Episode 29

2.1K 85 2
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

Reign's POV

":!^-**×&@€+;" -???
Hala grabe naman ang mga ingay sa labas. I-ilan lang naman kami dito ha?

Tinakpan ko ng isang unan ang aking tenga dahil sobrang ingay sa labas eh inaantok pa ko eh.

"Arte! Bumangon ka na nga jan." At bigla akong napadilat dahil may nagsalita sa gilid ko.

Tinanggal ko ang unan at tinignan kung sino ito. At napadilat ako ng mata ng kay laki at napasigaw.

"AAAHHH!! ANONG GINAGAWA MO DITO?!?! AT TSAKA PAANO MO NAHANAP TONG BAHAY NAMIN?!" -Ako

"Ang ingay naman nito! At tsaka chill! Kasama ko sila Nanay at Tatay. Pati si Ikay. At tinuro ni Vince sami---"

"Nanjan si Ikay?!?!?!" Akmang tatayo na ko pero hinawakan ni Justine ang kamay ko.

"Mas excited ka pang makita si Ikay kesa sakin ha!?" -Justine

"Hmmm? Parang ganun na nga hehe. Tabi nga!" Piniglas ko ang kamay ko sa kanya at lumabas ako at dumiretso muna ako sa banyo bago makipag-usap sa kanila.

Masaya ako dahil nagsama-sama kami dito sa iisang bubong muli. Si Daddy na lang ang kulang pero alam ko naman na masaya na yun sa ibang bansa kasama ang ibang pamilya niya.

Nagligpit muna ako ng kwarto ko ng ilang minuto. At pagkatapos ay balak ko sanang chikahin si Ikay. Kaya hinanap ko.

At paglabas ko, hindi si Ikay ang nakita ko. Si Zenaida ang nakita ko at kausap si Justine kasama si Kianna.

At lumabas ako para lapitan ang tatlo. Si Zenaida ay sinalubong ako palabas ng bahay.

"Di ka nagsasabi nakabingwit ka pala ng paps don. Gwapo ni Justine noh?" -Zenaida

"Nako! Aanhin mo ang gwapo kung panget naman ugali. Jusko!" -Ako

"So inaamin mong gwapo ako?" -Justine

"Hmmm... wala namang ginawang panget ang Diyos eh. Pero di ka gwapo." At dun sumimangot si Justine.

"Eh teka, Zenaida at Kianna? Bat pala kayo nandito?" -Reign

"Aayain ka sana namin pumunta sa plaza eh. Namiss ka kasi namin kachikahan din. At tsaka, gala na rin!" -Kianna

"Oo nga! Kaya tara na! Sama mo na rin si Papa J!" -Zenaida

"Ay---" -Reign

"SIGE BA!" At tumingin ng masama si Reign kay Justin at si Justine naman ay dinedma lang si Reign at pumasok sa loob para magpalit ng damit.

3:30 PM
Reign's POV
Nasa plaza kami ngayon at dito sa plaza kasi namin, maraming stalls na keri sa budget kaya dito kami tumatambay.

At di ako masyadong masaya dahil nandito tong Justine na to. Alam ko naman na manggugulo lang to eh.
At bukod sa nanggugulo, nagpapalibre pa?! Ayos diba?

"Salamat sa libre ha? Wag kang mag-alala babayaran kita---" -Justine

"No need. Kahit labag sa kalooban ko. At tsaka utang na loob ko to sayo for helping me nung natapon ako sanyo..." -Ako

At nagulat ako biglang tumawa ang unggoy. Nabadtrip tuloy ako lalo. At tsaka ko lang nerealize na kapag nagdadrama ako, tinatawanan lang ako nito.

"Hmp! Bwiset ka tala---" at may tumawag sakin at pagkakita ko si Vince ang tumatawag sakin.

My Teacher Sweet Lover (BxB)Where stories live. Discover now