twelve

1.7K 36 1
                                    



Umagang umaga ay naabutan ko si bammie na nanonood ng SpongeBob sa sala katabi ang inaantok na si rose. Biglang lumabas si jisoo mula sa kusina at nginitian ako. "Good morning, Lili!"

"Good morning lala!"

"Good morning Lisa."

"Good morning." Umupo ako sa gitna ni bammie at rose. "Wala ba kayong schedule ngayon, bammie?" Inaatok kong tanong at humikab.

Parehas kaming idols at nakakatuwa dahil kahit ganon nag kakaron parin kami ng time para sa isa't isa. nakakatuwa dahil kahit parehas na Kaming sikat, Yung pag trato namin sa isa't Isa ay ganun parin simula pag kabata.

Umiling sya at inakbayan ako. He's clingy Lalo na sakin. minsan hinahayaan ko nalang. "Wala kaming ginagawa ngayon kaya naisipan kong bumisita."

"Bwimisita." Pag tatama ni rose. May topak na naman siguro 'tong si rose dahil napapansin ko panay ang pag kunot ng noo nya habang nanonood ng spongebob.

"Rose's Right." Humalikipkip si jisoo na masama ang tingin Kay bammie. "Layuan mo nga Yung jowa ko!" Hanggang ngayon pinapangatawanan nya parin na mag jowa kami. Hinahayaan ko nalang kasi ayoko naman ma-offend sya, and I'm not sure if she's serious or not.

Mang-aasar talaga 'to si bammie dahil niyakap nya ako binelatan si jisoo. Paano ko ba sila naging kaibigan? Pare-parehas silang may saltik.

Wait, Parang may kulang? "Where's Jennie?" Tanong ko bigla kaya natigilan silang tatlo. "What? Masama bang mag tanong?"

Lumingon sakin si rose. "I thought mag mo-move kana?"

"Yes mag mo-move ako, kakalimutan ko Yung feelings ko sakanya pero 'di ibig sabihin kakalimutan ko na sya ng tuluyan, dahil una parehas kami ng band, dorm at circle of friends."

"You have a point, it's just random na bigla mo syang tinanong."

"I know it's personal, but can I ask since when mo nagustuhan si Jennie?" Tanong ni jisoo.

"Since nung lumipat ako sa dorm na 'to." Tipid kong sagot at nag iwas ng tingin.

"Three years?" Tumango ako. "That's tough."

"It is." Si rose ang sumagot. "Recently ko lang din nalaman."

"Twenty years na tayong mag kasama tapos Wala akong alam sa nangyayari sayo? Kung hindi pa mismo nang galing sa bibig ni Jennie hindi ko malalaman." Nag tatampong Sabi ni bammie. Bago pa Kaming maging idols wala kaming sekreto sa isa't isa, pero natututo akong mag lihim nung napunta ako ng korea, ayoko kasing malaman nya na 'di maganda ang treatment sakin nung mga tao sa napuntahan kong company. Ayokong mag-alala sya. Staka baka pabalikin ako ni mom ng thailand. Close pa si bammie sa mom ko.

"I'm sorry, bammie. Nahihiya Kasi ako sa inyo." Nahihiya ako, dahil Hindi da't ako nag kakagusto sa babae. Si rose lang ang nakapag paamin sakin, dahil lasing ako noong mga oras na yon at masyado akong nasasaktan para pansinin yung mga sinasabi ko. Yes, aksidente na nalaman ni rose ang lahat, thankful ako na 'di nya ako hinusgahan. Pero natatakot ako kay bammie, dahil marami akong naging boyfriends, magugulat sya kapag bigla kong sabihin na nag kakagusto din ako sa babae. I considered myself as a bisexual.

"Bakit ka naman mahihiya? Lisa, parang kapatid na turing ko sayo, Hindi problema sakin yung sexuality mo."

"Thank you, bammie." Niyakap nya ko Kaya niyakap ko sya pabalik. Natatawa ko syang binatukan dahil masyadong mahigpit ang pag kakayakap nya sakin. "Puro ka talaga kalokohan at kamanyakan."

"Kamanyakan agad?" Ngumuso sya at nilipat yung channel kaya binato sya ng unan ni rose.

"So, it's true that you're trying to move on?" Nag angat ako nang tingin kay jisoo. Tumango ako bilang sagot. "if you don't mind. I can help you with that."

Nag taas ng kilay si rose. "How? Gagawin mong rebond sarili mo?"

"Duh? Of course not, pero parang ganon na nga."

"Ano ba talaga?"

"Gusto kong ibaling nya sakin ang atensyon nya."

"I don't agree."

"I didn't ask."

"Omygod, jisoo are you dumb?"

"Omygod, rose why you mad?"

"Girls!" Pag awat ni bammie. "Wag na kayong mag away, Kasi ako na mag mavo-volunteer. Lisa, I can help you."

Napa facepalmed ako, he's making the situation worst. "Enough! I would never use one of you para gawing rebound."

"But why? Ya' know I'm still curious about my sexuality, pwede kitang gamitin para i-confirm kung girls ba talaga ang gusto ko and at the same time you can use me as rebound."

"Do you know the consequences pag ginawa natin yon? Pwedeng mainlove ka sakin o mainlove ako sayo, trust me mauuwi lang lahat yon sa one sided love."

"That's true though, pero pag nainlove ako di kita sisihin."

"Pero pag ako ang na-inlove anong gagawin mo?" Natigilan si jisoo sa tanong ko. "See? Hindi ganun kadali, marami pwedeng mangyari na pwede natin pag sisihan. Please jisoo, I don't want you to get hurt at ayoko na din dumanas pa ng isang one sided love."

"I'm sorry, I just want to help you and help myself too."

"It's okey, jisoo I understand your intention but I don't agree." Pranka kong sagot kaya napaiwas sya nang tingin.

"So, what are you going to do now?" Tanong ni bammie.

"I don't know? Siguro hayaan ko nalang na mawala yung feelings ko. It will take time pero mag hihintay ako." Pinilit Kong ngumiti.

Sure it will takes time, months or even years. Pero lahat naman may process, mag hihintay ako hanggang sa isang araw mawala yung pag mamahal ko sa kanya. Na Kaya ko nang tumingin sa Mata nya ng walang pag aalinlangan at adoration.

Baka malay natin balang araw matuto din akong mag mahal ng iba. Umaasa na someday titibok din ang puso ko sa iba, pero ngayon hahayaan ko munang tumibok Ang puso ko para kanya.

Kasi kahit di ko man aminin sa sarili ko. Gusto ko parin mahalin si Jennie kahit masakit at walang nang patutunguhan ang lahat. She's the reason why I am in pain but she's also my happiness.

Pero Ipapahinga ko muna ang puso ko, Kasi masyado na 'tong pagod at wasak. Gusto kong mawala yung pag mamahal ko sa kanya, naturally, katulad nung kung paano ko sya minahal.

Clash With My Crush Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt