Panacea 1.0

74 6 1
                                    

Free verse:

Paalam

Unang kita ko palang sa'yo
Tila nakahinto ang aking mundo
Bumilis bigla ang tibok ng puso
Lalo na nang mapatingin ka sa gawi ko.

Napako ako sa aking kinatatayuan
At ang hirap igalaw ng aking katawan
Akala ko ako ang 'yong tiningnan
Pero iyon pala'y aking kaibigan.

Lumipas ang mga araw
Nabalitaan kong kayo na raw
Ang hirap tanggapin
At napakasakit sa damdamin.

Nalulunod na ako sa pagmamahal sa'yo
Kaya naririto ako nahihirapan nang husto.
Pasaway talaga ang puso ko
Nagmamahal ng maling tao.

Sa tuwing nakikita ko kayo
Paulit-ulit na sinaksak ang aking puso
Kaya gusto ko ng lumayo
Namamaalam na ako sa'yo.

PanaceaWhere stories live. Discover now