Tumahimik nalang si Coast at hindi na muling nagtanong. Nag-aya na si Keist na kumain upang mawala raw ang init ng ulo namin. At ganun nga ang ginawa namin.

Habang naglalakad papuntang canteen, napatigil kaming anim sa paglalakad. Mayroon kasing grupo ng mga estudyante na lumapit sa amin.

"KYAAAHH! Mga Ate, Kuya, hindi ba kayo po ang Sixth of Ace?"

"Ang pogi n'yo po Kuya Keist sa personal! Pati na rin po kayo Kuya Axti at Stair. Kenekeleg eke!"

"Kayo rin po Ate Coast, Aera and Ate Xeidrine! Ang gaganda n'yo po! Whahhahahah!"

"Fan na fan po kami ng vlogs ninyo! Lagi namin itong inaabangan!"

"Pwede po ba magpapicture?"

Sunod-sunod na sabi nila. Nabigla naman kami. Yes, vloggers nga kami but hindi pa gaanong kasikat. Kaya nagulat ako na kilala pala nila kami.

Pinagbigyan namin sila, sino ba naman kami para tumanggi hindi ba? Nakakataba ng puso kahit na hindi pa kami gaanong sikat ay naa-appreciate nila kami. 'Yung ibang tao kasi ngayon, kapag hindi sikat balewala lang sa kanila.

Napawi rin ng kaunti ang inis ko dahil sa kanila. Isa rin sila sa dahilan kung bakit ako sumasaya. Nang matapos kaming mag-picture, ngumiti sila ng malaki sa aming lahat at nagpasalamat.

"Thank you po!" wika nilang lima.

"Ang babait ninyo po. Hope to see you again."

"Welcome. Huwag kayong mag-alala magkikita pa rin tayo." nakangiting saad ko.

Bago sila umalis nagpahabol pa sila ng yakap kina Keist, Axti at Stair. Crush na crush nila 'yung tatlo. Kakaiba rin ang mga charisma ng mga kaibigan kong ito.

Pinipigilan kong matawa kay Axti. Halatang nagpipigil na rin sa isang babae. Hindi siya halos makahinga sa ginawa nito eh. Kilala ninyo naman si Axti laging may toyo.

Pagkaalis nung lima, hindi ko na mapigilang matawa ganun na rin sina Coast. Pulang pula ang mukha ni Axti. Parang kinakapos sa paghinga. Ang tindi kasing yumakap nung isang babae.

Ininis din namin siya dahil dito. Masasabi kong medyo nawala ang pagkairita ko sa nangyari kanina, pero may tampo pa rin ako kay Aera.

"Manahimik kayo riyan!" sigaw sa amin ni Axti. Hindi pa rin kami tumigil, bagkus nakisali na ring tumawa sina Bal.

"'Yung mukha mo kasi parang kamatis! Taba pa ng pisngi mo. Oink oink!" pang-iinis pa ni Coast sabay pisil sa pisngi ni Axti na hanggang ngayon ay patuloy sa pamumula. Kahit kailan talaga 'tong si Coast. Siya ang laging nagpapa-transform kay Axti into Monster.

Sinamaan siya ng tingin ni Axti ngunit hindi ito nagpatinag. Lalo niya itong inasar--- namin pala dahil nakisama kaming lahat para lang asarin siya. Minsan trip na trip din namin itong kaibigan naming ito.

Masayang inisin dahil mabilis mainis.

Kawawang lalaki, kinapos na nga sa kakayakap nung babae,  inaasar pa namin. Hindi na kinaya ni Axti ang pang iinis kaya nag walk out nalang ito.

Wala na naman sa mood si Axti. Ganiyan siya eh. Kapag inaasar siya either sisigawan ka nito or mag-wa-walk out siya.

"Lagot kayo! Ginalit n'yo na naman si Monster Axti!" Keist said.

"Whatever. Tara na nga. Sundan na natin 'yung monster," bwelta ni Aera.

Pansin ko lang, hilig ni Axti ngayong mag walk out. Ewan ko ba sa lalaking 'yun. Laging wala sa mood.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NANG mahabol namin si Axti, dumeretso na kami sa canteen. Ang mga lalaki ang bumili ng aming mga pagkain. Bad trip pa rin si Axti at ayaw raw nitong makita ang pagmumukha nina Coast at Aera.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now