""Kahit anong sabihin mo sa akin wala akong paki,kaligtasan mo nakasalalay dito""Sabi niya.

Napatayo ako sa pagkakaluhod ko at lumabas sa kwarto naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

May naisip na akong paraan,Alam kong mali man yun pero baka ito yung paraan para makuha yung gusto ko.

Nakita ko si Brie na naghuhugas ng pinggan nilapitan ko siya at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

""N-Nikki""Nanginginig niyang sabi.

""Nikki huwag mong gagawin yan""Suway sa akin ni Mama.

Seryosong nakatingin sa akin si Viel""Ibaba mo yan""

""Sa isang kondisyon""Ngumisi ako sa kaniya

""Papakita ko yung video?""Agad nitong sagot napatango ako.

""N-Nikki please""Pagmamakaawa ni Brie sa akin.

Mas nilapitan ko pa yung kutsilyo sa leeg niya unting galaw lang ni Brie masusugatan talaga ito.

""Ibaba mo yan""Nagtagis yung bagang niya sa galit..

""Pakita mo na kasi yung video,ganon lang ka simple""Nakangisi kong sambit.

Nakita ko si Mama na papalapit para patigilin ako pero binantaan ko siya""Sige lumapit ka papatayin ko si Brie""

Mas lalong bumilis yung paghinga ni Brie at tumatagaktak yung pawis niya""P-please alisin mo yan -Niks""Pagmamakaawa niya.

""Hindi mo yan magagawa""Sabi ni Viel kaya natawa ako.Diniinan ko yung kutsilyo.

""AHHHH""Napasigaw si Brie.

""Pakita mo na kasi Viel""Sigaw ni Mama.

Nakita kong napairap siya at nagtaas ng kamay""Fine""Sabi nito at nilapag ang cellphone sa lamesa.

Sinigurado ko munang di niya yun maagaw kaya agad agad ko naman kinuha iyon at binitawan ko si Brie kitang kita ko naman ang luwag na ng hinga ni Brie.

""Password""Utos ko sa kaniya,Nagdadalawang isip pa siya kaya tinutukan ko na naman ulit si Brie.

""Viel""Pagmamakaawa ni Brie kaya walang nagawa si Viel kundi lagyan ng password kaya lumabas yung video.

Nanlaki yung mata ko at sunod sunod na bumuhos ang luha ko.Nagagalit ako sa sarili ko ng makita ko yun,bakit hindi ko nagawang mahanao siya.

""S-save me..I-I'm in h-h..ell""Yun lang ang sinabi niya at nakita ko sa huling video ang lugar at kitang kita ko ang paghihirap niya at parang unti nalang malalagotan na siya ng buhay

Kahit yun lang ang laman ng video gusto kong magwala sa nakita ko.Buong buhay ko napaniwala akong wala na siya.Lumaki akong naniwala sa isang kasinungalingan.Halos ikamatay ko na ang paghanap ng hustisya...

Pinagtatapon ko lahat ng bagay na nakita ko""PUTANGINA!!!""Sigaw ko at patuloy na pag-agos ang luha ko.

Gusto kong patayin yung mga taong nagpahirap sa kaniya gusto kong ilibing sila ng buhay..Mga punyeta!!

Pinahanda ko na lahat ng kailangan ko pupuntahan ko siya.Ililigtas ko siya hanggang kaya ko.Ayaw ko ng maulit na mangulila sa kaniya.

""Papa hintayin mo ako diyan""

Sabi ko na ba ganon yun kaimportante sa akin ang video kaya dali dali akong umuwi sa sarili kong bahay.

""Bratislava""Nakangising sambit ko.

Binuksan ko yung drawer ko na pinaglalagyan ng binigay sa akin ni Brie.Tiningnan ko ang naka ukit doon na lugar""Bratislava""

Napahalakhak ako ng malakas""Your my Ace""

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora