Chapter 13| Afraid

212 13 2
                                    

Kylie's POV

Nag CR lang kami ni May, sila Cember, Iella, at Lexi nauna na sa mga lockers. May kukunin lang daw kasi sila.

Lunch na kasi eh...yiieepeeyy!!

Nag-kwekwentuhan kami ni May, biglang may pumasok sa CR habang tinatawag yung pangalan ko. Sila Iella....

"Bakit?" Tanong ko.

"May bubble gum sa handle ng locker mo." Sagot ni Iella.

"Ano?!" Gulat kong tanong.

"I'm sure sila Faira ang gumawa nun." Sabi ni Lexi.

"Wala namang ibang gagawa nun kundi sila Faira eh." Sabi naman ni Cember.

Humanda talaga saakin yung walang kwenta na babae na yun!

Nag-lalakad kami ngayon. Tumigil ako kasi mag-tatanong ako kung asan yung Faira na yun. "Asan sila Faira?" Tanong ko sa isang istudyante. "Na-na sa ca-canteen." Nauutal niyang sagot.

Agad naman kaming nag-lakad papunta sa canteen. Tama nga siya, nandito lang ang mga walang kwenta. Tsk.

Lumapit kami sakanila. Natatawa ako, kasi habang papalapit kami kela Faira, eh na-nginginig si Maine. Tsk, takot ata toh.

"Faira!" Sigaw ko.

"Ano kailangan mo?"

"Ikaw ba yung gumawa nun?!" Galit kong sabi.

"Ano bang pinag-sasabi mo?!"

"Tsk. Wag ka na mag-kunwari pa! Baka gusto mo maka-tikim!"

"Tss." Agad ko siyang sinampal at sinipa sa tiyan. Napaka-higa naman siya sa sahig. Bigla nagsi-tayuan ang mga kaibigan niya. Tinulungan si Faira.

Bigla naman sumugod si Iella sakanila, pati na rin kami. Saakin si Faira. Sinipa-sipa ko siya. Dahil sa sobrang galit ko, tinodo ko ang pag sipa kay Faira.

May ginawa ako para mabalian siya sa paa niya. And mission success. Naiyak siya sa sobrang sakit.

"Ano?! Lalaban ka pa?! Wala ka naman palang kwenta eh!" Sabi ko sakanya. Tinignan ko naman sila Iella, halos maiyak na din ang mga kaibigan ni Faira.

"Sus. Easy." Sabi ni Iella habang naka smirk.

"A5, tara na. Baka masayang pa yung oras natin sa mga walang kwentang mga toh." Tumango nalang sila at sumunod saakin.

Dahil dun, wala na kaming time para kumain ng lunch. Nakakainis! Gutom na gutom tuloy ako ngayon.

Na sa likod kami nakaupo. Math namin ngayon, which is super boring!

Katabi ko ang mga kaibigan ko. "Iella, labas tayo. Gutom na talaga ko eh, di kasi tayo nakakain dahil sa mga walang kwentang yun." Pabulong kong sabi kay Iella.

Tumango nalang si Iella. Tinanong ni Iella sila May pero sabi nila mamaya nalang daw sila baka kasi mahalata kami.

Dumeretso kami ni Iella sa canteen. Kumain kami, pero mabilisan lang. Nung tapos na kami kumain, babalik na sana kami sa classroom...kaso.........

Yung principal namin..........

"Kylie and Iella?" Napatingin naman kami sa principal namin. Oh no. Nahuli kami...

"Ye-yes ma'am?" Tanong namin ni Iella.

"Bakit nandito kayo sa canteen? Don't you know na tapos na ang lunch?"

"Ma'am, kasi, di po kami nakakain." Sagot ko. "Fine, pag bibigyan ko kayo. Pero sa susunod na gawin niyo yan, pupunta kayo sa office ko." Umalis na si ma'am principal.

Grabe, kinabahan ako dun. As in.

"Muntik na tayo dun." Sabi namin ni Iella ng sabay. "Tara, CR muna tayo." Sabi ko, pumunta kami sa CR.

