Chapter 48| Past

124 10 0
                                    

Kaizar's POV

"Ugh. I'm wasting my time. Why am I asking you anyway." Pumasok na siya ng gate. Habang ako, naguguluhan parin. Kaya sumakay ako sa kotse ko. Kailangan malinaw ang lahat.

Naka dating na rin ako sa company nila tito at tita Lanna. Pumunta ako sa front desk. "I want to talk to Mr. and Mrs. Lanna. Tell them this is very important." Sabi ko sa babae. "Wait lang po, Sir," Nag nod naman ako "Hello, someone wants to talk to Mr. and Mrs. Lanna." Sabi ng babae.

"Sir, what's your name po?" Tanong ng babae. "I'm Kaizar, Kaizar Lino." Sabi ko. "Kaizar Lino daw ang name," nag hintay ako ng mga 10 seconds, "Sige po, Sir. That way po." Sabi ng babae. Pumunta naman ako sa elevator. Pinindot ko ang 30th floor. Which is yung floor kung saan yung main office ng CEO, sila tito and tita.

And naka rating na rin ako.

"What is it, Kaizar?" Sabi ni tita, "By the way, your tito is not here. May business trip siya. What can I help you?"

"Bakit hindi po alam ni Cember na ako yung naging dahilan kung bakit nagka-amnesia siya?" Tanong ko kay tita. Bigla naman lumaki ang mata niya.

"Look, eto lang ang tanging paraan para di siya magalit sayo ng sobra."

"Tita, you don't have to protect me. I can handle the pain."

"Kaizar, hindi lang naman ikaw ang masasaktan. Pati na rin ang lahat. Sila Kylie, lalo na ang aking anak. And I don't want that to happen."

"But tita, that was years ago. Matagal na yun. I'm sure kapag nalaman ni Cember yung dahilan kung bakit siya nagka-amnesia, she will understand it."

"I'm her mother, you can't decide kung ano ang makaka buti sa anak ko. And to be honest, gusto ko naman talaga malaman ni Cember ang lahat. Na sinaktan mo siya, pero I don't want her to get hurt."

"But why, tita?"

"Kaizar, just shut your mouth, wala kang sasabihin kay Cember. I need to go to my meeting. Please try to understand us."

Umalis na si tita.

---

Cember's POV

Napaka weird talaga ng mga nangyayari ngayon. Naka uwi na ako ng bahay. Na sa room na ako ngayon, doing nothing.

Iniisip ko parin kasi yung tungkol sa amnesia ko. Oo nga pala...nawawala yung paper kung saan naka sulat lahat ng kailangan ko para sa Friday. Nakalimutan ko na may project pala kami. Hayst.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ako sa maids quarter. "Manang, nakita niyo po ba yung papel na naka lagay sa table ko?" Tanong ko. "Halika, papakita ko sayo kung saan." Pumunta na kami sa kwarto ko.

May binuksan si manang na drawer. "Eto oh." Sabi ni manang. "Thank you po." Sabi ko, lumabas na si manang ng kwarto ko. Kinuha ko na yung papel. Ano meron sa drawer ko na toh? Ang dami ko kasing drawer eh. Na sa pinaka bottom yung binuksan ni manang.

Isasara ko na sana kaso may nakita akong notebook. Kinuha ko ito. Pag bukas ko sa first page, naka sulat "diary" wait, kanino tong diary na toh, wala naman akong sinusulat na diary dati ah.

Nilipat ko sa 2nd page. Handwritting ko toh ah. So, nag susulat na pala ako ng diary dati pa. So weird. HAHAHAHA!! Binasa ko kung ano ang naka sulat sa diary.

Dear diary,

        Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ang dami-daming babae dito sa mundo, pero bakit bestfriend ko pa ang nagustuhan ni Kaizar? Bakit kailangan si Kylie pa? Sabi saakin ni May, pati daw si Kylie may gusto kay Kaizar. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. BAKIT? Wala naman sinasabi saakin si Kylie. Alam kong may gusto si Kaizar kay Kylie, ang hindi ko alam, may gusto din pala si Kylie kay Kaizar. Ayaw ko na......i give up.

Biglang sumakit ang ulo ko...

---

Past...

Nag lalakad ako sa hallway ngayon. Paakyat ako ng stairs, papasok na sana ako ng classroom pero bigla kong narinig ang boses ni Kaizar. Nakita kong may kausap siyang babae. At kausap niya si Kylie. Ano meron?

"Kylie, I like you." Ouch...

"Kaizar, I'm sorry but I don't like you. May iba akong gusto." Sabi ni Kylie.

"Si Sean?" Nakita kong tumango si Kylie. "Sabi na nga ba. Bakit si Sean? Bakit hindi nalang ako?" Halata sa boses ni Kaizar na paiyak na siya.

"Magka-iba kayo ni Sean, Kaizar."

"Pero Kylie, I won't stop until you like me back."

"That would never happen."

"Kylie, please. Give me a chance. I will prove it to you." Umiiyak na si Kaizar...

"Kaizar, your just my friend. At hanggang doon nalang yun. Wag ka nang makulit. Tigilan mo na rin ako. Hindi kita gusto. Kasi si Sean ang gusto ko."

"Ano bang meron kay Sean na wala ako? Bakit hindi mo magawa na gustuhin din ako? Bakit pinapa-bigay mo sa iba yung mga binibigay ko sayo?"

"Simple, because I don't like you. How many times do I have to tell you?" 

"Ang sakit. Ang sakit-sakit."

Biglang may tumawag sa phone ni Kylie at sinagot niya ito. "Hello, Sean?" Sabi ni Kylie. "Uhm, yes, I'm here at the classroom. See ya."

Umupo na si Kylie sa pinaka likuran kung saan kaming umuupong apat. Pumasok na ako ng classroom. Biglang pinunasan ni Kaizar yung mga luha niya.

Nag weak smile siya saakin. Di ko nalang siya pinansin at umupo na ako sa tabi ni Kylie.

"Hi, Cem." Sabi ni Kylie. Ngumiti nalang ako sakanya at tumingin na ulit ako sa harapan. Pumasok na yung iba naming mga classmates, pati na rin sila Sean.

"Yow Kaizar, hinahanap ka namin, nandito ka lang pala." Sabi ni Sean. "Ahh, oo." Matipid na sabi ni Kaizar.

Pumunta si Sean kay Kylie. "Kita kits tayo mamaya sa likod ng school, Kylie." Sabi ni Sean. "Sure." Sabi naman ni Kylie.

Hayst. Grabe, I like Kaizar, Kaizar likes Kylie, Kylie likes Sean, ang Sean likes Kylie. Kaya wala talagang pag asa si Kaizar kay Kylie dahil mag coconfess na si Sean mamaya kay Kylie...

He's BackWhere stories live. Discover now