Kabanata 36

3.7K 194 14
                                    

Kumunot ang noo ko. Hindi ko lubos na maintindihan ang gustong iparating ni Joselito.

"Hindi ko maintindihan, hindi ba't iyon naman talaga ang pakay natin dito? Ang labanan ang kasamaan ng mga fagen" giit ko pa sa kanya pero napabuntong hininga na lamang ito at napayuko.

"Hindi mo naiintindihan lestine" sabi niya pa sa akin kaya naman naikuyom ko na ang aking kamao.

"Kung ganuon ay ipaintindi mo sa akin" giit ko pa sa kanya. Desidiso na talaga akong malaman.

Kita ko ang pagiwas ng tingin nito sa akin. Maging siya ay parang nahihirapang sabihin sa akin ang totoo. Nagkaroon tuloy ako ng kaba sa aking dibdib.

"Malalaman mo pag nagkita na kayo ni Carlita" sabi pa niya sa akin at tagkang tatalikuran na sana ako ng kaagad ko siyang pinigilan.

"Bago pa ako makarating dito ay nagkita na kami ni Carlita" kwento ko pa sa kanya.

Kaagad kumunot ang aking noo. Pilit na inaalala ang mga katagang huling sinabi niya sa akin bago siya mamatay sa taong 2019.

Nakakunot ang noo ko, pilit na iniisip iyon pero hindi ko talaga magawang alalahanin.  Hanggang sa matigil ang paguusap naming dalawa ng dumating si ginoong antonio.

"Ano ang nangyayari dito?" Tanong niya sa amin.

"Wala ito ginoong antonio" sagot sa kanya ni joselito.

"Lingod sa iyong kaalaman joselito. Alam ko na ang tunay na pagkatao ng binibining kasama natin ngayon" sabi niya dito peeo hindi ko man lang nakitaan si joselito ng pagkagulat o takot man lang.

Napatango tango ito. "Mas mabuti na sigurong alam niyo na ang lahat..." sabi pa ni joselito sa kanya.

Pero nakakunot noong lumapit si ginoong antonio sa kanya. "Ngunit bakit kailangan mong gawin ito joselito? Bakit kailangan mong ulitin ang aming kwento" tanong sa kanya ni ginoong antonio.

Tumigas ang mukha ni joselito. "Dahil nais kong makamtan ng aking kapatid na si Celestina Agoncillo ang kwentong nararapat para sa kanya" matapang na sagot ni joselito dito.

Nalipat ang tingin ni ginoong antonio sa akin. Itinuro niya ako kay joselito. "At siya, ano ang papel niya dito?" Tanong niya dito kaya naman medyo nahurt ako duon pero ipinagsawalang bahala ko na lamang.

"Lingid sa iyong kaalaman ginoong antonio, ikaw ang humingi ng tulong sa kanya" sagot ni joselito sa kanya kaya naman napatingin si ginoong antonio sa akin at hindi sinasadyang nataasan ko siya ng kilay.

Nang marealize ko kung ano ang ginawa ko ay kaagad akong napaiwas ng tingin at tsaka yumuko. "Asaan ang totoong Celestina Agoncillo kung ganuon?" Pilit na tanong pa niya.

Si joselito naman ang nagturo sa akin. "Siya, ang celestina agoncillo sa oras na ito" sagot niya dito kaya naman napataneme na lamang si ginoong antonio.

Nang hindi na ito makapagsalita ay kaagad ng nagpaalam si joselito para iwan kaming dalawa duon. At dahil medyo nakakaramdam na ako ng akwardness ay mas pinili ko na lang din sanang umalis duon ng kaagad akong tinanong ni ginoong antonio.

"Totoo ba? Na humingi ako ng tulong sa iyo?" Tanong pa niya sa akin kaya naman napatango tango na lamang ako.

Napabuntong hining siya. "Ako pala ang naging dahilan kung bakit ka nalayo sa iyong pamilya" problemadong sabi niya at ramdam na ramdam kong guilty siya.

Napailing ako. "Wag kang magalala ginoong antonio. Pinili ko ito, tinanggap kong tulungan ka" pagpapaintindi ko sa kanya tiningnan niya lamang ako na para bang hindi siya makapaniwala.

His last ComebackWhere stories live. Discover now