Chapter 31: Tuesday's Pace

3.9K 24 34
                                    

Chapter 31: Tuesday's Pace

Umabot na ng Sabado, at wala ako ngayon sa bahay dahil may bibilhin ako ng school materials para sa isang project. Ang galing din ng pinakamamahal kong kaptid, nagpabili rin kasi sa akin ng usb at blank CD para sa gagamitin niya sa thesis. Nang nakuha ko na ang mga kailangan sa listahan ay namasyal na lang muna ako sa mall para hindi masayang ang pagpunta ko rito.

Habang umiikot ay may napansin akong isang pamilyar na pigura ang nakatayo sa loob ng pasyalan. Ang nakita ko ay walang iba na si Zean. Tadhana nga naman ay lagi ko na lang nakikita kung saan ako nagpupunta. Nang nakita ko siya ay nagtago ako sa isang sulok ng tindahan ng mga damit na nakapwesto sa dulo ng mall. Ayoko kasing makipagkita sa kanya, baka isipin na makikichismis ako sa balak niya.

May magic bang nangyayari kaya lagi ko siyang nakakasalubong? Naiinis lang ako na kung bakit nakita ko siya rito. Simpleng sagot; malapit lang naman ang mall sa aming mga bahay. Ano kaya ang ginagawa niya rito? May date? Hanazel? Gimmick?

Mga ilang minuto ang lumipas ay pinapanood ko pa rin siya, at nakita kong may mga tao na lumalapit sa kanya. Mali pala ang aking iniisip dahil kabarkada niya ang lumapit sa kanyang kinatatayuan. Hindi pala date ang gagawin kundi isang boy's hangout. Nakita ko silang nagsusuntukan sa braso, at nang-aasaran sa isa't isa. Nang natapos ang kanilang batian ay umalis na sila sa kanilang pwesto, at pupunta na sa kanilang bagong destinasyon.

Napabuntong-hininga ako na hindi isang landian ang aking nakita dahil masasaktan ang maliit kong puso. Idamay mo na rin ang isang rason na hindi niya ako nahuli na sinisilip ko siya. Mabuti na lang, hindi sa direksyon ko sila nagpunta. Caught in the act ang makukuha ko kapag ganoon ang nangyari.

Habang nandoon pa rin ako sa aking nilulugaran ay may naramdaman ako na may kumakalabit sa isa kong balikat pero hindi ko pinansin ito. Baka, ilusyon ko lang na may gumagawa sa akin, at seryoso pa rin akong panoorin si Zean na naglalakad nang nakatalikod. Kahit paunti-unting nawawala ang kanyang bakas ay pinagmamasdan ko pa rin siya. Sa kakadedma ko sa nangangalabit ay biglang nagsalita, at mukhang kakilala ko ang gumawa

"Tuesday? Ano ang ginagawa mo sa isang sulok?" pagtatakang tanong ng isang pamilyar na boses, at napalingon ako sa kanya para malaman kung sino siya.

Nagsimulang lumaki ang aking dalawang mata dahil hindi ko inaasahan na si Jy ang makakakita sa akin. Pati ang bibig ko ay biglang nalaglag sanhi sa eksenang ito; magugulatin na yata ako. Bakit siya pa ang nakadiskubre sa aking ginagawa? Delikado na ito, at pwede na niya pang-blackmail laban sa akin. Kailangan ko nang makakuha ng nakakapaniwalang rason para makalusot sa isang butas ng karayom.

"Uhm... May hinahanap lang ako na pwedeng bilhin dito. Hehe!" nag-aalangin na tugon ko habang kinakamot ang likod ng aking ulo. Si Jy naman ay meron siyang nalilitong mukha na hindi siya kumbinsido sa aking sagot.

"Sigurado ka ba na tumitingin ka ng bibilhin? O, nagiging reporter ka na para makakuha ng scoop kay Zean? Ang lagkit kasi kung makatitig sa direksyon nila kanina," pambabatong wika ni Jy, at ngumisi siya sa aking harapan.

Napasinghap ako sa kanyang sinabi na halos maubusan na ako ng hininga. Naku, mukhang bistado na ako sa aking kalokohan. Stalker na talaga ang posibleng bagong nickname ko. Bakit naman kasi maraming nakakahuli sa akin na lagi kong nakikita si Seatmate? Una si Rouie, ngayon naman si Jy.

"Hala, hindi! Bakit si Zean na ang nadamay rito?" dire-diretsong tanong ko, at nakahawak sa aking baywang ang isa kong kamay.

"Alam mo ba? Para kang naninilip ng isang lalaking nakahubad sa ginagawa mo. Bakit ka kasi nagtatago? Nahuli tuloy kita na ninamnam mo si Menopausal Prince." pagsusuplado niya, at meron siyang mukhang nakakaasar. Ako naman ay huminga na lang nang malalim para magpaliwanag sa aking kaso.

45315454 1351919175Where stories live. Discover now