She just waved her hand to dismiss him. Pinagpapatuloy niya na ang pagkain nang bumalik ito sa tabi niya.

"Kiss ko?" biglang sabi nito. Binaba pa nito ang ulo sa tapat niya.

Napaatras ang leeg niya. "And why should I kiss you?" mataray na sabi niya. Pero bigla siyang nataranta sa sinabi nito.

"Ginagawa ng mag-asawa iyon. Bago umalis at pagkarating ng bahay, may kiss."

"Asawa lang kita sa papel. Remember?"

"O, sige. Friendly kiss na lang. Sa cheeks." Itinapat pa nito ang cheeks sa kanya.

"Ganoon ba iyon? May friendly kiss ba talaga?" Palibhasa, wala siyang friends. Malay niya ba.

"Oo. Iyong beso-beso. Hindi ka ba nakikipag-beso?"

"Nakikipag-beso."

"Eh di kiss mo na 'ko sa cheeks. Friends naman tayo, diba?"

Tinignan niya ito at kinunutan ng noo. "Inuuto mo ba 'ko, Mister?"

"Hindi kaya," depensa nito. "Sige na, Misis. Kiss mo na'ko. Para makaalis na 'ko."

Para matapos na lang ay hinalikan niya ito sa pisngi. Friendly kiss lang naman daw. Fine. Pagkatapos niya itong halikan sa pisngi ay kumain na ulit siya. Napapitlag lang siya nang ito naman ang humalik sa kanya sa pisngi.

"Ingat ka mamaya sa lakad niyo ng mga pinsan mo. Ba-bye!" paalam na nito habang lumalabas. Narinig niya ang pag-start ng kotse at ang pag-alis niyon.

Napahawak siya sa pisngi na hinalikan ni Johann. Pinunasan niya iyon dahil may kaunting laway.

Yuck!

Then, she remembered there 'accidental kiss' na dapat ay kinakalimutan niya na.

Napangiwi siya. Double yuck! Bakit naman niya biglang naalala iyon?

Napailing-iling na lang siya at tinapos ang pagkain. Nagligpit siya ng pagkain at saka naglinis ng lamesa. Naghugas rin siya ng pinagkainan kahit hindi naman dapat siya ang naghuhugas. Aba't nalusutan siya ng asawa niya! Ito ang paghuhugasin niya ng pinggan mamayang gabi para fair.

Maya-maya ay naligo na siya at nag-ayos. Susunduin siya ng pinsang si Lavender para sabay na silang pumuntang spa. Since, wala siyang sariling kotse dahil hindi niya puwedeng iuwi sa bahay nila ni Johann-wala kasing parking space, ayaw naman niyang mag-taxi kaya nagpasundo na lang siya sa pinsan.

By nine A.M. ay nasundo na siya ng pinsan.

"Ang cute ng bahay niyo ni Johann. Simple and small but I can sense the homey feeling," komento nito habang nagmamaneho.

"Yeah. Okay lang naman ang bungalow niya. Kung hindi niya lang ako pinaglilinis ng banyo," angal pa rin niya.

She laughed. "Is it true? Iyong text message mo sa'min na tinuruan ka ni Johann ng chores?"

"Hell, yeah! The first week of our marriage was him teaching me to do the house chores! Can you believe it?"

"Well, it's about time that you learn doing some house chores, Saphi. Sa'ting magpipinsan, ikaw lang hindi marunong kumilos sa bahay. Masyado ka kasing ini-spoil ni Lola."

She pouted. "That's not my fault." Hindi niya naman kasalanan na busy masyado ang Mommy niya na ma-inlove at hindi siya maturuan kung paano kumilos sa bahay. Ang mga pinsan niya kasi, although rich and 'sosyalin' like her, tinuruan ang mga ito na kumilos sa bahay. Ang mga Auntie niya ang nagturo sa mga ito noong mga teens pa lang sila.

Minsan nga naiinggit pa siya sa mga ito dahil may ina ang mga ito para magturo ng ganoon. Gusto niya rin namang matuto noon pero ang gusto niya ay ang Mommy niya ang magtuturo sa kanya. Hanggang sa umabot siya ng edad niya ngayon, hindi niya akalain na sa asawa niya pa matututunang gumawa ng mga gawaing-bahay.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now