hall at ang iba naman ay sa city library, yung isa naman ay sa mismong admin office na nangangasiwa sa kanyang target area.

"Konti lang yung kinain mo kaninang lunch, yung isang dinala ko naman sayo di mo naman kinain, tumigas tuloy" salita lang nang salita si Anne ngunit masyadong okupado ng ginagawa ni Vhong ang kanyang buong atensyon.

"Annieka! Mababasa yung mga mapa! Isang kopya lang yan!" Singhal ni Vhong, nang dahil don ay napahiya si Anne.

"Kanina pa ako kilos ng kilos dito! Napapagod na ako kakadala sayo ng kakainin mo. Sinasayang mo effort ko!" Sa pikon ni Anne ay lumabas na rin yung inis na kanina niya pa pinipigil.

"Wala naman akong sinabing gawin mo yan" bulong ni Vhong


"Ano kamo? Anong sabi mo?"

"Di ko naman kasi sinabing gawin mo yan" sagot ni Vhong, nang dahil don ay may dumapong palad pisngi niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?! Di na kita maintindihan, Vhong!!" Umiiyak na saad ni Anne, habang si Vhong naman ay natameme lang sa sampal ni Anne sakanya.

"Anne, anong di mo maintindihan? Diba gumagawa nga ako ng thesis? Alam mong madugo to! Di na nga ako magkanda-ugaga dito!" Maging si Vhong ay nagtaas na rin ng boses.

"Sige.. if that's what you want.. go! Ayaw mo ng pinakikielamanan kita.." isa isang kinuha ni Anne ang mga damit ni Vhong na inayos niya kanina sa cabinet at isinilid ang mga ito sa loob ng bag ni Vhong.

"Bahala ka.. wag kang magpapakita sakin na ganyan ka, pinagaalala mo ako dahil dyan sa katigasan ng ulo mo. Sorry ha kung pinipilit kitang kumain, mukhang napasama pa. Umuwi ka nalang sa unit mo. Bahala ka na" habang iniimpake ni Anne ang mga gamit ni Vhong ay pinapanuod lang siya nito. Napahilamos si Vhong ng mukha at tska kinuha yung mga gamit niya.


"Sinabi ko na sayo, mag leave ka na sa café kahit isang linggo lang para matutukan mo yang pagaaral mo pero ayaw mo, ang tigas tigas ng ulo mo, Vhong!"


"Magli-leave ako tapos ano? San ako kukuha ng pang gastos? Di mo ba naisip kung gaano kalaki yung perang mawawala? Annieka alam mo naman na gipit ako. Maya't maya biyahe ako ng biyahe sa pag gagather palang ng data.. pamasahe ko palang, nasasaid na yung pera ko tapos gusto mo mag leave ako?"

"Ganyan ka kasi.. puro ka nalang pera, Vhong! Inintindihin mo yung katawan mo! Pag ikaw, bumigay nanaman.. mas lalo ka mahihirapan.. nagoffer ako diba? Sabi ko sayo, sasamahan ka namin ni King sa mga errands mo pero ayaw mo! Inuuna mo pa kasi yang ego mo kahit hirap na hirap ka na!" Mas lalong tumaas ang boses ni Anne kaya mas lalo ring napikon si Vhong.

"SIGE GUSTO MO YAN? SIGE IKAW NA MAGBAYAD LAHAT, IKAW NA RIN MAGPAKAIN SAKIN.. LAHAT SIGE, IKAW NA! GANON NAMAN AKO DIBA?! SIMULA'T SAPUL WALANG SILBI... WALANG KWENTA. TANGINA SARILI KO NA NGA LANG DI KO PA KAYANG BUHAYAIN TAPOS BUBUO PA AKO NG PAMILYA? TAPOS ANO AASA TAYO SAYO?" Muling may dumapong palad sa pisngi ni Vhong

"Bastos ka na, Vhong! Nakikipagusap ako sa'yo ng maayos tapos ganyan ka? Bullshit. Wala kang kaaway dito! Di mo ako kalaban. Nagmamagandang loob ako kasi nakikita ko na halos magpakamatay ka na kakatrabaho at kakaaral tapos ako walang ginagawa. Tangina Vhong, mahal kita kaya ayokong nakikita kitang ganyan! Ang simple lang ng sinabi ko pero kung saan saan ka nanaman napunta!"

Will it be the same? (COMPLETED)Where stories live. Discover now