Make-up

3K 32 7
                                    

"Anak ko, sasama ako sa Graduation Day niyo a. Kakain tayo sa labas...sa masarap pagkatapos para naman ma-libre kita sa pag-aaral mo ng mabuti," nakangirit na sabi ni Mama sa akin matapos niyang ilapag ang isang supot na may pancit bihon mula sa kanan niyang kamay at sa kaliwang kamay niya naman ay ang iilang barya.

"Huh? Nako. Ayoko. Huwag. Hindi na kailangan ng magulang. Dito ka na lang sa bahay at bigyan mo nalang ako ng pera para makagala kami ng mga kaklase ko," padabog kong tugon habang naglalagay ng mga kolorete sa mukha.

"Pero anak--"

"Ma! Pwede ba? Ha? Matanda ka na! E kahit konting lipstick at make-up di mo na nga magawa eh. Tapos sasama ka pa? Nakakahiya ka. Isasama lang kita 'pag naging presentable na yang pagmumukha mo," pasigaw kong tutol sa kaniya.

"Sorry na anak a, pangit ang iyong mama. Hindi rin kasi ako gumagamit ng make-up na 'yan. Wala kasi akong oras dahil abala ang Mama sa paghahanap ng pera jan sa labas," sambit niya habang magaan niyang minamasahe ang mga balikat ko.

"Huwag kang mag-alala, susubukan kong maglagay para makasama na ko sa graduation mo," dagdag niya pa.

Kumawala ako mula sa nakapatong na maruruming kamay niya sa balikat ko at umalis na sa bahay.

Sa panahong iyon, wala na akong pake kay Mama. Lumayas ako sa amin at nakitulog sa bahay ng kaibigan ko. Lumipas ang ilang araw at dumating na ang 'Graduation Day' na kung saan aakyat ako sa stage para sa mga gantimpala na ibibigay sa akin ngunit hindi lang pala iyon ang matatanggap ko.

Pag-uwi ko sa aming bahay, si Mama agad ang bumungad sa akin. Nagulat ako dahil may make-up siya. Maganda ang pagkakalagay nito--bagay na bagay sa suot niyang damit na simple subalit elegante.

Napahagulgol ako sa mga sandaling iyon. Alam kong ipinangako kong isasama ko siya kung may kolorete siyang ilalagay sa mukha...S...su...subalit wala sa aming usapan na kailangang nakakahon pa siya.

Graduate na rin siya sa pagiging Ina sa akin.

DagliWhere stories live. Discover now