Chapter Two: Beginning

5 0 0
                                    

Mayamaya lang at nagising din naman ako. Pagmulat ko ng aking nga mata ang very cute creature agad ang bakita ko. Nakatingin siya sakin. At tila ba manghang-mangha siya sa nakikita niya.

Hello! Bati ko sa kanya. Ngunit hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin sa akin.

Hello. Ako si Chiyo. Pwede ko ba malaman kung nasaan ako? Bati at pakikipagpalakilala ko sa kanya. At hindi naman ako nabigo dahil nagsalita na siya.

Hello din. Ang ganda-ganda mo po kamahalan.

Wow. Ang cute-cute ng boses niya. Nakakagigil. Pero sandali lang namali ata ako ng dinig.

Alam kong maganda ako pero ano yung tinawag mo sakin?

Kamahalan po.

Nakuuuu! Baka nagkakamali ka. Isa lang akong normal na tao.

Nagulatako ng bigla itong tumawa. May nakakatawa ba akong sinabi? May saltik ata itong creature na to eh.

Nagkakamali po kayo kamahalan. Hindi po kayo isang normal na tao. Tignan niyo po ang inyong mukha dito sa may sapa at ng malaman niyo po na hindi kayo normal na tao.

Curiousity kills the cat daw kaya sinunod ko nga ang sinabi niya. At laking gulat ko ng makita ko ang reflection ko sa tubig. Isang napakagandang elf. May golden pink na buhok at violet na mga mata. Ako ba to? Ang ganda-ganda ko naman.

Naniniwala na po ba kayo sakin?

Oo. Pero bakit kamahalan ang tawag mo sakin?

Bago niya ko masagot biglang siyang nanghina at nawala ang liwanag sa kanyang pakpak.

Magpapahinga po muna ako kamahalan. Naubos po ang aking enerhiya sa pagbabantay sa inyo. Mamaya ko nalang po sasagutin ang mga katanungan niyo.

Wait! Ano palang pangalan mo?

E..li..sya po ka.ma.ha..lan At nakatulog na siya.

Haaaays. Nag-iisa na naman ako. Ng biglang may lumabas sa harap ko na parang screen.

Welcome to Greim Kingdom.

May menu bar pa na lumabas. Oh! Paano gamitin to? Nung nagsabi ako ng OKAY sa isip ko. Bigla naman siyang nag ok at lumabas yung mga pagpipilian (SKILLS, STORAGE, HP/MANA,POTIONS, XIXONS). Na curious naman ako bigla sa XIXONS. Nung pinili ko to biglang lumabas yung coin sign. Ibig sabihin XIXOnS ang tawag sa pera nila dito. Ma check nga kung magkano ang pera ko. At namilog ang aking mga mata ng makita ko ang halaga ng pera ko 999,999,999.99 platinum XIXONS?! OMG! Ang dami kong pera. Nyahahaha! Ngayon naman let's see kung anu-anong skills meron ako.

Hmm. Amazing. Kaya kong ma control ang WATER,EARTH,WIND and FIRE. Wait ano itong nakalagay sa ibaba. DARK MAGIC, LIGHT MAGIC and SUMMONING SPELLS? Wow! Garabe. Oh meron pang UNIQUE SKILL? Ano kaya to? Wala naman nakalagay na kung anong klaseng skill. Dito naman tayo sa STORAGE. Whooops! Daming laman ah. May foods, infinite water bag, mga damo-damo para sa paggawa ng potions, high quality healing potions, magic bag, staff, cloak, and elf clothes. At pagkatapos umexit na ko at maya-maya lang ay gumalaw na si Elisha.

Hello Elisha.

Hello din po kamahalan.

Oh! Pwede bang huwag mo na akong tawaging kamahalan? Awkward kasi eh.

A-ano po kamaha- ay este Chiyo? Ano yung huli niyong sinabi?

Uhm. Awkward?

Wow! Ang galing-galing niyo po. Alam niyo po ba sa mga dugong maharlika ko lang po yan naririnig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Into Another WorldWhere stories live. Discover now