Silid

4.3K 25 3
                                    

"Lawayan mo!" sambit ng isang boses lalaki.

"Sige pa!" Patuwirin mo!" dagdag niya pa, na para bang sabik na sabik pa.

"Ayan na! Ipasok mo na sa butas...Teka lawayan muna natin ulit!" sabi naman ng isang boses babae na parang hingal na hingal.

"Ayaw pumasok eh. Lawayan mo uli!" utos ng boses lalaki.

"Ano ba 'yan. Pagod na ako eh!" painis na, na sagot ng boses babae.

"Sige na please. Baka maabutan tayo ng ate mo eh! Dali-an na natin 'to!"

Huling sambit ng boses lalaki bago ko buksan ng biglaa't pagulat ang magaang pintuan ng nakapagtatakang silid.

Nadatnan ko ang gulat na gulat na mukha mula sa dalawang magkasintahan, nakalapag sa kama.

Hawak ng babae ang mapanusok, nakamamatay, at mahabang...karayom; habang nilalawayan at binabasa ng laway ang nakabibilaok at mabalbong...sinulid.

Ginulat ko sila. Nagkamali ako. Na-epic. Wrong move!

DagliWhere stories live. Discover now