Di namin inaasahan na nandito si Faira pag pasok namin ng CR. Nag tinginan kami ni Iella. Alam na this. WAHAHA!!

Pumasok kami ni Iella sa CR. Nagulat naman si Faira na may kahalong takot at kaba. Nilock ni Iella yung pintuan.

"Bakit niyo nilock yung pintuan?! Lalabas na ako!"

"Kung kaya mo." Sabi ko sabay smirk. "Right timing pala ang pag labas natin, noh Kylie?" Sabi ni Iella. "I know right." Sabi ko naman.

Sasabunutan na sana ako ni Faira kaso inunahan ko na siya, sinipa ko siya at napa-higa siya sa sahig. "Yack! So kadiri! Alam niyo bang ang dumi-dumi ng sahig?!" Naiinis niyang sabi.

Nakaka-ilang sipa na ako sakanya. Pero I don't think that's enough.

Tumayo agad siya. "Actually, mas malinis pa nga yung sahig kesa sayo eh." Sabi ko.

"Excuse me! Napaka-linis ko kaya. 100 times kaya ako naliligo sa isang araw! Di katulad niyo! Sa isang araw, isang beses lang kayo naliligo!"

"Talaga ba? Kaya siguro 100 times ka naliligo sa isang araw kasi sobrang dumi mo. Kami, kahit di na kami maligo, malinis pa rin kami. Di katulad mo. Haha!" Sabi ni Iella.

"Ako?! Madumi?!" Sasampalin niya na sana si maknae, kaso napigilan ko si Faira at sinampal naman ito agad ni Iella. "Napaka bagal kasi kumilos. Sasampalin na nga lang di pa magawa. Ano ka ngayon?! Matapang ka lang kapag kasama yung mga walang kwenta mong kaibigan eh! Pag mag-isa ka lang pala, weak ka. Halata ka pang kinakabahan. Haha!" Sabi ko.

"Dalawa kaya kayo! Eh ako?! Mag-isa lang! Duh!"

"Kahit one on one pa tayo, wala ka paring laban. Tsk. Di ka nga marunong mag martial arts eh, baka naman, gusto mo, turuan ka namin? Para naman kapag nag-away tayo, eh makaka-laban ka na." Sabi ko.

"No thank you!"

"Naku, wag na Kylie. Baka abutin pa tayo nan ng 10 years bago niya matutunan ang martial arts. Eh yung lesson pa nga lang natin, nag-papaturo pa siya sa mga classmates natin. Martial arts pa kaya." Sabi ni Iella.

"Ayy oo nga noh. Baka masayang lang ang oras natin sa walang kwenta na toh. Di na nga marunong lumaban, di pa matalino. Ano ka ngayon? Bopols lang. Haha!"

"Parehas sila ng mga walang kwenta niyang kaibigan na bopols sa lahat. Haha!" Nagtawanan kami ni maknae. Di na nakapag-salita si Faira kasi tumunog na yung bell.

What?! Dismissal na?!

"Tara na nga, Kylie. Dismissal na, wala naman tong laban eh." Tumango nalang ako kay maknae at lumabas na kami ng CR.

Pumunta kami sa classroom para kunin yung bag namin.

Wala na yung ibang classmates namin, pati na rin yung teacher namin. Nandito nalang yung mga ka-squad namin.

"Grabe, ang saya nun noh?" Sabi ko. Nag-appir kami ni Iella. "Ano nangyare? At tsaka bakit ang tagal niyo sa labas? Sabi niyo kakain lang kayo ng mabilisan at babalik na kayo. At tsaka, ano yung masaya?" Tanong ni May.

"Nakasalubong kasi namin si Faira. Sakto, mag-isa lang siya. Kaya ayun." Sabi ko.

"Sayang wala ako!" Sabi nilang tatlo. Tumawa nalang kami, lumabas na kami ng classroom. Tumambay muna kami sa Starbucks. Hihi.

Ang saya ko talaga ngayon. Nakabawi na din ako sa wakas sa babae na yun! Pero take note, di pa rin yun enough.

Yes!

He's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon