N. C. Waquin

Pamilyar sa akin ang Waquin. Parang may kakilala ako na ito rin ang apelyido. Hindi ko lang matandaan kung sino. Nakaroon pa tuloy ako ng utang na loob sa isang taong 'di ko pa lubusang kilala.

Muling pumasok sa aking isipan ang mga pangyayari noong ako'y kanyang iniligtas. 'Yung kakaibang titig niya sa akin na para bang may sinasabi ang kanyang mga mata.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nagbibigay ng meaning sa titig ng lalaking iyon oh ano. Ilang beses ko itong pilit na kinakalimutan ngunit hindi ko magawa.

How can I forget those gray eyes that give me an uncomfortable feeling? He's just a stranger but I am confused right now because of him.

Ang sabi nila Aera kanina baka isa raw ang lalaking iyon sa mga student patrol na siyang nagpapanatili ng kaayusan sa school. Sila ang taga-saway sa mga pasaway na estudyanteng lumalabag sa school rules and regulations.

Pagkaalis noong nagligtas sa akin tsaka pa lamang sila dumating. Nahuli raw sila sapagkat medyo malayo ang spot na pinagtataguan nila. Tsaka napakarami raw na estudyante sa daan at kaya hindi sila nakaresponde kaagad. Buti na nga lang daw ay may nagligtas sa akin.

Isinantabi ko muna ang pag-iisip ko sa nangyari at ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-e-edit ng vlog namin. Hindi ko namalayan ang oras. Mga ala-una na pala ng madaling araw nung ako ay natapos. At dinapuan na rin ako ng antok.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NAPAMULAT ako ng may malamig na bagay na dumampi sa aking mukha. Bumungad agad sa akin ang mukha ni Bal na may hawak na tubig. Halatang kakagising lang din niya.

"Bal, Bumangon ka na riyan tulog mantika."

Hindi ko siya pinakinggan at sinubsob ko ang aking mukha sa unan. Inaantok pa ako. Ilang oras pa lang ako nakatulog.

"Hindi ka babangon?" Inis na tanong niya sa akin. Mukhang kanina pa ata ako ginigising nito ngunit hindi ko siya inimik.

Bigla akong binuhat ni Bal papuntang banyo. Ibinaba nya ako sa sahig. Hindi ko siya pinansin at pumikit ulit.

Nakarinig ako ng tunog ng umaagos na tubig at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang malamig na tubig sa dumadaloy sa aking katawan.

"Ang lamig! Bwisit ka Alextair Phythos Monteasul!"

"Siguro naman ay gising ka na ngayon?" Pinaghahampas ko siya at inagaw ko ang tabong hawak niya at binasa ko rin siya. Hinubad ni Stair ang basang basa niyang damit.

"Argghh! Maligo ka na nga," he commanded

"Ayoko nga. Ang lamig ng tubig!"

"Magsisimba pa tayo. Ako muna ang maluluto. Bilisan mo riyan!"

Sinarado nito ng malakas ang pintuan. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Mahirap na baka mag-away kami ng tuluyan. Si Stair ang patunay na totoo ang kasabihang 'Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.'

Mahirap inisin si Stair kapag bagong gising siya. Matatakot ka na lang sa kaniya. Pero dahil sa napakakulit kong kakambal lagi ko siyang iniinis. Tumitigil na rin ako sa pang-iinis kung alam kong uusok na siya sa galit. Gaya ngayon.

Binilisan ko na lang ang paliligo at paglabas ko ng banyo inabutan ko si Bal na nakahubad pa rin at mukhang tapos na siyang magluto.

Napatingin ako sa hinanda niyang pritong itlog at hotdog. Ito lang kasi ang kaya niyang lutuin. Ako talaga ang taga luto sa aming dalawa. Tinanghali lang talaga ako ng gising.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon