Wala lang, naisip niya kasi kung sumagi man lang ba sa isip ng kuya niya ang katotohanang hindi sila pwede dahil magkapatid sila. Gusto niyang malaman kung anong isasagot ni Darko.

"You know, love. As I've said before, wala akong pakialam. Basta mahal kita hindi bilang kapatid kundi bilang isang babae, 'yun ang mahalaga. Buti nga napigilan ko ang sarili kong makipagtalik sa'yo nung bata pa tayo eh. I just want to wait until you turns 18. I still respect you kaya ganon."

Nangunot naman ang noo niya sa sinabi nito. At saka humiwalay sa pagkakayakap nito bago niya ito tiningnan na tila nang-aakusa.

"Grabe ka, Darko! Minamanyak mo na pala ako noon pa man sa isip mo." At saka niya ito pinaningkitan ng mata na kinatawa lang nito. "At ano 'yung sinasabi mong 'pag nag-18 ako? Ibig sabihin, pinlano mo na talagang buntisin ako?" Pinagkrus niya ang dalawang braso niya na tiningnan si Darko na tila nang-aakusa pa rin.

"Eh, wala na akong choice eh. Kailangan na kitang buntisin dahil in-arrange ka nila dad sa ibang lalaki. Ayaw ko naman mawala ka sa akin nang tuluyan." Paliwanag nito na sumeryoso na ang facial expression, at saka binaling ang ulo sa ibang direksyon.

Ngumiti na lang siya na hindi naman nito nakita, at hindi na ulit nagtanong pa, bagkus ay pinulupot niya ang braso niya sa baywang nito mula sa gilid at saka pinatong niya ang gilid ng ulo niya sa may balikat nito.

"Oh, tama na. I won't ask questions about that again. I love you and that's all that matters." Saad niya, at ramdam niyang kumalma na ito.

"Breakfast is ready."

Nilapag na niya sa lamesa ang niluto niyang ulam na bacon, hotdog, and egg. At pinrepare na din niya ang rice sa dalawang plates. At pagkatapos ay siya na rin ang nagsalin ng juice sa dalawang baso.

Habang si Darko naman ay nakangiti lang na pinagmamasdan siya. Nasa isip nito na para na talaga silang mag-asawa. Kulang na lang ay ang kasal.

Kung wala lang sanang sumabotahe ng pagpaparehistro ng kasal nila, edi sana ay legal na silang mag-asawa.

Pero naisip din ni Darko na hindi pa siguro 'yun 'yung tamang panahon. At gusto rin niya na 'pag kinasal sila ay marami ang dadalo para malaman nila na pagmamay-ari niya si Dara.

Nagsimula na silang kumain, at sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay napahawak si Dara sa kanyang baby bump kasabay ng pagngiti niya.

"Darko, ano kaya kung samahan mo ulit akong magpa-check up. Gusto kong malaman ang kalagayan ng baby natin. Ang tagal na rin nung huling check up ko."

Naalala niya bigla si Paolo. Siya kasi ang huli niyang kasama nung magpa-check up siya. At doon niya rin nalaman na buntis siya.

Nalaman niyang ang kuya rin pala niya ang may-ari ng hospital na pinagdalhan sa kanya ni Paolo. Nalaman niyang hindi lang pala private property ang meron ito, kundi mayroon din pala itong public property. Oo nga at magkapatid sila pero ngayon niya lang talaga nalaman ang bagay na 'yun. Malihim din kasi itong si Darko.

Napagtanto nga rin niya na kahit pala magkalayo sila nun ay pinababantayan pa rin siya nito. Kaya hindi na siya nagulat na maging ang lokasyon kung nasaan siya nung mga panahong 'yun ay alam nito.

Naitanong niya rin dito na bakit hindi agad siya nito pinuntahan kung alam naman pala kung nasaan talaga siya, ang tanging sagot lang nito ay gusto nitong bigyan siya ng time na makapag-isip at ayaw rin nitong ma-stress siya dahil na rin sa baby nila. Pero nung malaman daw nito na nagpunta na doon ang kababatang si Dave ay nakaramdam na daw ito ng takot na makuha siya nito, kaya naman sinundo na siya ni Darko doon.

Napapangiti na lang siya sa tuwing naaalala ang pagkapossesive nito sa kanya.

Ewan ba niya pero 'yun talaga ang nararamdaman niya. Nagising na lang siya isang araw sa tabi nito na ayaw na niya itong iwan.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now