Chapter 6

4 0 0
                                    


Ace POV

Hmm nandito lang ako sa upuan ko at umob-ob nang marinig ko na wala daw pasok dahil may meeting ang mga prof. Boring.. First day of school walang pasok? Tsk.
Hindi  ko parin iniba ang pwesto ko nang mapansin ko na may kakaiba. Agad akong tumingin sa mga students na nandito nang mapansin ko ang lalaking papasok sa room. *smirk*

Pinaalis niya ang mga hayop sa labas. Tsk mabuti na rin dahil ang iingay nila.

"Anong nangyayari dito?" Sya habang nakatingin kay Abra.

"At sino ka naman? Wag mong sabihing makikisali ka sa gulo namin ng babaeng 'to?" Sabay turo sa babae sa harap. Ito yung nakabangga sa kanya kanina. Tss

"Kung ayaw mong masaktan ay wag kang makialam!" Si Abra na ngayon ay nakatingin sa babae sa harap.

"Masaktan? Si Greg? Seriously pre? " Sabi nang isang lalaki na may dalang magazine at parang tumatawa pa. Nag-iinsulto ba sya?

"Shut up Blue." Sita ni Greg daw kay Blue. Okay.. Itong lalaking to ay si Blue at yung isa kanina na nambugbog ay si Red. What a twin. *smirk * at ang isang 'to ay si Greg. May kakaiba sa kanya. Hindi ko lang matanya kung ano. May kakaiba nga sa paaralang ito. Kakaiba ang mga studyante dito.

Magsasalita pa sana si Blue nang tumayo ang babae sa harap.
"Una na ako." sabi nya at biglang umalis. Ganun din ang ginawa nang ibang kasama niya. "Wait up Snow." Tawag sa kanya ni Blue at umalis narin kasabay nung Snow.

Snow? Weird name.

"At san ka pupunta?" Na agaw ni Abra ang pansin ko nang hahawakan niya sana yung babaeng nakasagutan niya ngunit biglang pinigilan nung Greg ang kamay niya. Agad naman nagsipagtayuan ang grupo para sa handang pag sugod kung ano man ang mangyari.

Nung makaalis na ang mga babae ay biglang binitawan nung Greg ang kamay ni Abra at umalis narin. Tss
"What the hell!" parang hindi makapaniwalang sabi ni Abra. Sa aming anim, sya talaga ang sinusundan ng gulo.

"Ok ka lang dre?" tanong agad sa kanya ni Blake nang malapitan sya.

"Pisti talaga! Ang sakit ng kamay ko!" Napansin nga namin na namumula ang kamay niya kung saan hinawakan nung Greg. WTH.
At ngayon ko lang rin napansin na may mga kaklase pa pala kaming nandito sa loob at nanunuod. Tsk.

"Ahm miss pwede magtanong?" Biglang lapit ni Blake sa mga babae na nandito pa sa loob.

"Yess pogi sure. Ano yun?" tsk halatang kinikilig.

"Sino yung mga lalaking yun? Ano ba sila dito sa school?" hmm buti natanong nya.

"A-ah a-no.. Ang tinutukoy mo ba ay sila Greg at yung mga kasama niya?" Bakit parang natakot to eh tinanong lang naman.

"Greg? Ahh ou sila nga. Ano ba sila dito?" Curious naman na tanong sa kanila ni Blake na ngayon ay lumapit na sa pwesto nila. Naging curious din kami sa maaaring sagot kaya lumapit narin lami sa kanila.

"Ang grupo nila Greg ang kinakatakutan dito sa loob ng U. Kaya nilang gawin kahit ano. Kaya nilang gawing possible ang impossible." eh? Impossible.

"Tsk niloloko mo ba kami miss?" may bahid na pagkadismayang sabi ni Blake. Hindi kasi kapani-paniwala eh. Kami nga na gangster hindi kayang gawin yun. Sila pa kaya na students lang. Tsk

"Hindi kami nagloloko. Kahit sino pang tanungin mo dito ay ganun din ang isasagot. Actually, Lima yan sila sa grupo. Si Greg, yun yung kanina dito. Ang kambal na Anderson ay yun sila Blue yung kasama dito ni Greg at si Red. At ang dalawa ay si Kenjin at Winter. Ang dalawang yan ang hindi mo gustong kalabanin. Lalo na si Winter. " mahabang litanya nang babae.

"Winter? Sino naman yun? " tanong agad ni Daniel.

"Shhh lang kayo ha pero si Winter a---" hindi natuloy na sasabihin ng babae dahil biglang pumasok ang mga lalaki. Sino naman to.

"A-ah s-sige ha.. U-una na k-k-kami." at agad naman silang nagmamadaling lumabas. Problema nun? Bakit bigla silang natakot simula nung pumasok ang mga lalaking ito. Tsk



The Gangsters IN University Where stories live. Discover now