Uka-ukang Kobyo

371 2 0
                                    

Binagbag ng hagulgol ang mahinhin na kayarian ni Ruth habang siya'y tumataliwag palayo sa kanyang mapanakit at mabalasik na asawa. 

Natisod at tumihaya siya sa uka-ukang kobyo sa riles habang may rumaragasang tren.

Nang hagipin ng gulong ang kanyang lungos, ngatain ang kalamnan ng madiinan at iniluwa sa malubak na barandal, ang buhay na minsan niyang inasam ay tumilamsik sa kanyang harapan sabay sa pagwisik ng dugo sa uka-ukang kobyo.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DagliWhere stories live. Discover now