Kami naman ang naghanap ng table. Pagkaupo namin todo sorry si Aera sa ginawa nito sa akin kanina. Babawi raw siya sa akin pero hindi raw niya buburahin 'yung picture.

Tinanggap ko naman ito kasi libre na raw niya ang pagkain ko. Alam talaga ng pinsan ko kung paano ako mapapalambot. Basta libre usapan papayag na ako. Sayang din 'yun, bawas gastos.

Pagkabili ng pagkain ng boys agad namin itong nilantakan. Walang nagsasalita kahit isa sa amin. Ganito kami kumakain. Wala munang imikan. Kapag kain, kain lang, walang halong daldalan.

After naming kumain ay nagpahinga at nagkwentuhan muna kami. Wala na kasing klase after break. Ganito raw every first day dito sa West Wood.

First day of school is organization day. 'Yan ang sabi sa amin ni Ms. Saadvera kanina. Need daw lahat ng student na may salihang organization. Kahit magkakaiba kayo ng strand ay ayos lang.

West Wood Academy wants to build unity with the students. Sa pamamagitan ng mga organization ay nais nilang magkaroon ng magandang samahan each student even though magkaiba kayo ng strand.

"Guys, I have a news for you," panimula ni Aera at tumingin sa akin. Parang alam ko na ang sasabihin nito.

"Lumalablayp na ang ating editor," sabay pakita niya nung picture namin kanina ni Nash.

Kinontra ko naman ang sinabi ni Aera at kinuwento ang buong nangyari. Kahit kelan talaga maissue ang pinsan kong ito. Kakabati pa lang namin, gusto niya 'ata ulit mag-away kami.

Lahat ng tainga ng aking mga kaibigan ay nasa akin lang habang nagkukuwento ako. Mga chismoso at chismosa talaga eh!

"Ang kyut n'yo dito. Ayiehhh!" tukso sa sa akin ni Coast sabay sundot sa tagiliran ko.

"Ikaw Xeidrine, hindi mo sinabi na si Master Nash pala ang iyong nais," tukso sa akin ni Keist. Master Nash?! Yuck. Saan niya ito nakuha?

"Hoy Xeidrine siguraduhin mo lang na sinapo ka lang niya kanina at hindi pinopormahan." pagbabanta ni Bal.

"Isa ka pang ano eh!" puna ko sa aking kakambal sabay batok sa kaniya. "Sinabi ngang walang namamagitan sa amin. Issue n'yo," dugtong ko sabay irap sa kanila.

"Sinisigurado ko lang. Tsaka siya din 'di ba 'yung ka-churchmate natin. At 'yung naglitas kamo sa iyo sa manyak last social experiment natin. Kaya hindi malabo." Napahilamos naman ako sa mukha sa sinabi ni Bal.

Nang usisa naman ang mga kaibigan ko sa sinabing ito ni Bal. Hindi ko pa ito nakukwento sa Sixth of Ace except kay Stair.

Napilitan tuloy akong ilahad sa kanila ang mga naganap mula noong una kong nakita si Nash. Hindi ko na masyadong dinitalye ang mga pangyayari. Mauubusan na ako ng laway kakakwento simula pa kanina.

"Isa lang ang ibig sabihin nito," Coast said after I finished telling the story.

"Ano?"

"DESTINY KAYONG DALAWA! AYIEHHH!" wika nito at kinilig na para bang sinasaniban na naman ng masamang espiritu.

Napa-face palm nalang ako. Wala na akong magagawa sa mga ito. Malala na sila. Lahat nalang ini-issue. Hindi ko alam kung kaibigan ko pa ba sila o mga issue maker na.

Napatigil kami sa pag-uusap magkakaibigan at bumalik sa dati si Coast ng may nagsalita sa intercom. Nakalagay ito sa ceiling sa may gitnang bahagi ng canteen. At nalipat na rito ang aming usapan.

"Calling all the attention of the students. The tribes are now open. You can now choose where you want to belong in."

Napakunot naman ang aking noo. Anong tribe ang sinasabi nito? Isa ba itong kulto or what?

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now