15 ~ Video

275K 7.8K 2.6K
                                    



CHAPTER FIFTEEN

THINKING about her monthly period is very stressing. Kaya marahil hindi siya dinadatnan pa ay masyado siyang nag-iisip, sabayan pa ng nalalapit na final exam nila kaya mas na-busy siya ng husto para sa paghahanda.

"Why you didn't answer my phone calls?" Bungad sa kanya ni Zyron nang salubungin siya. "I'm worried."

Humugot ng hangin sa dibdib si Jean para kontrolin ang iritasyon. Ang bigat bigat ng pakiramdam niya, pagod na pagod siya buong araw. Hindi niya rin gusto ang bungad sa kanya ng kasintahan.

"Marami kaming ginawa kanina. Hindi ko na napansin na tumatawag ka pala."

Ang mga mata nito ay naninimbang, ilan sandali siyang pinagmasdan bago marahan na kinuha ang kamay niya, hinila siya palapit dito.

"Ayos ka lang ba?"

Umiling siya. Kailanman ay hindi niya inilihim kay Zyron ang labis niyang pag-iisip sa pagdating ng monthly period niya.

"Napapagod ako. Gusto ko ng umuwi para makapagpahinga."

Zyron nod his head. Kinuha nito ang bag niya at hawak kamay na naglakad sila papunta sa sasakyan nito.

Sa sobrang pagod ay hindi niya na rin napigilan na matulog sa byahe. Naalimpungatan lang siya nang huminto na ang sasakyan, sa Isla.

Zyron was the one who unbuckled her seatbelt. Tahimik ito na nakamatyag sa kanya, na para bang may gustong sabihin pero pinipigil lang dahil baka mainis na naman siya.

Pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayan siyang makababa, ito na rin ang nagdala ng bag niya hanggang sa bahay nila.

"O, bat parang namumutla ka, apo?" Puna sa kanya ng Lola Rosita matapos siyang magmano.

"Pagod lang po, la. Ang daming ginagawa sa eskwelahan, malapit na po ang finals namin."

Even her grandmother noticed her mood. Gustuhin niya mang isawalang bahala ang pag-iisip sa pagdating ng monthly period niya, hindi niya talaga maiwasan.

Umaabot pa sa punto na sa tuwing umaga ay tinitignan niya ang panty niya kung may dugo na, kaso palagi siyang bigo. Kaya tuloy matamlay palagi ang bungad ng araw sa kanya.

"Oo nga pala. Malapit na rin ang sembreak, makakapagpahinga ka na. Konting tiis nalang, apo."

"Opo," Pinilit niyang ngumiti. "Pahinga muna ako, la, ha?"

"Sige. Gigisingin nalang kita kapag kakain na."

Tinignan siya si Zyron na tahimik lang, naghihintay na pansinin niya.

"Matutulog muna ako. Ikaw?"

"Babantayan kita."

Narinig niyang natawa ang lola Rosita niya na may hinihimay na gulay sa lamesa. 'Yon siguro ang ulam nila mamayang gabi.

"Ano ba ang tawag dyan, Zyron? Clingy ba? 'Yung panay ang lapit at dikit sa kasintahan."

Napanguso siya, lalo at nang tignan niya si Zyron ay napakamot ito sa kilay. Oo nga 'no, mas mahilig dumikit at lumapit ang kasintahan niya kesa sa kanya.

"Opo, la. Clingy 'to si Zyron, e. Akala naman mawawala ako." Tudyo niya pa, nakakaramdam ng tuwa dahil halatang hindi komportable ang binata sa pang aasar nilang mag lola.

"May magnet ka yata apo na humahatak kay Zyron palapit sayo."

She playfully poked Zyron's waist. His eyes wide a bit because of what she did.

"Stop that." His lips protruded. "I just want to watch you. Wala rin naman akong gagawin."

"Sige na nga. Tara."

Territorial Men 5: Zyron Fuentes (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon