Chapter 33| The Breakup

149 15 0
                                    

Cember's POV

"Cember! Gising ka na!" Nagising ako dahil sa sigaw ng aking ate. Ugh! "Bakit ba?! Saturday ngayon ate! Doon ka na nga muna. Matutulog pa ako eh." Sabi ko habang naka pikit.

"Hoy, alam kong Saturday ngayon. May bisita ka kasi!" Sabi ni ate. Napa dilat naman ako. "For sure sila Kylie nanaman yan. Sabihin mo sakanila mag hintay nalang muna sila. Kahit kailan talaga tong mga toh, ang aga pumupunta sa bahay." Sabi ko.

Pumikit ulit ako. Kaso, sinampal ako ni ate. Kaya napa upo ako.

"Ano?!" Naiirita kong sabi.

"Uhm, balik nalang ako kung ganun. Sorry kung maaga akong pumunta dito." Nagulat naman ako sa nakita ko.

"Peter?!"

"Sige, labas muna ako." Sabi ni ate.

"Uhm, sige, matulog ka na muna. Babalik nalang ako mamaya." Sabi niya, lumabas na siya ng kwarto ko.

Oh. My. Gosh.

Bumalik na si Peter!

---

"So, kamusta ka, Peter?" Tanong ni Sean. Sabi kasi ni Peter na mag meet kami lahat sa Starbucks eh.

"Okay lang naman. Namiss ko yung girlfriend ko ng sobrang-sobra." Sabay tingin saakin.

"Uhm, Peter, di mo ako girlfriend. At hindi rin kita boyfriend." Sabi ko.

"Ha? Ano bang pinag sasabi mo? Diba nag 'yes' ka??" Sabi ni Peter.

"I'm sorry. Pero ginawa ko lang naman kasi yun kasi ayaw kita masaktan." Sabi ko.

"So sa tingin mo hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo ngayon?"

"Peter. Tama na. Pinag bigyan naman kita ah. Pero kasi wala naman akong feelings para sayo."

"Bakit?! Dahil ba toh sa Kaizar na toh?! Kaya nag bago ka?! Siguro nung wala ako, palagi kayo yung mag kasama noh?!" Napa tayo si Peter sa kinauupuan niya.

"Tama na, Peter! Wag mo siyang sigawan!" Napa tayo rin si Kaizar.

"Bakit?! Totoo ba?!" Hinawakan ni Peter yung damit ni Kaizar.

"Peter! Tama na!" Sigaw ko. Kaya tinanggal niya yung kamay niya sa damit ni Kaizar.

Lumabas na ako ng Starbucks, pati na rin sila Kylie. Pero yung boys naiwan sa loob. Hayst!

The next day...

Text: Kaizar

Cember: Kaizar, pwede ba tayo mag kita?

Kaizar: Uhm, sure. Saan?

Cember: Sa garden, sa school.

Kaizar: Okay.

Nag ready na ako. May pasok rin kasi ngayon.

School...dismissal...

"Bakit?" Tanong ni Kaizar.

"Sorry sa nangyari kahapon ah. Nadamay ka pa."

"Psh. Ano ka ba, okay lang noh. Di ko rin kasi gusto na sinisigawan ka niya."

"Salamat ah. Dahil, palagi ka nandyan."

"Haha! So ayun lang ba gusto mo sabihin?"

"Nag mamadali ka ba?"

"Hindi, ano kasi, may...uhm, sige, continue."

"Haha! Nababaliw ka na."

"Ano ba yun?"

"Gusto kong malaman mo na, gusto kita, dati pa."

"Ganun ba? Okay. Sige, kailangan ko nang umalis. Hinihintay na ako ng parents ko."

Bigla siyang nag lakad papalayo.

"Bakit parang iniiwasan niya ako?" Bulong ko sa sarili ko.

"Muhkang, may problema kayo ni Kaizar ah." Napa tingin ako sa likod ko. Nandito pala yung squad.

"Kanina pa kayo dyan?" Tanong ko sakanila.

"Oo. So umamin ka na, na gusto mo siya. Pero bakit ganyan siya?" Sabi ni Lexi. "Di ko nga rin alam eh. Ang sunget niya." Sabi ko.

Umalis na kami ng school.

Pag dating ko sa bahay, bumungad agad saakin sila ate.

"Bakit?" Tanong ko.

"May bihis ka na. Celebrate tayo ng birthday ng kuya mo." Sabi ni ate. Oo nga pala, birthday ni kuya ngayon. Nakalimutan ko. Shocks.

Agad akong nag bihis.

Nandito kami sa isang restaurant. Papasok palang kami, pero pag pasok namin, nakita ko sila Maine at yung parents niya. Kasama yung, parents ni Kaizar?!

Nagulat naman ako dahil nakita ko si Kaizar, kakagaling niya lang siguro sa CR.

Teka! Ano pinag-uusapan nila?!

"Uhm, pwede bang sa iba nalang tayo, Ma?" Bulong ko.

"Ayaw mo ba dito?" Tanong ni Mama.

"Ayaw ko po eh. Kasi, ilang beses na ako nakakakain dito. Kasama yung mga kaibigan ko. Sa iba nalang tayo." Sabi ko. Hinila ko si Mama palabas.

"Bakit ba ayaw mo dun, Cember? Ikaw ba may birthday?" Sabi ni ate.

"Sa iba nalang kasi." Sabi ko.

Kaya sa iba nalang kami kumain. Ayaw ko kasi doon eh. Lalo na nandun yung kalaban namin at si Kaizar.

Bakit nga ba nandun si Kaizar? Pati yung parents niya? Tapos andun pa yung family ni Maine pati na rin yung kay Kaizar. Haysh!

---

"Seryoso?!" Gulat na tanong nilang apat.

"Oo. Kitang-kita ng dalawa kong mata." Sabi ko naman.

"Akala ko ba di na sila nagpapansinan?? Akala ko wala na silang connection." Sabi ni Iella.

"Yun nga eh. Yun din ang alam ko." Sabi ko.

"Sige, mamaya nalang natin pag-usapan. Padating na yung boys eh." Sabi ni Kylie. Napa tingin naman ako sa likod ko. Oo nga, nag lalakad sila papunta saamin.

"Hi girls!" Sabi ni Sean.

"Hi." Sabi ni Kylie.

"Okay ka lang Kylie?" Tanong ni Sean. "Oo naman." Sabi naman ni Kylie.

"Balita ko, may camping tayo ah." Sabi ni Theo. Nagulat naman si Kaizar nung narinig niya yun.

"Seryoso?" Tanong ni Kaizar.

"Di ka ba updated? Hindi mo ba tinignan yung announcement board kahapon bago ka umuwi?" Sabi ni Gab. "Hindi, nag mamadali kasi ako kahapon." Sabi ni Kaizar.

Dahil kay Maine. Tsk.

"Cember, gusto mo sabay tayo mag lunch?" Tanong ni Kaizar saakin. "Lunch mo muhka mo. Sige na, mauna na ako sa classroom." Sabi ko. Nag lakad na ako papunta sa classroom.

Kaizar's POV

"Ano nangyare dun?" Tanong ko sakanila. "Uhm, wag mo na muna yun intindihin. Wala lang siya sa mood." Sagot ni Kylie. "Tara na, baka malate pa tayo." Sabi ni Sean.

Nag lakad na kami papunta sa classroom.

"Cember, wag ka naman mag pahalata." Narinig kong binulong ni Kylie kay Cember iyon.

Wag ipahalata ang alin???

Naguguluhan ako.

Ano na ba ang nangyayari??

Try ko nga kausapin yung Cember na yun mamayang lunch.

He's BackWhere stories live. Discover now