Chapter II: Pig Girl

16 3 0
                                    

Previously on: Opposites Attract

Chatting with Jean about random stuff I didn't notice someone until they bumped into me.

~Back to the story~

-Aspen's P.o.V-

-2 hours ago-

Tik-ti-la-ok!

Sigaw ng isa sa mga manok na inaalagaan ni Papa. Binuksan ko ang aking mga mata para lang makita ang mukha ng aso naming si Thana.

Nginitian ko siya nang makita kong nakasiksik siya sa katawan ko. Iniunat ko ang aking mga kamay at paa, at saka tumayo sa lumang banig na aking kinahihigaan. Kinuha ko ang mga salamin ko at isinuot iyon.

Kahit na luma na ang banig ko wala akong ginagawa tungkol doon. Yun kasi ang banig na hinihigaan ni Mama nang buhay pa siya. Kahit naman may higaan, mas komportable ako doon sa banig ni Mama.

Inayos ko ang aking hinigaan at umalis na doon si Thana at lumipat sa higaan ko. Napangiti ako sa kanya, siya nalang ang natira para maging kaibigan ko. Umalis ako sa kwarto at pumunta sa kusina para lang makita si Ate Dett na nagluluto ng umagahan. Siya ang pinakamatanda kong kapatid, at ang nagsusuporta sa pamilya namin kasama na si Papa.

"G-Good morning ate." Bati ko sa kanya. Lumingon siya sa aking kinatatayuan at nginitian ako "Good morning din bunso. Handa na ba ang gamit mo para mamaya? Wala ka na bang nakalimutan na mga takdang-aralin o kaya proyekto? Handa na din ba ang uniporme mo?"

"Oo ate h-h-handa na lahat, wala na din akong nakalimutang ilabas." Tumango na lang siya at bumalik na sa kanyang pagluluto. "Oh sige, gisingin mo na din kuya mo. Baka malate nanaman iyon."

Umalis ako ng kusina at pumunta sa kwarto ni Kuya Ethan para gisingin siya. Kinatok ko ang pinto niya at sinabing "Ku-kuya! Gising na b-baka malate ka pa ulit!"

May narinig akong mga hilik galing sa kwarto at napatawa ng kaunti. Baka hindi si kuya magising ng ganito. Binuksan ko ang pinto at nakitang magulo ang kuwarto niya. Kumuha ako ng unan galing sa sahig at ihinagis sa kanyang mukha.

"Kuya! Gising ka na! Magalit nanaman sayo s-s-si ate!" Pagkasabi ko noon, narinig ko siyang umungot. "Oo na, oo na. Tatayo na ako. Nakakayamot naman ang batang ito. Kung kelan ang panaginip ko nagkagirlfriend na ako tsaka mo ko gigisingin? Pati ba sa panaginip wala?"

Hala. Magsisimula nanaman siya mag dadadada tungkol sa wala parin siyang naging girlfriend ni isa, kahit na 21 years old na siya at nasa kolehiyo na. "Gwapo din naman ako pero bakit wala parin akong girlfriend? Mabait naman ako. Matalino. Eh bakit ganon hanggang ngayon wala?"

"Hind-di ko din alam kuya, hindi ko din a-alam." Tinapik-tapik ko ang likod niya at sinabing "Oh s-s-sige! Tara n-n-na kumain"

Tumango nalang siya at tumayo. Pagkalabas namin ng kuwarto niya pumunta kami sa kusina at nakitang tapos na si ate sa pagluluto ng umagahan.

Wow! Ang galing talaga ni ate magluto! "O sige kumain lang kayo, gigisingin ko lang si Papa." Tumango nalang kami at pumunta sa mesa para umupo't nagsimula na kaming kumain.

Habang nakain may narinig akong mga tunog galing sa hallway. Tiningnan ko iyon at nakita si Papa na sarado pa ang isa sa mga mata niya. "Good morning Pa" bati namin ni kuya kay Papa nang umupo sa siya sa hapag kainan.

Pagkatapos ko kumain umalis na ako at pumunta sa kwarto ko at kunin ang tuwalya ko. Nakita ko si Thana na naglalaro sa isang gilid. "O-o-ok Thana, kailangan mo na k-kumain." Sabi ko sa kanya habang hinahanap ang pakainan niya sa kwarto ko kasama na ang pagkain niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon