Panacea 14.0

18 1 0
                                    

Bilangin Mo

Isa... Dalawa... Tatlo...
Sabay-sabay na nagsituluan ang mga luha ko,
Pagkatapos lumagapak ang mga mabibigat mong palad sa aking pisngi,
Na sinuklian ko ng malapad ngunit halata namang pekeng ngiti.

Apat... Lima... Anim...
Ang aking paningin ay nandidilim,
Ang aking ulo'y palagi ng sumasakit sa palagian mong panghahampas nito,
Ang dami ko ng iniindang sakit, hindi gantong buhay ang ninanais ko.

Pito... Walo... Siyam...
Hindi ko maiwasang magdaramdam,
Lalo na sa mga oras na ganito.
Wala man lang ni isang marunong umintindi sa akin,
Sa halip ay dumagdag pa sa aking iisipin.

Sampu...
Sa mga paulit-ulit mong mga salita, ako'y naliliyo,
Hanggang salita ka nalang ba?
E, wala ka nga ring nagawa at ginagawa.

Labing-isa...
Matitiis ko kaya ang lahat ng pasakit na ito nang mag-isa?
Ang hirap pero kakayanin ko... siguro?
Hindi ako sigurado.

Labing-dalawa...
Butil-butil na ng luha ang lumalabas sa aking mga mata,
Pisikal, emosyonal na sakit ang lagi kong nadarama,
Pakiramdam ko'y hindi ko na ito makakaya.

Labing-tatlo...
Nasaan na kayo?
Hindi niyo nga alam na ganito na ang pinagdadaanan ko,
Nais ko na sanang sumama sa Kanya at mamuhay nang mapayapa gaya ng matagal ko ng inaasam.☺

PanaceaWhere stories live. Discover now