Higaan

2.4K 14 2
                                    

Minulat ko ang mga mata ko.

Bumangon mula sa pagkakahiga ko.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong silid.

Blanko. Madilim. At ang tanging bumubuhay sa nakakatakot na silid ay ang walang patid na pagpapatuloy ng katahimikan.

Umalis ako sa kamang hinigaan ko...subalit tila bang may umagaw sa pansin ko.

Lumingon ako. Nagulantang ako sa nakita ko.

Gumulat sa akin ang katawan kong baldado, nakalapag sa kamang pinanggalingan ko.

Maya maya pa'y may pumasok sa silid na kung saa'y nandoon ako. Naka-bonnet. Nakaitim. Armado. Binaril ako sa ulo. Nawalan ng malay. Oo, namatay.

Ngunit sa muli, minulat ko ang mga mata ko. Bumangon sa pagkakahiga. May naka tusok na karayom sa kanang kamay ko, may plastik na tubo na konektado rito na sa loob ay ang likidong nagmumula sa isang supot na nakasabit sa may taas ko.

May tubo ring nakalagay sa dalawang butas ng ilong ko. Konektado rin ito sa isang tangkeng gawa sa bakal na ang binibigay ay kaginhawaan.

Isang lalaki namang may makapal na balat ng kamay at mabalbasing matusok-tusok ang may hawak sa kaliwang kamay ko.

Habang maraming tao pa ang nakapalibot sa kama ko; may lumuluha, humahagulgol...at may isa namang ngumingiting may nga butil ng luhang umaagos mula sa mga mata niya.

"Gising na ang anak ko!"
"Rap-rap, anak ko! Diyos ko! Salamat sa Diyos buhay ka!"

Ilan lamang sa mga binulalas at pinutak ng mga taong nakapalibot sa akin.

Tuwang-tuwa. Buhay na buhay ang silid. Subalit pumanaog ang kasiglahan ng buong silid...Tumahik ang lahat...Nadismaya ang iba...nang sinabi kong...

"Sino kayo? Bakit kayo nandito?"

DagliWhere stories live. Discover now