Episode 9

2.6K 104 3
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.
-

Reign's POV
4:30 PM//Goldenville Village//Friday

Nandito ako sa labas ng Goldenville Village dahil gusto kong makita si Allen dahil dito nga ang bahay nila.

Binigay niya ang street nila pero di ko alam kung saan. HAHAHAHA bida-bida lang ang peg.

May nakita akong mga nagiinuman dito, kaya inisip ko na dito magtanong. Baka sakali lang kasi wala pa silang tama kaya dito ako magtatanong.

"Uhm, Excuse me ho, alam niyo po ba ang Gold5 street?" -Ako

"HAHAHAHA Bago namin sabihin sayo kung san yan, *naglagay ng Gin sa shotglass* inumin mo muna to." -???

"Ah eh, wag na lang po pala sige po sal---" Paalis na sana ako kaso nahablot na ko ng mga to.

Pinipilit nila akong inumin kahit ayoko. Nakakainis naman tong mga to! Mga epal!

"Ayoko nga eh! Bat ba?!?" -Ako

"Hoy! Bitawan mo siya. Kayo talaga mga walang bilang sa lipunan, nang gagago nanamn kayo." Tinignan ko ito at laking-gulat ko dito, si Ate ann ito.

Taga dito siya? Wow ha?!?

"Ikaw naman Ann. Nagbibiruan lang kami nito ni... Ace eh. Diba Ace?" Huh? Sino si Ace?

"Sino si Ace? Iyang hawak niyo? Mga ulol! Kilala ko yan eh. At di Ace pangalan niyan. Epal kayo. Bitawan niyo siya." At dun na nila ako binitawan ng bonggang bongga.

Umalis na kami ni Ate Ann at nagulat siya na nandito ako.

"Bat ka nandito? Medyo delikado yung mga kausap mo kanina ha? Ikaw talaga, Reign." -Ate Ann

"May pupuntahan kasi ako dito ate. At tsaka, dito ka pala nakatira" -Ako

"Ahh oo. Dito ako nakatira. Gusto mo puntahan natin yung pupuntahan mo? Tapos paguuwi ka na, sabay na tayo. Pupunta kasi ako sa village niyo eh. Sa bahay ng kaibigan ni Mik. Magiinuman daw sila eh." -Ate Ann.

"Ano pong pangalan ng kaibigan?? Baka kilala ko po?" -Ako

"Si Arceo." -Ate Ann

"Ay! Kapatid ko po si Kuya Arceo." -Ako

"Aytalaga? Iba din ha!" -Ate Ann

"Haha. Di ko alam na may inuman pala dun. Sige ate. Sabay na tayo umuwi." -Ako

"Oh sige. Puntahan muna natin yung pupuntahan mo. Anong street ba?" -Ate Ann

"Gold5 po." -Ako

"Sakto. Dun din bahay ko. HAHAHAHAHA tara na nga." -Ate Ann

At naglakad na kami papunta dun. At nang nasa street na kami, tanaw ko si Allen na nagaabang.

"Uy! Buti nakarating ka. Bat kasama mo si Ate Ann?" -Allen

"Hoy ikaw, Allen. Di alam ni Reign bahay niyo tas papapuntahin mo siya dito. Sabog ka ba?" -Ate Ann

"Sorry na, Ate Ann. Highblood ka nanaman eh. Tara na, Reign? Pasok ka muna para makaligo ako tas alis na tayo." -Allen

"Bilisan niyo. Sasama ako sanyo. Pupunta rin ako sa kanila. Nandun si Mik eh." -Ate Ann.

"Sige, Ate Ann. Daanan ka na lang namin sa bahay ni Reign" umalis na si Ate Ann at nag ayos na rin si Allen dahil pupunta siya bahay namin.

Pinuntahan ko siya dahil gusto ko rin malaman bahay niya para minsan ako naman ang bibisita sa kanya.

At makalipas ang ilang oras, okay na kaming tatlo at papunta na kami sa bahay.

My Teacher Sweet Lover (BxB)Where stories live. Discover now