Chapter 0: Our Old Days

17.8K 160 147
                                    

Chapter 0: The Old days

6 years ago

Pangalawang araw pa lang ng klase ay ayoko nang pumasok. Hindi sa tinatamad ako, lagi na lang akong pinagtitripan ng mga kaklase ko. Lagi na lang nila akong kinakawawa rito, dahil tahimik at mabait lang ako kaya tinake advantage nila ako.

May mga kaibigan ako dati sa school na ito, pero ginamit lang nila ako at nagtraydor lang sila sa akin. Ginawa lang nila akong uto-uto, pinagtripan lang nila ako. Ayaw kasi nilang makisama sa isang paslit na katulad ko, at wala rin akong kwentang tao.

Habang nakaupo ako sa aking upuan sa may bintana, biglaan na lang sumulpot si Louisa ang tinatawag na "School Queen" ng aming school. Kasama rin niya ang kanyang mga alipores at papunta sila sa aking upuan para kausapin ako. Siguro, kailangan ko nang lumaban para hindi na nila akong pagtripan.

Bakit ko pa sila naging kaklase ulit? Feeling ko may i-uutos na naman sa akin, pero kailangan kong iwasan iyon, dahil may sarili naman silang kamay para gawin iyon.

"Hoy! Nandito ka na pala! May papagawa ako sa iyo!" sigaw sa akin ni Louisa, at  may binato siyang papel na hawak niya sa harapan ko. Mukhang mababasag na talaga ang eardrums ko. Ang boses niya kasi ay napakatinis na hindi masarap pakinggan sa tenga. 

"Ano ang ipinauutos niyo? Mahal na Reyna!" inis na sabi ko. Kung makautos, akala nila na sila ang may-ari ng school na ito. Mukhang uutusan niya akong gumawa ng essay para sa isang subject na binigay kahapon.

Sabay pinalo nang malakas ni Lousia ang table at sabay na sinigaw niya na, "Aba ngayon, lumalaban ka na!"

"Pakialam ko! Saka nga pala, tinatanggi ko ang iyong pinapagawa kaya mo naman kasing gumawa nang mag-isa!" palaban na sabi ko. Lahat sila ay nagulat sa kilos ko dahil nagbago na ang tahimik na imahe na naging palaban ngayon.

Biglang may sumampal sa mukha ko at may naramdaman na akong paghapdi sa aking mukha. Napahawak tuloy ako sa aking pisngi na galing sa pagkasampal kanina.

"'Yan ang bagay sa iyo, dahil wala kang karapatan lumaban kay Louisa!" biglang sigaw ni Hanami na isa sa mga alipores ni Louisa sa akin.

"Bakit ba? Masama bang tumanggi sa pinapagawa niyo? May sarili naman kayong kamay!" inis na sabi ko sa kanila. Ang kapal talaga nila, bakit hindi sila gumawa sa kani-kanilang assignment? Edi, parang walang silbi ang pagpasok nila sa school na ito.

"Ang kapal mo ring pagsalitaan mo kami ng ganyan!" galit na sabi niya sa akin.

Palapit na siya sa akin para sabunutan niya ako sa buhok pero hindi natuloy, dahil may biglang sumulpot na bagong transferee na lalaki sa aming harapan. Nakasuot siyang salamin sa kanyang dalawang mata. Mayamaya ay sumali na siya sa usapan namin.

"Grabe naman kayo kung makasampal! Makatawag kayo, parang hayop lang ang kinakausap niyo! Saka tao 'yang kausap niyo, dahil mayroon siyang sariling pangalan! Ang ingay niyo pa, parang nasa palengke lang kayo!" panenermon niya kala Louisa dahil sa sobrang ingay nila. Biglaang lumapit si Louisa sa bagong transferee, at kinausap nang pagalit.

"Sino ka ba? Bakit ka bang nangingialam sa usapan namin?" pagalit na sabi ni Louisa sa transferee.

"Bakit, kailangan ko bang magpakilala sa inyo?" sabi ng transferee sabay nagtaas siya ng isang kilay.

"Grabe ka kung makapagsalita! Hindi mo ba kilala kung sino ang kaharap mo?" galit na sabi ni Louisa sa transferee.

"Hindi ko naman kayo kilala! Pakialam ko ba sa inyo! Basta mali ang ginagawa niyo!" inis na sabi niya sa kanila. Gusto niya lang itama ang mga maling gawain ni Louisa. Pero wala rin siyang nagawa, dahil matitigas talaga ang mga ulo nila kahit i-untog pa 'yan sa bato.

45315454 1351919175Where stories live. Discover now