Panacea 6.0

63 4 0
                                    

Free verse:

Bumibitiw

Sa bawat linggo na tayo'y magkasama
Nararamdaman kong sumusuko ka na
Wala na ba talagang pag-asa?
Na muling ibalik ang dating pagsasama.

Sa bawat araw na ika'y kapiling
Lagi ka na lamang umiiling
Iniilingan mo ang aking mga hiling
Kaya naman lagi akong nagpapakalasing.

Sa bawat oras na magkalapit tayo
Tila nakikipagkarerahan ang aking puso
Pero tadhana talaga'y mapaglaro
Pilit tayong ipinaglalayo.

Sa bawat minuto na ika'y titingnan
Ako'y sobrang nasasaktan
Na ikaw ay may ibang sinasamahan
Kaya hindi ko na kaya itong aking nararamdaman.

Sa bawat segundong nagdaan
Gulong-gulo na ang aking isipan
Maaari bang puso'y palitan?
'Pagkat ako'y labis ng nasaktan.

Laging nagtatalo ang aking puso't isipan
Dahil sa bigat ng problemang pinapasan
Kaya nais na kitang bitawan
At mula ngayon ika'y aking papakawalan.

Panaceaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن